Part 1 Chapter 8

48 2 0
                                    

Part 1

Chapter 8

Nov 9, 2013

Alas singko y media pa lang, gising na ako. Gising na din si Mama. Nagluluto siya ng arros caldo at nakabili na din siya ng tinapay. 

"Dadalhin natin 'to sa ospital. Siguradong hindi pa kumakain ang mga magulang ni Sky." 

Kumain na ako ng almusal. Ala-sais y media ng umaga nung daanan kami nina Avrielle at Haylee. 

Pagdating namin ng ospital, narinig ko ang radyo ng gwardiya sa entrance door.  

From this moment, life has begun 

From this moment, you are the one 

Right beside you is where I belong 

From this moment on 

Kinabahan ako. Tumakbo ako papuntang elevator. 

"Sis!"sigaw ni Haylee. 

Hindi available ang elevator. Tumakbo ako papuntang hagdan. Nasa third floor ang ICU. 

Pagdating ko ng third floor, hingal na hingal ako. Narinig kong bukas din ang radyo sa nurse station. Nasa second chorus na ang kanta. 

You're the reason I believe in love 

And you're the answer to my prayers from up above 

All we need is just the two of us 

My dreams came true because of you 

Tumakbo ako papunta ng ICU. Two rooms away lang yun mula sa nurse station. Naririnig ko pa rin yung kanta. 

Nagulat ako pagtingin ko sa loob ng ICU. Nandoon ang Mommy at Daddy ni Sky. 

"One, two three, CLEAR!" 

Umangat ang katawan ni Sky. 

From this moment, as long as I live 

I will love you... 

Umiiyak na ako. Sky, please breathe! Please...

I promise you this 

There is nothing I wouldn't give 

From this moment 

I will love you... 

Umiling ang doctor. Lalong umiyak ang Mommy ni Sky. 

My Better Half is from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon