CHAPTER 53:MASTER

8.6K 230 5
                                    

Ace POV

"Ace!"sambit sa akin ng Isang babae habang tinatapik ako.

Iminulat ko ang mata ko pero malabo pa rin ang paningin ko

"PAALAM"sambit nito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Bigla akong nagulat sa narinig ko.Si Reyah ba yun?

"Tara na!"sambit ng isang lalaki.

Naramdaman kong hinila sya at nabitawan nya ang kamay ko.

Gustong-gusto kong bumangon pero hindi ko magawa,sobrang nanghihina ako.

"Tulong!tulong!"sigaw ko

Pero walang nadating.

Maya-maya ay may narinig ako na sumigaw sa isang babae pero hindi ko ito masyado ng naintindihan at   marinig.

Ang sumunod naman ay isang lalaki .

"BAGO KAMI UMALIS AY IPAPAALAM KO LANG SA INYO NA NA ANG PINAKAMAMAHAL NYONG SI REYAH.MAGPAPAKASAL NA KAMI"

Ng marinig ko ang pangalang Reyah ay nagpantig agad ang tenga ko at bumangon.hindi ko alam kung saan nakuha ang lakas ko.

Pagtingin ko sa bintana ay narinig kong nagtatalo sila.

Maya-maya pa ay naaninag ko na sila.

Si Cold na kasama si Minerva at nasa likod si........

Reyah.

Nakikipagtalo sila Burn pero biglang sumabat si Reyah.

"Oo!pumapayag ako! ng marinig ko yun ay nakita ko syang tumungo.

Nang makita kong tumungo sya ay agad akong nanakbo palabas.

Habang nanakbo ako sa corridor ay biglang sumakit ang mga binti ko.

Dumeretso pa rin ako hanggang makababa sa may hagdan.

Nakakailang hakbang pa lang ako biglang lalong sumakit ang binti ko at napaupo ako sa hagdan.

"Shit!bakit ngayon pa!" sambit ko dahil sa sobrang sakit ng binti ko.

Hindi na halos ako makatayo.

Humawak ako sa hawakan ng hagdanan at bumaba.

Ng makababa na ako ay may nakita akong isang babae.

"Tulungan mo ko!"sigaw ko sa babae.

"Ano pong maitutulong ko?"takot na sambit ng babae.

"Gawan mo ako ng sphere,papuntang labas."sambit ko sa kanya

Pagkagawa nya ay nag nod na ako sa kanya.

Tumango lang sya at pinaandar na ito.

Hayst, mabagal ang pagtakbo ng sphere,siguro ay class B sya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na ako sa baba

Pagkalabas ko sa sphere ay parang mga nagluluksa ang mga wizard.

Pagkatingin ko ay may pumasok na na babae sa portal at nawala na ang portal.

"Reyah!!!"sigaw ko ng malakas.

Tumingin naman sa akin lahat.

"Ikaw ang may kasalanan nito!!!!"sambit ni Skie at tumakbo sa akin at sinapak ako.

Natumba ako at napahilata ako sa sahig

"Ikaw ay may kasalanan kung bakit sya nagpaubaya!!!"sambit ulit ni Skie at sinapak ulit ako.

Lux Solaris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon