CHAPTER 29:Return

10K 290 4
                                    

Reyah's POV

Habang nasa canteen kami ay nakita namin ni Ace na may nagkakagulo sa kabilang bahagi ng cantene. Habang nakain ako ay wala akong pakialam sa nangyayari.

"Hi Master!! "Bati ni Burn sabay kaway sa amin. Nag nod naman si Ace at nagsimula na ring kumain.

"Master, nabalitaan mo na ba??" Tanong ni Burn na nakangisi.

"Ang alin??" Cold na sabi ni Ace

"Si----------"di namin narinig ang sinabi ni Burn dahil naribig namin si Skie na sigaw.

"Umalis ka dito!!!!! "Diin na sabi ni Skie.

Agad namang tumayo si Burn at si Ace.

Nagpunta sila sa nagtutumpukang tao. Kinuha ko ang pagkain ko saka sumunod sa kanila.

"Ayaw ko sabi ehh!!!"sigaw nung kausap ni Skie.

Nagmadali akong nagpunta dahil baka magkaroon ng laban. Baka mahuli pa ako sa panonood.

Nang makalapit na ako ay nahati sa dalawang tabi ang mga wizard. Mas lalo kong nakita ang pag aaway nila.

Si Skie ay nagpipigil ng galit nya at yung babaeng kaaway nya ay naka pamewang.

"Hoy!! Anong tinitingin-tingin mo dyan babae??? "Mataray na sabi nung babae sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya ng walang emosyon at tumalikod. Nakakailang hakbang pa lang ako ng hawakan nya ang braso ko.

"Hoy babae!!!! Wag kang bastos!! Kinakausap pa kita!! Sino ka ba huh??!! "Mataray na sabi nya.

"Binatawan mo ko. "Cold na sabi ko.

"Hoy lapastangan ka!! Wala kang karapatang utusan ako!!"

Sasabunutan nya na sana ako ng hawakan ko ang nakataas nyang kamay na papalapit sa mukha ko at saka ko sya ibinalibag.

"Aray!!! "Sigaw nung babae. Pagkatapos ay nagwawala sya na parang bata.

Nang tumingin ako sa kanya ng walang ekspresyon ay dinuro nya ako.

"Hoy babae!! Lapastangan ka!! Ipapabitay kita!!" Galit na sabi nya na nakaduro sakin.

Lumuhod ako para makapantay ko sya pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay nya at inikot ko ito. Ngayon ay namimilipit na sya sa sakit.

"Aray!! Aray!! Bitawan mo ang daliri ko!! Di na kita paparusahan!!" Pasigaw na sabi nya dahil sa sakit.

Tinanggal ko ito at tumayo na ulit.

"Juvia!! "Sigaw ni Dwayn na bagong dating lang kasama si Laxus, Jellal at Fred.

"Dwayn!! Sino ba sya!! "Pasigaw na sabi nung babae.

"Juvia, siya si Reyah, ang kasintahan ni Master at ang may hawak ng kapangyarihan ng light."Mahinahong sambit ni Dwayn.

"Huh!!! Sya yung anak ni Dutchess Emilia na may kakaibang ganda at makapangyarihan??!!"nagtatakang sambit nya.

Nag nod naman sila Laxus ng nakangiti.

Tumingin naman sa akin ng dahan-dahan yung babae at lumapit sakin

Inayos nya ang sarili nya at nag poise.

"Prinsesa Reyah, ako ng pala si Prinsesa Juvia ang prinsesa ng mga pirata. Isa akong paper user." Pagkatapos ay nag bow ito sakin.

Bigla namang lumapit sa akin si Ace na may kasamang babae.

"Reyah, sya nga pala si Levi," cool na sabi ni Ace. Nag nod naman ako at sumenyas na lumabas na kami.

Nang makalabas na kami ay nagpunta kami sa garden.

Nang nakaupo na kami ay tumayo yung babae at ngumiti sa akin.

"Reyah, ako nga pala si Levi isang tecnology wizard. Ako ang prinsesa ng mga Fairies." Nakangiting sabi nito. Halata mo rin na mabait sya.

Nag nod naman ako at tumingin kay Ace na nanghihingi ng explanation.

"Sila ay isa sa mga royalties, hindi sila elemental pero kasapi sila sa elementalist dahil isa silang royalty

Mga royalties lang ang pwedeng sumali dahil pwede silang mag full power. "Cool na sabi ni Ace.

Nag nod naman ako at sumandal sa puno at pinikit ko ang mga mata ko.

Naramdaman ko na umalis silang lahat maliban kay Ace.

Naramdaman ko na bigla nyang kinuha ang ulo ko at isinandal ito sa balikat nya.

Hindi parin ako nagmulat at hinayaan syang himasin ang buhok ko.

Narinig ko rin na kumakanta sya.

Kung may taong dapat na mahalin ay walang iba kung di ikaw,

Wala dibang makakapigil pa sa akin,
Binuhay mong muli ang takbo at tibok ng puso sayong pagmamahal,

Ang buhay ko'y muling nag-iba, napuno ng saya,

Sa lahat, di maaari, di maaaring iwan
Wala nang makakapigil, kahit na bagyo man
Pano kung ikaw na mismo kusang lilisan
Pano ba,..

Kung mawalay ka sa buhay ko, kung ang pag-ibig mo ay maglaho, pano na kaya ang mundo
Kung sa oras di ka makita
Kung ika'y napakalayo na
May buhay pa kaya tong puso,
Yan lang ang maaari nating sadyang matatatanggap
Habang ako'y may buhay
Mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo......

Nang matapos ang kanta ay napangiti ako sa narinig ko. Kahit na ganito ako ay ang hilig ko talaga ay pagkanta.

Mahirap akong ma impress sa isang tao, hindi dahil sa kasintahan ko sya, pero ang galing nyang kumanta.

Napahanga nya ako kaya ko sya minahal.

Natulog ako sa balikat nya.

Bigla nalang akong nasa isang puting paligid at at may nakatayong babae dun.

"Reyah, Reyah,...." Tawag sakin nung babaeng nakatayo.

Lumapit ako sa kanya at nakita ko na nakangiti sya sakin.

"Reyah, mag iingat ka,wag na wag kang magtitiwala sa iba. Gamitin mo yung kwintas, yung kwintas, yung kwintas, yung kwintas."Paulit-ulit na sabi nung babae. Biglang isang iglap naman ay nasa library na ako ng Academy.

Habang tinitignan ko ang paligid ay may nakita akong naka coat na itim at naglalakad ito papuntasa dulong bahagi ng library.

Nakita ko na may kulay pulang nakatatak sa coat pero di ko ito maaninag.

Sinundan ko sya at nakita ko ang ilang mga kalaban. Nilapitan ko ang naka coat at hihilahin ko sana ang coat nito ng biglang may umilaw at nasaktan ako.

Bigla akong napabangon sa pagkakatulog ko. Isa pala yung panaginip. Pero bakit ang weird?

Napansin ko na nasa kwarto na pala ako. Pagtingin ko sa labas ay gabi na pala.

Bumaligwas naman ako at  nagmadali akong nagpunta sa library.

Dahan dahan ko itong binuksan at naglakad. Habang naglalakad ako ay may narinig akong kaluskos galing sa dulo ng library.

Inilabas ko ang wand ko at naghanda.

Dahan dahan akong lumapit sa may dulo ng library.

Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng ingay at biglang.........







And cut!!!! Guys pabitin ulit. Sorry po hehe!!! 😄😄😄😃

Lux Solaris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon