Reyah's POV
Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog.
Nakahiga ako ngayon sa kama kalapit si Lucinda.
Shit!hindi talaga ako makatulog.
Nakakabwisit si Cold. Hawak ng hawak sa akin.
Gustong-gusto ko na talagang putulin ang mga daliri non ehh.
Kung hindi lang talaga dahil sa plano ko.
Kailangan kong makalabas dito bago ang kasal namin.
Naupo ako sa may upuan malapit sa bintana.
Habang tumitingin ako sa langit ay may napansin akong kulay puti na nalipad.
Maya-maya pa ay gumawa ito ng isang snow globe na drawing gamit ang kanyang------------
Teka,si Ace ba yun?
putik!hindi ko malaman kung sino!!!.
Bigla kong naalala na may binigay nga palang snow globe sa akin si Fred.
Agad akong nanakbo sa dati kong damit at kinuha ito.
Pagkatingin ko sa labas ay nakita ko yung puting nagalaw ay nag baba taas.
Siguro ay kailangan kong alugin?
Inalog ko ito ng tatlong beses.
Biglang umilaw ang salamin sa loob at nakita ko ang mukha ni--
"Ace!"sigaw na sambit ko.
Agad ko namang tinakpan ang bibig ko.
"Bans!"sambit nya at ngumiti sa akin.
"Ace!!"sambit ko at napangiti ako ng sobra.
"Reyah,wag ka mag-alala,babawiin kita dyan sa Cold na yan."sambit nya sa akin.
"Sige.pero kailan?"sambit ko sa kanya
"Sa huling gabi bago kayo ikasal."sambit nya sa akin.
"Reyah,pangako ililigtas kita".sambit nya at itinaas ang kanang kamay nya.
Nag nod naman ako.
"Ace!may natuklasan ako!"sambit ko sa kanya.
"Ano yun?"biglang sambit ni Burn.
"Burn"!sambit ko sa kanya.
"Prinsesa,ang ganda mo pa rin."sambit nya sa akin.
"Ehem!"biglang sambit ni Ace.
"Hehe,pasensya na Master." Sambit ni Burn kaya naman napatawa ako.
"Sige na paalam na prinsesa,yung jelly Ace mo may toyo na naman"sambit ni Burn at kinawayan ako.
Pagkaalis ni Burn ay si Ace na ulit ang nakikita ko.
"Bans!-------"hindi pa natatapos ang sasabihin ni Ace ng bigla namang sumingit si Laxus.
"Prinsesa,ang lakas ko na.kaya na kitang iligtas. "Pagmamayabang nya sa akin.
"Weh?sige pag nailigtas mo na ako,mag laban tayo."sambit ko sa kanya.
"Sige ba."sambit nya at magsasalita na ulit sana sya ng nagsalita ulit si Ace.
"Ehem!ehem!"sambit ulit ni Ace.
"Oh eto na master!ang damot mo!"sambit ni Laxus at si Ace na ulit ang nakikita ko.
"Haha,hoy Ace!ikaw wag ka ngang madamot dyan!"sambit ko sa kanya.
"Paano ba naman,kaya nga ako gumawa ng paraan para makausap kita,tapos hindi rin tayo makakapag-usap kasi singit sila ng singit."pagmamaktol ni Ace
BINABASA MO ANG
Lux Solaris
FantasyI lived a life full of darkness for so long that it suffocates my soul. But just like any other species, it struggles in a incompatible environment. And so, instead of being a shadow, living quietly and sorrow, I made myself as a sun, and made a w...