Part 1
Chapter 11
December 21, 2013
Busy sa trabaho ngayon si Daph. Ang dami pa rin niyang ginagawa. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakaupo sa office chair niya.
Maya-maya, may tinawagan siya sa cellphone niya.
"Hello, tita? Si Daphne po ito...Ah...may kailangan lang po akong sabihin sa inyo."
Si Mommy kaya ang kausap niya?
"Tita, based from your financial statements...mukhang malapit na pong malugi ang kompanya. We need additional capital...Marami po tayong unpaid debts kaya po hindi na po tayo makapag-loan sa mga bangko. Ayaw na rin pong magdagdag ng capital ng business partners nyo. Tingin ko po...we have no choice kundi ibenta ang stocks ng kompanya sa publiko...sa mataas na presyo."
What?! Hindi pwede. Kapag nangyari yun, baka mabago ang pangalan ng kompanya. At baka mawala lahat ng pinaghirapan ng pamilya namin. Hindi pwedeng ibang tao ang magpatakbo sa kompanya namin! Mom, wag kang pumayag...please!
"Sige po, I understand. Tawag na lang po kayo pag may desisyon na kayo ni Tito...Okay po...Ingat din po...Bye po."
Sana hindi pumayag si Dad. Baka naman may iba pang paraan para maisalba ang kompanya. This can't be happening!
It is almost 6 PM. Lahat ng tao sa office ay paalis na pero si Daph mukhang wala pang balak umuwi.
"Aren't you going home?" tanong ni Zander.
"Uuwi na rin ako, may kailangan lang akong tapusin."
"Ayaw mo lang atang magpahatid sa akin eh."
"Come on, Zander. Hindi ganun yun. Besides, andito pa naman si Courtney eh. May makakasabay pa ako pauwi."
"Oo nga po, Sir. Hindi po ako uuwi hangga't andito pa si Ma'am."
"Don't worry, I will take her home," sabi ni Keira na nakatayo sa may pinto ng office.
"Okay then, mauna na ako sa inyo."
Umalis na si Zander.
Daphne's POV
Ang weird ni Zander. He always insists to take me home. He asks me to eat lunch or dinner with him. He makes almost all of the paper works na dapat ay ako ang gumagawa. May gusto kaya siya sa akin? Oh no. Hindi pwede.
I packed my things. After nun, I locked the office and bid my goodbye to Courtney. Si Ate Keira naman, nakikiramdam pa kung uuwi na ba talaga ako o may pupuntahan pa ako.
"Ate Keira, pupunta lang ako sa rooftop."
"Sa rooftop? Gabi na, baka mahamugan ka. At saka...anong gagawin mo dun?"
Hindi ko siya sinagot. Umakyat na lang ako papunta sa rooftop. Sinundan niya naman ako.
"Nung nabubuhay pa si Sky, malimit kaming magpunta dito."
"I see. Namimiss mo siya ano?"
"Oo naman ate. I always do."
BINABASA MO ANG
My Better Half is from Heaven
FantasyWhat if all of a sudden, the man you love left without even saying goodbye? How would you endure the pain? How long would you wait for him to fall back in your arms? If he comes back...would you still accept him despite everything? Most especially i...