CHAPTER 15:Legal Couples

14.9K 464 2
                                        

Ace POV

Kagabi bago kami matulog ay alam kong ginagamitan kami ng kapangyarihan ni Skie

Dahil iba ang lamig nito at alam ko rin na pinatay ito ni Burn dahil magic ang apoy nya at isa yung crystal

Alam ko rin na pinakikiramdaman kami ni Dwayn dahil nasagap ko ang wave nya

Tssk....

Alam ko na ginagawa nila yun para sa akin. Nang maramdaman ko na ang lamig na yon kahit na nakakumot ako ay tumingin agad ako kay Reyah.

Tama nga ako, nilalamig na sya. Nagdadalawang isip pa ako kung kakausapin ko sya ng biglang magsalita sya.

"PSST. ACE. "
Pagkasabi nya non ay agad akong bumangon at binigay sa kanya ang kumot.

Hindi naman sya nagdalawang isip na kunin yon. Bumalik na sya sa pwesto nya habang ako naman nangagatog na sa lamig.

Babangon na sana ako para patigilan sila Skie ng biglang lumapit si Reyah at ibinigay sa akin ang kalhati ng kumot.

Napangiti ako sa ginawa nya. Alam ko namang mabait sya sa ibang paraan pero di ko aakalain na sakin nya yun ipapakita.

Ng makatulog na sya ay humarap ako sa kanya at tinignan lang sya. Ayokong sayangin ang pagkakataon na pwede ko syang titigan.

Napaka ganda nya talaga. Mukha syang isang diwata kaganda. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko ay naramdaman ko na may nakaunan sa braso ko pagkamulat ko ay napangiti ako ng makita na inunan ito ni Reyah. Komportable sya sa pagkakatulog.

Tinignan ko lang sya at hindi gumagalaw. Ng maramdaman ko na may papalapit ay niyapos ko sya at pumikit ulit.

Pinakikiramdaman ko ang mga paparating. Huwag lang talaga nila galawin si Reyah dahil pag nangyari yon. Baka di na nila abutan ang tanghali.

Nang naramdaman ko na sinilip nila kami ay kumalma na ako.

"Bakit sila magkayapos??"pabulong na sambit ni Laxus

Ng marinig ko ang boses ni Laxus ay gustong-gusto ko sila parusahan. Pero dahil sa nakaunan sa akin si Reyah ay di ko nagawa. Nagkunwari na lang akong tulog.

Nang maramdaman ko na umalis na sila ay nagmulat na ulit ako. Ginamit ko ang kapangyarihan kong mabasa ang isip at nalaman ko na niloko lang kami Tita Matilda.

Ng maramdaman ko na gumalaw si Reyah ay nagtulog-tulugan ako.

Reyah's POV

Ng magising ako ay nakaramdam ako ng mainit na pakiramdam. Napaka komportable nito.

Ng minulat ko ang mga mata ko ay nagulat ako. Nakaunan ako sa braso ni Ace at nakayapos ako sa may bewang nito.

Nakayapos rin sa akin si Ace at sa akin nakaharap. Ng makita ko ang mukha nya ay napangiti ako.

Ang gwapo pala nya.tinignan ko muna sya bago bumangon. Naramdaman ko na nagulat sya at nagising.

"Hoy!! Bakit ka nanggigising huh!! "Gulat na sambit ni Ace

"Eh ang tagal mo bumangon eh!!"
Sigaw ko naman sa kanya

"Pwede namang magdahan-dahan ka ahh!!"sambit naman nya sa akin

"Tssk."yan lang ang tanging nasagot ko at umalis na sa tent.

Pinuntahan ko agad ang ang kabilang tent pero wala ng tao. May nakalagay na sulat sa may bubong nito.

Reyah at Ace,
Napatay na namin si Elfman. Nauna na kami sa inyo dahil halatang sarap na sarap pa kayo sa pagakakayakap nyo sa isat isa.haha,congrats!!

Lux Solaris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon