(SpeChapII) Saskia C. Montianez

36 0 0
                                    

Saskia's POV

Sa bawat paglipas ng panahon, marami kang tao na makakasalamuha, iba't ibang mukha, iba't ibang ugali, at iba't ibang estado ang meron sila.

But despite of being different, we, people should live fair.

Ako maswerte na ko sa Pamilya ko. May Mommy na maalaga, may Daddy na sobra magmahal, may kakambal na protective at may little sister na super sweet.

Now I am turning 18. Debut ko na. Ang bilis ng panahon.

Of course, sino pa bang escort ko? Edi yung kambal kong bato. Tahimik kasi eh.

"Uy Zion, nagugutom ako." Bulong ko sa kanya.

Malapit na kasing magsimula yung event pero pinakain muna sila.

"Magpapakuha lang ako.." Lumabas siya ng kwarto kaya naiwan ako dito mag-isa.

Tumayo ako at pumunta sa full length mirror at tinignan ang sarili ko.

Ang Ganda ko sa ayos ko. Wearing this high neck purple balloon gown makes me even more beautiful. Nakalugay ang mahaba at wavy kong buhok na namana ko siguro kay mommy. Kumuha lang ng konting hibla sa may gawing tenga at tinali sa likod tapos may tiara na silver.

I am also wearing a 3 inch wedge sandals. Color purple! Ano pa ba? Haha.

Narinig kong bumukas yung pinto pero di pa rin ako humarap.

"Uy Zion bilis naman ng pagkain?" Sabi ko habang iniikot yung buhok ko.

Hindi siya magsalita kaya nagdesisyon na kong humarap.

"Ayan ka na naman sa pagiging ta--" napahinto ako sa pagsasalita nung makaharap ko siya.

"Hi.." Para pa siyang nahihiya.

"David?" Tanong ko. Lumapit ako sa kanya.

David is 3 years older that me. Siya yung anak ni Tita Chandria. Naaalala ko before dumating si Daddy nakakalaro pa namin siya.

"What are you doing here?" Tanong ko at lumapit sa kanya.

"Ahmm. Invited? Kasali kaya ako sa 18 roses." Sabi niya. Napairap na lang ako habang natatawa.

"Yeah I know, what I mean is.. What are you doing here, in my room?" Ngumiti siya at nilitaw yung isang kamay niyang nakatago sa likod niya.

A bouquet of White Roses. My favorite flower.

"I just want to check you and give this to you." Ewan but my heart skipped a beat.

"T-thanks.." Kinuha ko yun at inamoy. Ang bango..

"Yeah.. So.. See you later then?" Ngumiti ako at tumango.

Kumamot siya sa batok niya at hindi pa din umaalis.

"May kailangan ka pa?" Tanong ko.

"Ahm... Can.. Can I hug you?" Tss. Yun lang pala. Ngumiti ako at ako na mismo ang yumakao sa kanya.

He then hugged me back. Tightly.

"Ahem.." Tikhim ng isang nilalang na kamukha ko.

"Ahh.. I gotta go. See you later Kia." Tumalikod siya at tumango kay Zion.

"What was that?" Tanong niya.

"What?" Maang na tanong ko habang nilalagay sa side table yung flower.

"What's with the flower and hug thingy?" He asked while giving me a sandwich and juice. Di ako mabubusog dito.

"Dunno..." Kibit balikat ko.

Way to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon