WTF2- Single Mom

55 4 0
                                    

Sophia's POV

Being a single mother is not easy. But like what other mother says, it's really hard to be a mother, but seing your kids growing up, is the best feeling of a mother can have.

Mahirap man silang dalhin sa loob ng tiyan ko ng 9 months, sulit naman lahat ng paghihirap.

"Mimi!/Mama!" Agad na yumakap sa kin ang kambal at hinalikan ako sa pisngi.

Umupo sila sa tabi, habang ako ay nagpatuloy sa pagsuklay ng wavy hair ko. Nag-apply din ako ng light make up at lipgloss.

"Mimi. Sino bantay sa min? Pasok ka po sa work mo ngayon." Nakangusong tanong ni Saskia habang sini-sway yung paa niya.

Sabado ngayon and as usual, wala talaga silang pasok. Yun nga yung isa ko pang problema ngayon eh. Hindi ko alam kung sino ang pagbabantayin ko sa kambal. Di ko naman sila pwedeng isama sa office dahil baka manggulo. Lalo na si Zion.

"Hindi ko pa alam nak eh, hanap muna si Mommy ng trusted na person na pwede magbantay sa inyo ah?"

"Mama can we come with you?" Tanong ni Zion.

"Hindi pwede Zion, baka maglikot lang kayo, mapapagalitan tayo."

"Bakit sila gagalit? Bad pala sila eh." Nakakunot noong tanong ni Zion.

"Kapag may mistakes, mapapagalitan. Diba kapag may mali kayong ginawa, pinapagalitan ko din kayo minsan?"

"Yes, because said mo po you love us. And you want lang po the best for us." Nakangiting sabi ni Saskia.

"Good. So don't do some naughty things habang wala ako ah?" Tumango sila ng sabay.

~Forever in my heart, Forever we will be~

Kinuha ko yung cellphone ko at simagot yung tawag ni Chandria.

"Hello Chan? Napatawag ka?"

[Oo, Soph, pwede ka bang dumaan dito sa bahay at pakikuha yung papers na dapat ipasa kay Mr. CEO? Di ako makapasok eh, may pilay yung anak ko, may pasok naman yung asawa ko. Walang maga-alaga.]

"Sure. Pero Chan. Wala kasing pasok yung mga anak ko. Baka pwedeng ikaw muna magbantay? May training kasi ngayon yung kapatid ko, di niya mababantayan yung kambal."

[Sus. Yun lang pala. Oh sige, ako ng bahala kina Saskia at Zion. Atleast may makakalaro si David. Kaso sanay ba iyang mga bata sa hindi aircon?]

"Oo naman. Hindi ko gaanong pinapaandar yung aircon dahil lamigin si Zion at sakitin si Saskia."

[Oh sige. Salamat Soph. Ibilin mi na lang lahat sa kin ang mga dapat gawin sa kambal.]

"Sige sige. Salamat Chan.." Pinatay ko na ang tawag at humarap sa kambal.

"Dun muna kayo kay Tita Chandria ah? Be good okay? Nandun si Kuya David niyo."

"Uwi ka agad mama.. Pagdating mo work balik ka na agad dito." Natawa naman ako sa sinabi ni Zion.

"Ikaw talaga. Ano gusto niyong pasalubong?"

"CHOCOLATE!" Sabay na sigaw nila na nakataas pa ang kamay.. Obsess talaga sila sa Chocolate. Kitkat at tobleron ang pinaka-gusto nila. Nagmana yata sa kin ang kambal at hindi din kumakain ng Ferrero.

"Tomorrow maggo-grocery tayo okay? Tomorrow na lang ang chocolates. Iba muna ngayon." Nagtinginan ang kambal at parang nagkaintindihan naman agad.

"French Fries!!" Napangiti ako at saka sila sabay na niyakap. Hinding hindi ako magsasawang halikan, yakapin at alagaan sila. Mahal na mahal ko ang mga anak ko.

Way to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon