Ace POV
Bakit ba lagi syang napapahamak?
Bakit ng sumugod kagabi ang mga misteryong lalaki na ay sya ang puntirya ng mga ito?
hindi magkakaroon ng ganong kadaming mga mandirigma na naglalakbay lang,Ito ay isang paglusob at sa tingin ko ay si Reyah ang pakay
Hindi ako naniniwala na anak sya ng Dutchess dahil kulay rosas ang mata nya.Walang ganong kulay ang kaharian ng frizzenvell dahil kulay asul at itim ang kanilang mga mata
Hindi rin pwedeng makuha yun sa mortal dahil sa tagal ko sa munso ng mga tao,nalibot ko na ang kanilang mundo ngunit wala ni isa pa akong nakita na may ganoong uri ng mga mata,mga matang nakakabighani ngunit nakakapag bigay ng takot
Kailangan kong malaman ang tunay nyang pagkatao...
teka lang,bakit ba kailangan kong malaman?
Hayst....
Tumingin ako sa babaeng mahimbing ang tulog na mayroong taglay na kakaibang kapangyarihan at kagandahan na nakapag papayag sakin para tanggapin ang walang kakwenta-kwentang mission na to
What did you do to me?Ngayon lang nangyari sakin to
Ibig kong sabihin ay ang lahat ng ito.
Ang pagtanggap ng ganitong misyon,pag-aalaga at pagbabantay,pag-eensayo,pagpapatuloy sa paborito kong lugar at higit sa lahat,makaranas na pumunta sa batis para lang maipakita ang batis ng mga pixiesMabuti nang talaga at nagkataon noon na kailangan nila ng tulong at iniligtas ko sila kung hindi ay hindi nila ako pagbibigyan na sumayaw at magpamalas ng kanilang kagandahan dahil una sa lahat,mailap sila at hindi sila pumapayag na makita ang kagandahan ng kanilang batis
Gusto ko lang bumawi at bigyan na rin ng regalo ang magiging reyna ko
(At the wizards academy...)
Third person's POV
"nasaan na kaya si Reyah?"
Sabi ni Alira habang nakaupo sa kanyang pwesto at inaantay ang kanilang guro"Di pa natin sya nakikita simula nung sinundo sya ni Prince Ace"Sambit ni Eloisa habang nakatingin sa upuan ni Reyah habang naka halumbaba
Inilapit naman ni Eloisa ang kanyang upuan kay Alita pagkatapos ay tumingin sa paligid
"Bakit kaya sya tinawag?"
"Baka dahil sa transferee sya??"sagot naman ni Eloisa tapos ay inihanda na ang kanyang kagamita pata sa sa susunod na subject
Habang nagkwekwentuhan ang dalawang wizard ay bigla wilang nakaramdam ng paggalaw ng lupa at pagdagundong na naging dahilan upang mataranta ang iba at naupo sa sahig pagkatapos ay inilagay ang kanilang kamay sa ulo upang protektahan ito
May iba namang tahasang sumipip upang malaman ang nangyayari
At dito,natanaw nila ang isang hukbo na paparating na kung saan makikita ang mahigit limaang daan na alagad ng Indernum,isa itong kaharian kung saan dark magic ang pinagmulan ng buhay nito at sa madaling salita,ay mga kalaban
Gamit ang kanilang mga sandata,sabay-sabay nilang pinatamaan ang barrier na bumabalot sa school
Mayroon din silang sasakyan na panghimpapawid at pinapatamaan ang batruer gamit ang kanilang mahika
Dahil sa lakas ng impact na kanilang binibigay ay unti-unti,nababasah ang barrier na pumoprotekta sa academy na ginawa noong itinayo ang paaralang ito
Natataranta na ang mga wizards dahil sa mga nangyayari,halata kung gaano kalakas ang hukbo hindi lamang dahil nakakatakot ang kanilang anyo kundi kilala rin sila sa buong magic realm dahil kinakain nila ang mga nilalang na mayroong kapangyarihan sa katawan maliit man ito o malaki
BINABASA MO ANG
Lux Solaris
FantasyI lived a life full of darkness for so long that it suffocates my soul. But just like any other species, it struggles in a incompatible environment. And so, instead of being a shadow, living quietly and sorrow, I made myself as a sun, and made a w...