Burn's POV
Nang sumunod na si prinsea kay master, syempre di ako magpapatalo kaya nag walk-out din ako.
Ngayon ay naglalakad ako sa corridor. At dahil syempre elementalist ako kaya eto nanaman po tayo, pinag papantasyahan na naman ako.
Hayst ang hirap talagang maging gwapo.
Ng makarating na ako sa dorm ko ay nag-ayos na ako syempre.aba madilim na kaya naman kailangan ko nang magpagwapo lalo kasi may night's ball.
Habang nag-aayos ako ay biglang dumating si Fred.
"Uy Fred, napadaan ka. "Sambit ko habang nagsusuklay.
"Tara sabay na tayo." Sambit naman nya.
"Sige, tara bro. "Sambit ko naman
Dwayn's POV
"Hayst, hindi ko sya mahanap." Sambit ko sa sarili ko habang natingin-tingin kung saan-saan.
Hindi ko pa kasi nakikita si Edlyn.
Habang naghahanap ako ay may nabunggo akong babae.
"Ay, sorry miss." Sambit ko at nag bow.
Pag angat ko ng ulo ko ay nagulat ako sa nakita ko.
"Dwayn! Ikaw pala." Sambit ni Edlyn sa akin .
"Oh, kamusta ka na??" Na uutal kong sambit.
"Eto, maganda pa rin."sambit nya sabay ngiti.
"Ok. Sabi mo ehh. "Sambit ko sabay ngiti.
"May partner ka na ba Edlyn??" Sabi ko habang nakangiti.
"Ahhhh, wala pa. Wala pang nakakakita ng mala dyosa kong mukha ehh.' Sambit nya habang naka cros-arm.
"Ah, haha. Sige pwede ba kitang maging partner dyosa na hindi pa nakikita?? "Sambit ko habang nka abot ang kamay ko.
"Tssk alam mo Dwayn sa dinami-dami ng nilalang dito, ikaw kasama ka sa hindi bulag. "Sambit nya sabay kuha ng kamay ko.
"Haha." Sambit ko na lang.
"Hoy!! Ikaw wag mong isipin na ikaw pa lang ang nag-aalok. Madami na kaya. "Sabi nya sabay ngisi.
"Teka, wala naman akong sinasabi ahh." Sambit ko habang nakangisi rin.
"Alam mo may nag alok na sakin, kaso mukhang paa ehh." Sambit nya sabay pout.
"Ahh. Eh ano pa?? Yun lang ba??" Sambit ko naman
"Aba, syempre hindi. "Sabi nya sabay tingin ng masama sakin.
"Oh, eh sino pa? "Natatawang sambit ko
"Yung isa naman, si Habagat." Sambit nya habang naka pout.
"Huh?? Sino?? "Takang tanong ko
"Si Skie." Sambit nya sa akin.
"Eh bakit di mo tinanggap??" Sambit ko habang nakangiting-nakangiti.
"Syempre, napaka hangin. Mamaya sa sobrang kahanginan non baka tangayin ako." Sambit nya habang naka taas ang kilay.
"Haha!! Edi salamat. "Sambit ko sa kanya.
"Bakit naman lupa?? "Sambit nya sa akin
"Syempre ako yung pinili mo. Teka lang, anong lupa??" Sambit ko sabay tingin sa kanya.
"Tssk. Basta, simula ngayon ang nickname mo na sa akin ay lupa." Sambit nya sabay ngisi.
"Tssk. Edi ikaw naman ay puno"
Sambit ko habang nakangisi.
BINABASA MO ANG
Lux Solaris
FantasyI lived a life full of darkness for so long that it suffocates my soul. But just like any other species, it struggles in a incompatible environment. And so, instead of being a shadow, living quietly and sorrow, I made myself as a sun, and made a w...
