CHAPTER 4:Miss Foolish

24.6K 697 28
                                    

Maam Porshia's POV

"Tara na sa field Ms.Rivera dahil kailangan mo nang magsanay kung paano gamitin yan."sambit ko sa kanya

"Maam Porshia paano ko po ito itatago??"takang tanong na may pagka sarcastic na sambit nya

Pfftt...trying hard using our words ehh??

Oo, marunong kaming gumamit ng ingles na salita nila pero mas nararapat parin na gamitin nya yon at matutunan

"Ahh buti natanong mo, Isipin mo lang na gusto mong mawala ang wand at mawawala na yan sa palad mo. Ganun din pag gusto mong ilabas ulit. "Sambit ko  naman agad

"Ahhh okay"sambit ni Reyah na gamit ang cold na boses

Palihim akong napangisi ng marinig ko ang napaka lamig na boses na babaeng ito

Hindi naaayon sa isang dalaga ang ganyang persolidad pero nakapagtataka na nagugustuhan ko ang kanyang pag-uugali

O baka naman nasanay lang ako sa aming prinsipe

Ilang minuto rin ay nawala na sa kamay nya ang wand

Aba!matalino at malakas ang loob ng batang ito,mabilis niyang naiintindihan ang mga pangyayari at parang wala lang syang pakialam sa paligid nya na syang inihalintulad niya sa aming prinsipe

"Maam paano po pag gusto ko na mabilis na mapalabas ito o kaya mapaalis ito??"sunod na tanong naman nya

"Magaling na bata ka Ms.Rivera at naitanong mo yan, ikaw ang pangalawang istyudyante rito ang nagtanong dyan.Kailangan mong bigkasin sa isip mo ang salitang CHARM.Yun lang."manghang sambit ko

"Ahhh okay,susubukan ko ulit"sambit nya at wala pang 5 segundo ay nasa kamay nya na ulit ang wand.

"Ngayon Ms.Rivera wag mong ipapaalam sa ibang wizard ang alam mong technique.Dahil ikaw lang ang nagtanong ay ikaw lang din ang may alam."pagbabanta ko sa kanya

"okay"walang ganang sagot nya at tinignan ulit ang wand

Napakunot ang noo ko sa kanyang isinagot

Akala ko ba ay baguhan palang sya??
Ngunit bakit wala akong nakikitang kahit anong pagkamangha manlang??

Nang makalabas na kami sa Hall of Enchantments ay nagpunta na kami sa field na kung saan doon ipinapamalas ng bawat estudyante ang kanilang mga natutunan

"Wizards, you will have a battle and  the one that wins will get a high grades, the losers will get only +5.
Understand. Now lets begin."sambit ko kaya nag ayos na sila

"First Alira Shen V.S Eloisa Tin"
Sambit ko

Tumayo na ang dalawang wizard sa gitna ng field habang naghibintay sila ng hudyat ay nakatitig silang dalawa sa isat-isa

"One, Two, Three FIGHT!!"Sigaw ko

at nagsimulang tumira si Alia
naghahagis sya ng potion na pampabagal ngunit naiwasan naman agad ito ni Eloisa

Nawala ang focus ni si Alira sa sigawan ng mga kapwa wizard na naging dahilan uoang matamaan sya sa mukha ni Eloisa gamit ang kanyang kamao

napadaing naman si Alira sa kanyang natamo at agad niya itong tinapunan  ng freeze potion kaya nagkaroon ng bloke ng yelo sa kaniyang paa na naging dahilan upang hindi makagalaw ang kalaban

tumayo naman si Alira at inilabas nito ang kanyang sandata na shotgun
magpapaputok na sana si Alira ng pinatigil ko na sila dahil baka mapatay pa nya si Eloisa kapag ito ay tumama sa maseselang bahagi ng katawan

"Okay, the winner is Ms.Alira Shen"pagkatapos ay pinakawalan nya si Eloisa at bumalik na sila sa kanilang pwesto

Ang sunod na manlalaro
"Ace Laxamana V.S Red Shion"
Sigaw ko naman

Lux Solaris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon