Sophia's POV
Iyak lang ako ng iyak habang nagda-drive si Luke. Nagagalit ako sa mga Pulis.
Kailangan pa daw namin maghintay ng 24 hours bago iconsider na nawawala nga yung kambal.
Ina ko, kilala ko sila. Alam kong hindi sila aalis sa school na hindi magpapaalam sa teacher nila at ipapasabi sa kin.
"You need to rest first love... Umuwi muna tayo.." Sabi niya.
"No! Hindi tayo uuwi hangga't hindi natin kasama ang mga anak ko!" I said.
"Sophia you need to re---"
"Luke hindi ako makakapagpahinga kung alam kong nawawala ang mga anak natin." Mahinahon na sabi ko.
"Okay. Okay. We'll going to find them. But where?" Tumingin ako sa kanya.
"Si Brina. Alam mo ba kung aan nakatira si Brina?" Tumango lang siya at lumiko.
Nang makarating kami sa isang medyo malaking bahay ay halos panggigilan ko na yung doorbell.
"BRINA! LUMABAS KA DIYAN!" Sigaw ko.
"Love calm down. Maririnig ka ng---"
"WALA AKONG PAKIELAM!" Sigaw ko. Sagad na sagad na ang pasensya ko sa babaeng iyon. Masaktan lang kahit daliri ng mga anak ko, ako mismo ang papatay sa kanya! "BRINA LUMABAS KA SABI EH!" May isang babaeng lumabas na tingin ko eh kasambahay base sa suot.
"Ano pong kailangan niyo?" Tanong niya.
"Yang amo mong walng ibang alam na libangan kundi guluhin ang buhay ko at pestehin ang pamilya ko. Nasan siya?"
"Si ma'am Brina po ba?" Tanong niya.
"Kung may iba ka pang amo, baka siya na." Umirap ako.
Ngayon hindi ko kayang magpasensya. Hindi ko kayang magparaya. Mga anak ko na ang nasa pahamak.
"Wala po dito si Ma'am Brina. Hindi pa po siya unuuwi buhat kaninang umaga." At dahil narealize kong hindi ko dapat idamay dito yung katulong, kumalma na ko. Para kasi siyang natakot.
"Alam mo ba kung saan siya mahahanap?" Tanong ko.
"H-hindi ko po alam eh. Kapag umaalis siya, hindi siya nagsasabi kung san siya pupunta.." Tumango na lang ako at nagpasalamat saka nagsorry na din sa mga nasabi ko.
"May number ka niya?" Tanong ko habang inaabot yung CP mula sa kanya.
"Yeah.." Sagot ni Luke. Hinanap ko yung name niya sa contact at sinubukang tawagan.
"What?" Tanong niya.
"Wala eh.." Sabi ko at paulit-ulit tinawagan kahit nasa kotse na kami.
Naiyak na naman ako.. Alam kong si Brina lang ang gagawa nito..
Pero hindi ako susuko... Lalabanan ko siya.
Nilagay ko na sa bulsa ko yung cellphone ni Luke pero nagvibrate naman yung akin.
Tinignan ko kung sino yung nagtext. Number lang..
From: 09*********
Are you looking for your Children? Well, if I were you, you will give Luke back to me so you can get your Children. But if you don't want? Fine.
Take care b!tch. I hope you will see your children again. Love lots.
*****
It's been three days at gumagawa pa din silang pahat ng paraan para hanapin yung Kambal.Ako nakatulala lang dito sa kwarto. Hindi ako lumalabas. Halos di na din ako kumakain.
"Love..." Naramdaman ko yung yakap niya mula sa likod ko pero di ko pinansin.
Nagfile muna ng leave si Luke kaya si Daddy Rico muna ang namamahala sa company. Si Mir naman tumutulong na sa paghahanap.
Napaiyak na naman ako. Sa three days na yun hindi ko apam kung anong nangyayari sa kanila. Hindi ko alam kung pinapakain ba sila ng maayos, sinasaktan ba sila dun? Sana okay lang sila..
Sa talas ng dila nila Saskia at Zion hindi malabong masaktan sila kapag nainis nila yung mga yun.
"Please Sophia, kumain ka naman.." Tinignan ko lang siya at nung akma niyang susubuan ako, tinabig ko yung kamay niya dahilan para kumalat yung kanin at tumilampon yung kutsara.
Tumayo ako at tinignan siya.
"AYOKO NGA DIBA? ANG MAHALAGA SA KIN MAHANAP YUNG MGA ANAK KO! TINGIN MO MAKAKAKAIN PA KO KUNG HINDI KO NAMAN ALAM KUNG PINAPAKAIN BA SILA NG MAAYOS KUNG NASAN MAN SILA NGAYON?" Galit na sigaw ko.
Pumikit siya at huminga ng malalim. Alam kong anytime bibigay na din siya at sisigawan ako.
"Soph please.. Hindi naman natin sila mahahanap kung hindi ka man kuma---"
"AT ANO? KAPAG KUMAIN AKO MAHAHANAP NATIN SILA? NI HINDI NGA YATA MAAYOS YUNG MGA TAUHAN NIYO DAHIL TATLONG ARAW NA WALA PA RING BALITA SA MGA BA---"
"SOPHIA!!" Napatahimik ako sa pagsigaw niya. "I'M REALLY TRYING MY BEST HERE TO FIND OUR CHILDREN! ALALAHANIN MO NAMAN YUNG SARILI MO! MAHAHANAP DIN BA NATIN SILA KUNG MAGMUMUKMOK KA LANG DIYAN? MAHAHANAP MO BA SILA KUNG IIYAK KA LANG AT PAPABAYAAN ANG SARILI MO? SOPHIA HINDI LANG IKAW YUNG NAHIHIRAPAN DITO! THEY ARE MY CHILDREN TOO BUT I'M BEING STRONG HERE KASI KUNG SUSUKO AKO, HINDI KO SILA MAHAHANAP! I'M BEING FRUSTATED SOPHIA. PLEASE LANG WAG KANG MAGPABAYA!" Umupo siya sa kama at tinakpan yung mukha niya saka yumuko.
Napaupo na lang ako sa sahig. What am I doing to myself? Bakit nga ba nakatulala at nagmumukmok ako dito imbis na hanapin ko yung mga anak ko? Tapos ngayon napagalit ko pa si Luke.
Yumuko ako at humagulgol. Ang hirap ng ganito..
Naramdaman ko yung pagyakap niya.
"Sorry.. I didn't mean to shout at you." Hindi ako sumagot. Umiyak lang ako ng umiyak dahil nahihirapan na ko.
"Alam kong naga-alala ka. Alam kong nahihirapan ka. But Love, think of us too. Pano kung sa pagpapabay mo na yan magkasakit ka? Mahahanap natin yung kambal. And we want you to be strong.. We want you to fight. We will get through this okay?" Mahinahon na sabi niya.
Hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Sorry..... I'm sorry.." Paulit-ulit na sabi ko.
Naramdaman ko yung pagbuhat niya sa kin at hiniga ako sa kama. Sinuklay niya yung buhok ko gamit ang daliri niya at hinalikan ako sa noo.
Pumikit ako dahil ayaw tumigil ng luha ko sa pagtulo. And maybe because of frustration and stress. At pagod na rin siguro, hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Luke's POV
I just stared at her face. She really look so tired. And I'm really worried of her.
I Caress her face and kiss her forehead.
"I love you love.." I whisper. And a tears fall down from her eyes.
She really can't live without the twins.. She almost get insane.
My phone rang...
"Hello.."
[Kuya.. Nahanap na kung saan yung hide out nila Brina.]
"Text me. I'm going.."
I kissed her lips before I went out of the house..
Enjoy!! 😍😘
BINABASA MO ANG
Way to Forever
RomanceOne night of mistake, her life changed. She promised to herself that she won't fall in love again. She told herself that she will give her full attention to her Children. But, what if the father of the children enter the picture? Will they fight f...