CHAPTER 72:CHANGE

9.1K 322 123
                                        

Reyah's POV

Pagkatapos ng nangyari nung isang araw ay back to normal na ulit ngayon

Isa tong kasaysayan na tatatak sa mga nilalang dito hanggang dulo

May iba't-iba na kami ngayong ginagampanan sa magic world

Katulad na lang ni Chyanea,dahil sa nangyari ay nakilala na sya bilang isang magaling na tagapag-ayos.mayroon na syang isang maliit na island para sa mga nagtra-training na mga wizards sa pag-aayos

At si Mariella at Carl naman ay may sarili na silang Golden Ship na tinitirhan.Katulad din ni Chyanea,mayroon nading mga nagtra-training sa kanila

Si Edlyn naman,sya na ang Headmistress ng Academy Ngayon

Ang mga Elementals naman ay sila na ang mga Hari sa kanilang palasyo

Hayst, ang buhay talaga

Gabi Ngayon at nandito ako sa dorm at nakahiga

"Reyah"sambit ni Edlyn sa akin

"Hmm?"sambit ko naman sa kanya habang nakatingin sa bintana

"Pinapatawag ka sa labas"sambit ni Edlyn sa akin

"Bakit daw?"sambit ko naman sa kanya

"Ano ka ba!may bumibisita sayo sa baba"sambit ni Edlyn pagkatapos ay ngumiti

"Ok" masayang sambit ko at bumaba na kami

Pagkababa namin ay nandito ang lahat ng elementals,si Chyanea,Tita Emilda,Sila Carl

"Surprise!!!!"sigaw nilang lahat sa akin"

Napangiti naman ako sa ginawa nila

Luminga-linga ako at hinanap si Ace

"Sino bang hinahanap mo Prinsesa??wala si Master. May mahalang ginagawa"biglang sambit ni Dwayn habang nakaakbay kay Edlyn

Nadismaya naman ako pero hindi ko pinahalata

"Hay nako Prinsesa,wag kana malungkot.Alam mo naman,madami syang kailangan na gawin"sambit naman ni Fred

Nag nod na lang ako

Biglang itinaas ni Fred ang kamay nya at nagkaroon ng mga snowflakes na nagbagsakan

Naptingin naman ako sa taas at pinagmasdan itong bumagsak

Bigla namang itinaas din ni Dwayn ang kamay nya at nagsitubuan ang mga bulaklak sa paligid ko

Kahit na maganda ito ay hindi parin ako masaya dahil wala naman ang isang tao na hinihintay ko

Pumitik naman si Laxus at biglang nagsipuntahan ang mga alitaptap

Bigla namang pumitik si Skie at nagkaroon ng malaks na hangin na papunta sa akin kaya naman napapikit ako

Pagkamulat ko ay nagulat ako ng makita ko syang nasa harapan ko

"Bans"sambit ni Ace sa akin at lumuhod sa harapan ko

Naglabas siya ng isang box na kulay pula at binuksan nya ito

"Alam kong madami na tayong pinagdaan.at masaya ako dahil nalampasan natin to.Alam ko rin na ako ay isa sa mga mahirap pakisamahan,hindi masayahin.Pero ipinapangako ko na isa ako sa mga ibubuwis ang buhay para sayo."sambit ni Ace sa akin ng seryoso

"Will you marry me Bans?"sambit sa akin ni Ace

Bigla naman akong napaluha sa ginawa nya

Sya talaga ang lalaking nakakapag pasaya,paluha at nagpapakilig sakin.sya lang ang nakakakpag bigay sa akin ng iba't-ibang ekspresyon pero......

Lux Solaris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon