CHAPTER 32:Connections

9.2K 300 4
                                        

Reyah's POV

"Aalis na po tayo ate." Nakangiting sabi nya.

Grabe aaminin ko sa inyo, kinakabahan ako. Ayoko kasi talaga sa mga ganto. Dati nga nung bata ako, naiinis ako sa palabas na may nasakay sa walis, tapos eto ako ngayon nakasakay.

Hayst, pag minamalas nga naman.

"Let's Go!!! "Masiglang sabi nya, pagkatapos ay gumalaw ito paatas sa ere. Grabe, hindi ko kaya. Baka masira yung walis.

Pagkataas nito sa ere ay bigla itong umandar ng mabilis.

Napakapit talaga ako sa walis at hindi ko minumulat ang mata ko.

"Ate, imulat nyo po ang mata nyo, hindi naman po nakakatakot ehh." Malambing na sabi nya.

Grabe, kinakabagan talaga ako. Iminulat ko ang mata ko at napahanga sa nakikita ko.

Ang ganda ng view sa baba. Nakita ko rin si Ace na seryosong naghahanap.

Nakita ko naman si Skie at Burn na nagpapadamihan ng mga babae.

"Tsk." Napailing na lang ako sa nakikita ko. Kahit kailan talaga, yung dalwang yun.

I hate them pag nangloloko sila ng mga babae

Oo I admit,wala man akong pinapakitang emosyon sa kanila but deep inside may naramdaman din naman ako

Habang naliko-liko ang walis ay tuwang-tuwa ako. Gusto ko kasi dati sumakay sa mga ride, hindi ko naman akalain na sa walis pa ako makakasakay.

Habang feel na feel ko ang pagsakay ay bigla itong huminto.

"Andito na po tayo ate." Nakangiting sambit nya.

"Ano ba yan, tapos na agad," pabulong na sambit ko.

Nakasimangot akong nagpunta sa library.

Guys, alam kong hindi ako masyadong nagiti pero iba po ang walang ekspresyon na mukha kesa sa nakasimangot.

Pagkapasok ko ay nagpunta agad ako sa librarian.

"Hi hija. "Nakangiting sambit nito.

Nag nod na lang sa kanya.

"Asan po ang libro ng mga dark spells?? "

"Ahh nasa kanang bahagi ng library, pangatlong shelf." Nakangiting sambit nito.

Nag nod naman ako at nagmadaling magpunta doon.

Nang makarating ako ay hinanap ko kaagad ang libro.

"Ito. "Nagulat naman ako sa nagsalita. Pagkatingin ko ay nandun si Lucinda at may hawak na libro.

"Tsk." Yun na lang ang nasabi ko at naupo.

"Paano mo nalaman na hinahanap ko ito??"nakangising tanong ko

"Ahh, narinig ko kasi na tinanong mo kay mama." Nakangiting sambit nito.

Tsk. Nanay nya pala yun.

Pagkabuklat ko ay hinanap ko kaagad ang pahina ng dark balls.

Habang hinahanap ko ito ay nag salita na naman sya.

"Ate, page 50."nakangiting sambit nya.

Nag nod na lang ako at binuklat sa page 50.

"Dark Balls." Basa ko dito.

"Teka, paano mo pala nalaman yung page??"tanong ko ulit

"Ahh, ganon talaga ako ate, pag alam ko yun ang kailangan nya, yun talaga ang hahanapin ko." Nakangiting sambit nya.

Lux Solaris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon