Reyah's POV
Pagkabalik ko sa pwesto ni Ace ay nakita kong nakangiti sya sakin. Tinakpan ko kaagad ang bibig nya at nakita ko na kumunot ang noo nya.
"Ano ba! Diba sabi ko wag kang ngingiti pag maraming tao." Sambit ko nang pabulong.
Nag nod naman sya at nagteleport.
Nang ilibot ko ang mata ko ay nakita ko na nasa garden kami.
Tinanggal nya ang kamay ko at niyapos ako.
"Ang galing mo kanina, isa yan sa milyong dahilan ko kung bakit kita mahal." Sambit nya sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya. Nakita ko naman na ngumiti rin sya sa akin.
"Alam mo Ace, kaya ako nagpaganda at ipinakita ko sa kanila ang galing ko para hindi ka na nila sabihan ng mali ka pumili ng taong mamahalin." Sambit ko sa kanya ng seyoso.
"Alam mo kahit na wala kang gawin, deserve mo pa rin ako." Sambit naman nya.
May kinuha sya sa bag nya at ibinigay ito sa akin.
"Reyah, luto yan ni Ina. Ibinigay nya yan sakin para ibagay daw sayo. Dadalhin pala kita mamaya sa Estrallia. Sisimulan na kasi nating mag ensayo. "Sambit ni Ace na nakangiti.
Nag nod na lang ako. Kinakabahan ako mamaya. Nabasa ko kasi sa libro na ang ama daw ni Ace ang pinaka malupit at mabagsik na hari sa buong magic world.
Kinain ko na ang ibinigay sa akin ni Ace. Ang sarap ng pagkain kaya naubos ko ito.
Ng maubos ko na ay nagteleport na si Ace kasama ako at inihatid nya ako sa kwarto ko.
"Maghanda kana. "Sambit nya sa akin.
Nag nod na lang ako at nag impake. Nag paayos ulit ako kay Chyanea. Ng matapos na akong ayusan ay bumalik na ako sa kwarto ko at inilabas na ang key.
Nag smirk naman sya at tinap ang ulo ko.
Gumawa na ako ng portal at nakarating na agad kami.
Nasa harapan na kami ng gate dahil may malakas na barrier ito. Hinawakan ni Ace ang kamay ko at pumasok na kami.
Habang naglalakad kami ay may sumalubong sa amin na bata.
"Kamusta kuya Ace!! "Nakangiting sabi nito.
"Ayos lang ako Sia." Cold na sabi ni Ace.
Nag nod naman ito at tumingin sa akin.
"Magandang hapon po binibini. Kaano-ano po kayo ng kuya ko??"tabong ng babae
Ngumiti naman ako sa kanya at tumingin kay Ace.
"Siya ang kasintahan ko Sia." Nakangiting sabi ni Ace.
Tumili naman ito at tinuro ang mukha ng kuya nya."Si Kuya Ace ngumiti!!!" Sambit nito habang natalon.
Lumapit naman ang isang babae na mga kasing edad ni Headmistress Matilda. Kamukha nya rin ito.
Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Ikaw pala si Reyah. Kakaiba ang ganda mo.kaya pala Payag sa iyo si Ina."sambit ng magandang babae
"Ano po?" Sambit ko naman.
Humalakhak ito at tumingin sa akin.
"Ina ko si Evergreen. Naikwento ka nya sa akin. Magandaka daw at kakaibang babae." Sambit niya sa akin na may galak.
Tinignan ko man ang isang lalaki na kamukha ni Ace.
Nakatitig ito sa akin ng masama. Tumitig rin ako sa mg mata nya. Siguro ay sya si haring Stephan.

BINABASA MO ANG
Lux Solaris
FantasyI lived a life full of darkness for so long that it suffocates my soul. But just like any other species, it struggles in a incompatible environment. And so, instead of being a shadow, living quietly and sorrow, I made myself as a sun, and made a w...