Sophia's POV
"Sophia, ito na yung paper reports na gagawin niyo." Abot sa kin ni Chandria ng mga folders.
"Ang dami naman nito?" Tanong ko. Mago-overtime na naman ako?
"Ewan ko ba. Paborito ka yata Soph. Lagi ka na lang pinahihirapan." Biro niya.
"Chan kasi... Hindi ako pwedeng mag-OT ngayon. Susunduin ko sa school ang mga bata." Paliwanag ko.
"Ay pasensya na din Soph. Hindi kita matutulungan ngayon. Alam mo namang halinghinan kami sa pagkayod ng asawa ko. May duty siya mamayang gabi."
Tumango ako at ngumiti. Bumalik na din siya sa opisina niya.
This company is quite big. Lahat halos ng employees ay may kanya-kanyang office. Pero siyempre yung mga matataas lang ang tungkulin dito. By floors din ang mga departments. At yung last floor ay sa CEO and managers lang ng company. Bawal kaming tumapak except na lang kung ipatawag.
Tunawag ako sa office ng Financial department manager.
"Yes?" Yung secretary yung sumagot.
"Ahm. May I talk to Mr. Ignacio?"
"For what ma'am?"
"For the Paper reports that I'm going to pass."
"Wait for a moment ma'am." Tumahimik sandali sa kabilang linya.
After 5 minutes, nagsalita na ulit yung secretary.
"Pakitawagan na lang daw po siya sa phone niya ma'am."
"Thank you.." Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mr. Ignacio.
"Yes Ms. Cauzon?"
"Ahm... Sir? I can't do all the papers today. May I continue this tomorrow? I'm going to pick up my children.."
"But the CEO needs the papers tomorrow morning."
"I'm sorry sir. Ahm. Can I do these papers at home? I can't stay here all night."
"I think you can. I'm going to tell Mr. Montianez about this okay?"
"Okay sir. Thank you." Then the call ended.
*****
Nasa Parking lot na ako at papasok na sana when I saw a familiar face. Napakunot ako ng noo.He can't be that guy.
Sumakay na ako ng sasakyan at nagsimulang magdrive. Madami na din akong napundar sa loob ng anim na taon.
Nakapagpatayo ako ng sarili kong bahay. Hindi naman sobrang laki pero hindi din maliit. Nakabili din ako ng sasakyan. Nasa college na ang kapatid ko at 20 years old na din. Isang taon na lang graduate na siya.
Maaga kasi akong nakatapos dahil na-accelerate ako. Kaya ayun. Haha.
By the way, I am Sophia Cauzon. 26 years of age. And I am proud to say that I am a mother of five years old twin. A boy and a girl.
They are Saskia Cauzon, my first born and Zion Cauzon last born. And I am glad na kahit nakagawa ako ng isang pagkakamali sa buhay ko, na ikina-dissapoint ng magulang ko, pero natanggap din agad, ay may dalawang anghel na kapalit naman.
About my ex boyfriend na dahilan kung bakit nagawa ko yun? Haha. I forgot about him. Huling balita ko ay ikinasal na siya. And about their father? Well, like what I said, that was the last time that I'm going to see him. Hindi ko naman alam na may nabuo dahil isang beses lang may nangyari.
Pero kanina. Parang siya yung nakita ko sa Parking lot. After 6 years na hindi nagkrus ang landas namin, hindi ko na naiisip na magkikita pa ulit kami. And I don't want him to know about the twins. Hindi dahil may takot akong kunin niya sila, ayoko lang magulo ang maayos niyang buhay dahil sa min ng kambal. Isa pa, baka may pamilya na siya diba?
BINABASA MO ANG
Way to Forever
RomanceOne night of mistake, her life changed. She promised to herself that she won't fall in love again. She told herself that she will give her full attention to her Children. But, what if the father of the children enter the picture? Will they fight f...