CHAPTER 20:Danger

13K 399 5
                                        

Reyah's POV

Pagkapasok ko sa loob ay napangiti ako at nagpunta na sa kwarto ko. Papasok na sana ako ng magsalita si Edlyn.

"Ang saya mo ata Ate??" Nakangiwing sagot nito

"Paano mo naman nasabi??" Cold na sabi ko

"Sus! Eh pagkapasok mo pa nga lang sa pinto nakangiti kana na parang walang bukas. Di mo man lang kami napansin" Sambit ni Chyanea habang nakain ng popcorn

"Tssk" Sambit ko pagkatapos ay pumasok na sa kwarto.And I was shocked to see Ace in my room

"Oh bakit ka nandito?" Pataray na sambit ko

Bumangon ito sa kama at nakita ko na naka pout sya. Hindi ako aalis dito hanggat wala akong hug."pagkatapos nya sabihin yon ay ibinuka nya ang mga braso.

"Bilis na... "Naka pout na sabi nya.

Napatawa naman ako sa ginawa nya.

"A-Y-O-K-O."Sambit ko naman sa kanya.

Nag pout naman sya na akala mo ay batang hindi pinayagan maglaro.

"Edi hindi ako aalis." Umupo ulit sya sa kama at nag pout.

Tumawa naman ako sa kanya na lalo nyang ikinapout.

lumapit ako sa kanya at niyapos sya. Ngumiti sya na wari mo'y batang binigyan ng candy. Niyapos nya ulit ako at binulungan.

"Mahal kita, prinsesa ko, wala na akong mamahalin na iba. Maliban na lang kung dumami ka. "

Sambit nya sa akin habang yapos ako.napangiti naman ako sa sinabi nya. Kumalas na ako at nagkunwaring naiirita.

"Alis na!!" Sambit ko sa kanya ng pasigaw. Napakamot naman sya sa batok nya pagkatapos ay nag pout. Itinulak ko sya palabas ng kwarto at sinarado ako.

Ng makarinig na ako ng yapak paalis, binuksan ko ang pintuan ko.

Binuksan ko ito at nakita ko na bumungad sa akin si Ace na nakapikit at nakanguso. Buti na lang ay hindi ko pwenersa ang pagbubukas ng pinto.

Ng maramdaman nya na hindi nya ako nahalikan ay minulat nya ang mata nya.

Ng tumingin sya sa akin ay nakangiti sya na wari moy batang may ginawang kasalan.

Ngumiwi naman ako at tinulak na sya papuntang pinto. Itutulak ko na sana sya ng magteleport sya.

Naramdaman ko ang presensya nya kaya umilag ako. Tama nga ang hinala ko, mag aapear sya sa kanan ko para i kiss ako sa pisngi.

Ng makita nya ako sa sa likod nya ay ngumiti ulit sya sa akin at kinamot ang ulo nya.

"Uwi na Ace!! "Sambit ko sa kanya ng pataray.

Nag nod naman sya at nag pout.

Lumabas na sya at nag wave sakin. Sinara na nya ang pinto at narinig ko na ang yabag nya na paalis.

Ng pabalik na ako sa kwarto ay sobra ang ngiti ko papasok. Bubuksan ko na sana ang kwarto ko ng maramdaman na may nanonod sakin.

"Lumabas na kayo dyan. "Sambit ko na may cold na boses.

Lumabas naman si Edlyn at Chyanea sa likod ng Sofa.

"Hehe." Sambit ni Edlyn.

"Tssk." Sambit ko saka pumasok sa pinto. Nag linis na ako ng katawan saka natulog.

Pag gising ko ng umaga ay nag morning routine na ako saka umalis ng dorm.

Naka uniform ako saka naka ipit ang buhok hindi ako nagsusuklay kaya nag ipit na lang ako.

Lux Solaris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon