Reyah's POV
"Baka may kaaway"ng marinig ko yun ay kinabahan agad ako.
"Ano yun?" Sambit ni Dwayn.
"Tara Elementals, tignan natin." Sambit ni Jellal.
"Uhmmm Bans, sige na magpunta kana, hindi pala ako sasama kasi mahirap maglakad pag ganto ang suot." Sambit ko sa kanya.
Nag nod naman sya.
Nang makatakbo na sya ay tumakbo agad ako sa corridor. Tinanggal ko na ang sapatos ko at tahimik na nananakbo.
Pagkaliko ko ay nakita ko si Zera(sya po yung exceed na pusa)
"Oh Zera, bat andito ka?? "Sambit ko sa kanya.
"Ikaw, saan ka pupunta?" Sambit ni Zera sa akin.
"Ahhh, sa library. "Sambit ko naman.
"Library, tssk may ball ngayon. Sabihin mo nga sa akin anong gagawin mo sa library??" Nakataas na kilay nyang tanong.
"Bakit, ano pa bang ginagawa sa library?? "Nakangisi kong tanong.
"Reyah, wag mo akong lokohin dahil nung nagpakita ako sayo nasa library rin tayo nun. Bakit nagbabasa ka ba nun? "Nakataas na kilay ulit na sabi nya.
"Ahhh, basta, ano bang pakialam mo "?sambit ko sa kanya para hindi nya na ako kulitin.
"Reyah, sabihin mo nga sakin, aalis ka ba huh??" Sambit ni Zera na ikinagulat ko.
"Aalis?? Ano bang pinagsasasabi mo huh? May daan pala dun." Maang-maangan kong sambit.
"Tskk. Lokohin mo na ang lahat wag lang ako. Nung nagkaroon ng laban dito, sa may library kayo pumasok ni Ace. Pinapanood kita dati pa. "Sambit nya sa akin.
"Hayst, sige na. Aaminin ko na. Aalis ako ngayon. Sinundo ako ni Alira dahil nanganganib ang mga kasamahan ko. "Sambit ko sa kanya.
"Hmmm, Alira sige pinapayagan kita. "Sambit sa akin ni Zera na ikinagulat ko.
"Bakit pumayag ka? "Sambit ko sa kanya.
"Dahil si Athena ang sorce ng
Wisdom nyo. Dahil siya ang bathala nito. Kaya pinapayagan kita kasi matuturuan ka nya."sambit nya
Ng marinig ko ang sinabi ni Zera ay may nagkaroon akong rason para umalis.
"Sige na Zera, ikaw na ang bahala." Sambit ko at tumakbo na.
Hindi pa man ako nakakalayo ng bigla akong hablutin ni Zera at inilipad nya ako.
"Salamat." Sambit kong makarating na kami sa tapat ng library.
"Sige na, baka makita ka pa ni Ace."sambit nya sa akin
Ng marinig ko ang pangalang Ace ay bigla akong nanghina. Ayoko talagang umalis pero dahil sa kaligtasan nya at nang lahat ay gagawin ko to.
Pag kapasok ko sa library ay nakita ko si Alira na palakad-lakad.
"Hayst, akala ko hindi kana darating ehh." Sambit nya sa akin
"Ang daming humarang ehh. Teka nga pala Alira, nasabi ko nga pala na aalis ako."sambit ko sa kanya
"Huh? Kanino?" Sambit nya sa akin.
"Kay Zera, dito rin kasi kami nagkita kaya nasabi ko. "Cold n sambit ko.
"Ahh ok. Sige Tara na. "Sambit nya sa akin..
Ng makalabas na kami ay tumingin ulit ako sa academy.
"Paalam." Cold na sambit ko.
Ace POV
Ng makapunta kami sa kinaroroonan ng pagsabog ay isa lamang pala itong patibong.
Agad akong tumakbo sa may ball at hinanap si Reyah.
"Bans!!!Bans!!" Sigaw ko ng paulit-ulit.
"Huh Bans? Gusto ko ng Bans?" Sambit sa akin ni Skie.
"Asan si Reyah? "Sambit ko kay Skie.
"Hindi ko alam Master. Diba kayo ang magkasama? "Sambit sa akin ni Skie.
Umalis naman ako at tumakbo kina Dwayn at Edlyn.
"Si Reyah?" Sambit ko sa kanila.
"Ba-kit na-wa-wala ba si A--te?" Pautal-utal na sambit ni Edlyn.
"Alam nyo ba kung nasaan sya?" Natatarantang sambit ko sa kanila.
"Ahmmm Master, may sasabihin kami sayo." Mahinahong sambit ni Dwayn.
"Ano!!" Natatarantang sambit ko.
"May, may narinig kami kanina na papatayin daw nila si Prinsesa, binantayan namin sya nung nasa kwarto pa lang sya. Akala nmin magiging ligtas na sya kasi kasama mo na sya."pagpapaliwanag ni Dwayn
Ng marinig ko ang sinabi ni Dwayn ay agad akong kumaripas ng takbo sa Elementals.
"Elementals, hanapin nyo si Reyah ngayon din!!!!"sigaw ko sa kanila
Ng marinig nila akong sumigaw ay nagsitakbuhan sila at nagpunta sa iba't ibang lugar.
Habang natakbo ako ay nagpapadala ako ng mga soundwave kay Reyah.
Third person POV
Ng makatanggap si Reyah ng mga soundwave ni Ace ay bigla syang napatigil sa mga natanggap nya.
[Bans,asan kana?]
[sumagot ka bans]
[bans,mahal kita,lahat gagawin ko mailigtas ka lang]
[bans!!!]
ng matanggap yan ni Reyah ay biglang tumulo ang mga luha nya.
"nakakainis ka Ace!!paano kita maiiwan kung ginaganto mo ako!"sigaw ni Reyah sa labas ng academy.
"Reyah tara na,baka mahanap ka pa ng mga kaaway."sambit ng kasama nyang si Zera
habang nakatigil sa pwesto si Reyah ay narinig nya ang sigaw ni Ace sa loob ng library.
"Reyah!andyan si Ace sa library!!"sigaw sa kanya ni Alira
pinunasan na ni Reyah ang mga luha nya at tumingin na sya kay Alira
"tara na."sambit ni Reyah kay Alira
nag nod naman si Alira at tumakbo na sila sa kagubatan
habang tumatakbo sina Reyah ay nakasalubong nya si Zera.
"Zera anong ginagawa mo dito?"sambit sa kanya ni Reyah
"naiwan mo ito."sambit ni Zera at ibinigay kay Reyah ang key of portals.
"salamat,"sambit ni Reyah at umalis na sila ni Athena
habang natakbo sila ay tumigil si Alira sa may malaking bato.
"Reyah andito na tayo."sambit nya sa akin
"Huh?"sambit ni Reyah kay Alira
inilagay ni Alira ang kamay nya sa may isang korteng kamay at biglang nahati ang dalawang bato at nagkaroon ng isang daan.
pumasok sila sa loob at bigla itong sumara.
habang naglalakad sila ay may nakita si Reyah na isang liwanag sa dulo ng daan.
ng makarating siya sa may liwanag ay bigla siyang namangha sa makita nya.
maligayang pagdating sa Olympus.
BINABASA MO ANG
Lux Solaris
FantasíaI lived a life full of darkness for so long that it suffocates my soul. But just like any other species, it struggles in a incompatible environment. And so, instead of being a shadow, living quietly and sorrow, I made myself as a sun, and made a w...
