CHAPTER 25:The Past

11.6K 367 5
                                        

Reyah's POV

Pagkagising ko ay nakita ko si Ace na nakatitig sakin.

Bumaligwas naman ako dahil sa itsura ko. Nagpunta agad ako sa C.R at nag morning routine. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng C.R.

"Bakit ka ba nag mamadali." Sambit naman ni Ace.

"Nakakahiya kasi yung mukha ko."Sambit ko naman.

It's true.bad breath pa ako,tapos baka mamaya amoy laway pa ako

"Tssk. Ang ganda mo kaya pag natutulog. "Sambit naman ni Ace.

"Nako Ace, wag mo nga akong bolahin dyan. Bumagon ka na nga"Sambit ko naman na pataray.

"Hindi ako nangbobola Reyah, may isang salita ako. "Sambit naman nya na seryoso.

Nag nod na lang ako at hinila na sya para bumangon.

"Ano ba Ace, tara na!!."sambit ko naman. Lumalabas talaga ang kakulitan ko pag dating sa kanya.

Kabaligtaran lahat ng nararamdaman ko sa mortal at sa magic world. Parang komportable ako sa atmosphere dito.

Nang makabangon na sya ay napakamot pa sya sa batok bago pumasok sa C.R.

Ng matapos na sya ay napansin ko na hindi rin sya nagsusuklay.

Parehas din kaming naka jacket na may hoodie.

Nakasuot kasi ako ngayon ng leggings na black. Naka white T-shirt ako pagkatapos ay naka jacket.

Hindi rin ako nagsuklay kaya inipit ko na lang yung buhok ko. Naka rubber shoes rin ako ng Air Max.

Ngumiwi naman ako sa kanya.

"Bakit?" Sambit naman nya na may pagtataka.

"Bakit pareho tayo ng suot?? "Sambit ko naman habang nakangisi.

"Hindi kita ginaya. Tignan mo man ang cabinet ko." Sambit naman nya habang nakangisi.

Tinignan ko ang cabinet nya at nagulat ako ng parehas kami pati ng laman sa cabinet. Puro black and white lang ang makikita mo.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Nice one Ace." Sambit ko naman.

"I told you, parehas tayo ng gusto. Kaya naman akin ka lang." Sambit naman nya ng nakangiti. Pagkatapos ay inakbayan nya ako at lumabas na kami sa kwarto nya.

Habang naglalakad kami ay punagtitinginan na kami ng mga tauhan sa palasyo.Nakaakbay parin si Ace sa akin habang naglalakad.

Ng makapunta na kami sa hapag kainan ay tinanggal na nya ang kamay nya sa balikat ko at hinila ang upuan na nasa kaliwang bahagi ng Ama nya.

Umupo na ako at inayos nya yun. Tumabi naman sya sa akin at ngumiti.

Habang nakain kami ay biglang nagsalita Si Haring Stephan.

"Mahusay Reyah, ganyan ang mga gusto kong nilalang, kakaiba. Yan siguro ang nakita ng anak ko sayo. Alam mo ba na ngayon na lang ulit namin nakita si Ace na ganyan kasaya. "Sambit ni Haring Stephan sa akin..

"Nag iba na kasi ang ugali nya nung nalaman nya na sya ang Beholder of Dark. Naging cold na sya. Natatakot kasi sya na magkaroon ng kahinaan sa laban." Sambit naman ni Reyna Alesia.

"Pero ngayon, dahil dumating ka Ate bumalik na ang kuya ko sa dati"Sambit naman ni Sia na nakangiti.

"Ate Reyah, alam ko ba na ikaw lang ang nakakapagpalabas ng kanyang tunay na emosyon. Maliban na lang kay-------"
Hindi pa nastapos ang sasabihin ni Sia nang tumayo na si Ace.

"Wala na sya, wag nyo na syang banggitin. "Sambit naman ni Ace pagkatapos ay umalis na.

"Sino yung tinutukoy mo Sia??" Sambit ko naman na may pagkabahala.

"Ahhh. Si Ate---Ate------Mi--Minerva."
Takot  at putol-putol na sabi ni Sia.

"Bakit anong nangyari??" sambit ko naman.

Bigla namang sumabat si Haring Stephan.

"Si Minerva ang minahal ni Ace dati.Ipinaglaban nya ito sa amin kahit na hindi kami pumayag na maging sila.

Nagtanan sila pero umalis si Minerva sa pinagtaguan nila. Lumipas ang ilang araw bago umuwi si Ace. Nang makauwi sya ay nalaman nya na sumama pala si Minerva kay Wildard sa Orasion Seis.

Nang malaman nya yun ay hindi na sya naging katulad ng dati na madaldal at masayahin.
Yun ang istorya kung bakit sya naging Cold.

Nang malaman ko yun ay parang tinusok ang dibdib ko ng isang daang palaso.

Reyah, sana ay wag magbago ang turing mo kay Ace sa nalaman mo. Bumalik na sya sa dati, at dahil yun sayo. "

Pagkasambit sakin non ni Haring Stephan ay nag nod na lang ako at umalis.

Hindi ko alam kung daan ako papunta basta lakad ng ako ng lakad. Nakakita ako ng terrace kaya doon ako nagpunta.

Huminga ako ng malalim pagkatapos ay naupo ako sa isang bangkuan.

Kaya ba magkaparehas kami ay dahil sa nasaktan sya?

Kahit na nakaraan na yun ay masakit parin para sakin.

Kaya sya nagkaganon ay dahil sa pagmamahal nya kay Minerva.

Bakit ba nagkakaganto ako!! Mas gusto ko pa sa mortal. Wala akong nararamdaman.

Bakit ba ganito ako pagdating da kanya? Nagiging isa akong mahinang babae.

Habang iniisip ko yun ay biglang may kumuhit sakin.

"Ate, pasensya ka na kung nasabi ko yun. Dapat di ko na lang sinabi yun para hindi kayo nagkakaganto." Paiyak na sabi ni Sia.

Pinaupo ko sya sa tabi ko at hinimas ang buhok nya.

"Wala ka namang kasalanan Sia, buti nga at sinabi mo. Wala kasi akong alam tungkol sa nakaraan nya. "Sambit ko naman para mapagaan ang loob nya.

"Sorry Ate, dapat di na lang ako naging madaldal. Yan tuloy nagkagalit pa kayo ni kuya." Sambit ni Sia habang naiyak.

"Sia, hindi naman ako galit sa kanya. Nainis lang ako, di nya kasi sinabi sakin yung ganong pangyayari. "

Bigla naman akong niyakap ni Sia,"ate sana wag kang gumaya kay Ate Minerva na masama at iniwan si Kuya.

Ate masama sya, kay Kuya lang sya mabait. Pero pagdating sakin at sa ibang tao pati na rin kina Ama at Ina, masama syang tao.Tinangka nya pang patayin si lola nung Hindi sya nagustuhan nito.

Pero hindi naniwala sa amin si Kuya kaya nya ito tinanan. Pero iniwan rin sya at sumama sya kay kuya Wildard. Umuwi dito si kuya na walang ekspresyon sa mukha simula noon. Lagi na rin syang walang imik. Bumalik lang sya sa dati nung dumating ka dito."Sambit nya habang naiyak

Nag nod na lang ako sa mga nalaman ko.

"Ate,alam mo bang kamukha ka ni Prinsesa Mavis??" Sambit nya sa akin.

"Huh?? Yung prinsesa ng Crystalia?? "Takang tanong ko

Nag nod naman ito.

"Di ko pa nakikita ang litrato nya." Sambit ko naman.

"Ate alam mo bang Curse magic ang kapangyarihan ni Kuya??" Sambit nito sa akin.

"Huh?? Bakit naman??" Cold na sabi ko.

"Kasi nagkalat sa magic world ang mga dark essence. Kaya naman nagkakaroon ng mga kakaibang halimaw rito.Lagi ni kuya pinipigilan ang kapangyarihan nya na higupin ang mga essence dahil baka lamunin sya nito at hindi makontrol ito. Kaya naman ayaw ni kuya na lumabas ng academy.kaya pag nagkaroon ng mission ay tinatapos nya agad ito. Lagi pati ditong may digmaan. Kaya laging mayroong barrier ang bawat kaharian. Lahat ng barrier na kulay blue ay isang crystal barrier. Ito ay iniambag ng Crystalia. Nang mamatay kasi si Prinsesa Mavis, ipinagkatiwala nya ito sa kanilang kaharian. Dapat ibibigay nya ito kay prinsesa Crystal pero bata pa lang sya ng mamatay sya. "Sambit nito na may pagkalungkot sa mukha.

Nag nod na lang ako sa kanya. Kahit na bata sya ay marami na syang alam.

"Ate,sorry ulit." Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na sya.

Lux Solaris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon