Reyah's POV
Ng makarating na kami na Orasion Seis ay nagulat ako ng makita ko ang kaharian nito.
Napaka itim at lumot-lumot na.
"Mga kawal,magsibalik na kayo."sambit ni Cold.
"Maligayang pagdating sa kaharian Prinsesa,"nakakalokong sambit ni Minerva.
"Tssk."sambit ko na lang sa kanya.
"Maliyang pagdating mahal ko."sambit ni Cold sa akin at hahalikan nya na sana ako sa pisngi ng umiwas ako.
Tumingin naman sya sa akin ng masama at naglakad na.
Pagkapasok namin ay mas nagulat ako ng makita ko ang mga desenyo nito ay may mga ulo ng iba't-ibang mga nilalang
At ang dulo nito ay ang trono.Nakaupo doon si Wildard.
Ang hari dito."Maligayang pagdating mahal na prinsesa."sambit sa akin ni Wildard.
Wala akong ibinigay na kahit anong ekspresyon sa kanya.
"Mga alipin!"sigaw ni Cold at may biglang nagsitakbuhan na mga batang paslit.
"Dalihin nyo na ang prinsesa sa silid niya."sambit ni Cold sa mga bata.
Tinignan ko lang sya ng masama at sumunod na sa mga bata.
Bwisit sya,pati mga batang walang kamalay-malay ay pinaparusahan nila.
Ng makarating na kami ay nalaman ko na ang kwarto ko pala ay ang kanang bahagi ng tore.
"Aalis na po kami,mahal na prinsesa,"sambit ng isang bata.
Lumuhod ako para makapantay siya.
"Anong pangalan mo?"sambit ko sa kanya.
"Luci------"hindi pa natatapos ang sasabihin ng batang babae ng bigla itong hablutin sa buhok ni Cold.
"Ahhhhh!!!!"sigaw ng bata dahil sa sakit.
"Diba sabi ko walang makikipag-usap sa isang maharlika!!!"sambit ni Cold at itinulak ang bata palabas.
"Ano ba!!!!"sigaw ko dito.
"Akin kana Reyah,akin ka na!"sambit sa akin ni Cold at hinawakan ako sa dalawa kong balikat.
"Bitiwan mo ko!!!!"sambit ko at itinulak sya.
"Hindi kana makakatakas dito Reyah.hindi ka pwede tumalon sa bintana dahil masyado yan mataas kahit na gumamit ka pa ng spell.
Hindi ka rin makakalabas sa pinto dahil sa labas lang to nabubuksan.
Hindi mo magagamit ang sphere dahil makokoryente ka kapag gumamit ka ng kapangyarihan mo."sambit sa akin ni Cold.
"Wala ka nang magagawa Reyah kung hindi ang mahalin ako at sundin ang lahat ng gusto ko!"sambit nya sa akin at may pag tawa pa.
"Pwe!"sambit ko at dinuraan sya sa mukha.
"Hindi mo ako pag mamay-ari dahil kay Ace lang ako."seryosong sambit ko
"Alam kong magbabago pa ang isip mo mahal ko." sambit nya sa akin at hinaplos ahg buhok ko.
Umiwas ako pero hinawakan nya ang batok ko.
Lumapit ito sa tenga ko ng sobrang lapit.
"Akin kana."bulong nya at binitawan ako.
Ngumiti sya sa akin at tuluyan nang umalis.
Nang mawala na sya ay napaupo na lang ako sa kama sa mga nangyari.
Maya-maya pa ay pumasok na ang mga bata.
BINABASA MO ANG
Lux Solaris
FantasyI lived a life full of darkness for so long that it suffocates my soul. But just like any other species, it struggles in a incompatible environment. And so, instead of being a shadow, living quietly and sorrow, I made myself as a sun, and made a w...