Part 2 Chapter 5

60 3 0
                                    

Part 2

Chapter 5

March 8, 2014

Brent's POV 

Today is my 77th day. So far, things are really in progress. Nakukuha ko na ang loob ni Daph, may suspects na ako, at may evidence na ding hawak. Ang kailangan ko na lang ay confirmation kung sino sa mga suspects ang killer. 

Papunta kami ngayon ni Summer sa pier para tingnan ang bagong deliver na barko. Pagdating namin dun, umakyat agad kami para makita yung loob. 

"Sir Brent, parang ito na po yata ang magiging pinakamalaking barko ng Buenaventura Shipping Lines." 

"Maganda ba? I spent too much money for this." 

"Huh? You used your money?" 

"Yup. Ang ganda nito 'di ba? Very classic and royal. Pwedeng gawing reception ng kasal. This ship can accommodate 1000-3000 persons." 

"Sir, bakit hindi pera ng company ang ginamit na pambili dito?" 

"Ayokong galawin ang pera ng kompanya. Besides, aanhin ko ang pera ko if aalis din ako sooner or later? I'd rather spend my money with things like this kaysa i-deposit lang ang pera sa bangko." 

"Aalis ka, Sir?" 

"Hindi pa naman yun sure...Pero never mind that. Tara dun sa may labas para makita mo ang dagat." 

Malamig ang simoy ng hangin kahit alas-onse na ng umaga. Makulimlim ang langit at mukha yatang uulan. 

Pumunta si Daph sa may dulo ng barko. Yung tipong, parang sa Titanic. Pero hindi naman niya itinaas ang mga kamay niya. Tiningnan niya lang ang dagat at parang malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya. 

"Is there any problem, Summer?" 

"Wala naman, Sir. Naaalala ko lang si Sky. Today, 4 months na siyang wala." 

"I see." 

Sumenyas ako sa kapitan. Nagulat si Daph nung biglang umandar ang barko. 

"Sir, san po tayo pupunta?" 

"Wala...pinapa-testing ko lang kay kapitan kung okay ang makina ng barko kaya sabi ko paandarin niya." 

"Ahh. Okay." 

Daphne's POV

Habang umaandar ang barko, tinitigan ko si Sir Brent. Habang tumatagal, mas bumabait siya sa akin. Yung pagkainis ko sa kanya dati, unti-unting nawala.

Pumikit ako. Bigla namang umihip ang malamig na hangin.

Hindi ko alam pero parang naramdaman ko bigla na nasa tabi ko si Sky. Pag mulat ko, nakita ko si Sir Brent, nakatingin sa dagat. Pumikit muli ako. Sa pagmulat ko...si Sky ang nakita ko.

My Better Half is from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon