Part 2 Chapter 3

55 3 0
                                    

Part 2

Chapter 3

January 27, 2014

Brent's POV 

Dumating na sina Mommy at Daddy kahapon. I am now getting ready to meet them. May dinner kami ngayon and kasama rin ang mga Lee at Fuentes. 

Pagdating ko sa hotel, andun na ang mga Lee. Sinalubong agad ako ng mag-asawang Buenaventura...or ng Mom at Dad. Kumamay sila sa akin and then I sat. How I wish I could hug both of them....miss na miss ko na silang dalawa. Pero hindi pwede, I need to be formal and act as if hindi ko sila kilala. Maya-maya pa, dumating na ang mga Fuentes and we started eating. 

"Hijo, we are actually surprised na ikaw lang ang nakabili ng stocks namin...And to think, at your age, hindi namin akalaing makakaya mong i-manage ang kompanya independently. We heard that our business operations are normal again and sales are starting to rise. Paano mo nagawa yun?"sabi ng Daddy. 

"Well, siguro po dahil masyado na akong exposed sa business world. Somehow, alam ko na po ang mga strategies ng mga business men in order to save a dying company." 

"We are very blessed na ikaw ang major shareholder namin ngayon. And by the way, salamat hijo dahil hindi mo pinalitan ang pangalan ng kompanya,"sabi naman ng Mommy. 

"I know that you've been through a lot para po sa mapaunlad ang kompanya and I respect that. You are still the original owner of the shipping lines at hindi na po magbabago yun." 

Mom and Dad smiled at me. Alam kong natutuwa sila sa mga sinabi ko.  

Kinuha ko ang basong may lamang wine at ininom ito. I then noticed that my ring turned into red. Maya-maya, it turned into black. 

Natigilan ako. BLACK? Sino sa mga kaharap ko ngayon ang isang fallen angel na nagkatawang-tao? Hindi ko pwedeng tanggalin ang singsing ko dahil kapag ginawa ko yun, malalaman ng fallen angel na hindi ako isang ordinaryong tao...na nakikita ko siya. Mapapahamak ako.  

The dinner ended and then we parted ways. I started driving the car. Habang nagda-drive ako, naisip kong things are getting better. At least, may mga suspects na ako ngayon. Kailangan kong i-monitor ang mga Lee at ang mga Fuentes. Of course, I don't need to monitor my Mom and Dad. Who in the world would kill their only son...hindi ba? 

I have decided na wag na muna pumasok bukas until next week. Kailangan ko munang kumuha ng mga impormasyon regarding them. Naisip ko...it would be a nice idea kung magkakaroon ako ng access sa CCTV sa bayan ng Batangas nung week na pinatay ako.

February 8, 2014

It's my 47th day. So far, things are in progress. I was so busy last week. I needed to work on so many documents secretly. I hired detectives, NBI agents, and police men para matulungan ako. Hindi naging madali ang mga bagay-bagay dahil they got interested kung bakit ko gustong maungkat ang kaso ni Skyler...or mas tamang sabihing, ang kaso ko.

I finally got the copies of the CCTV footage from November 6 up to November 13, 2013. Inutusan ko ang ilan sa mga tao ko na panooring mabuti ang mga CCTV footage na iyon and then yung iba naman ay palihim na mino-monitor ang mga Lee at Fuentes. Bumili naman ako ng bagong condo unit para magsilbing headquarters namin.

My Better Half is from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon