Sophia's POV
Tinignan ko sa Salamin yung reflection ko. I can say na, nagkalaman naman ako ng konti after I gave birth to the twins. Mas maganda pa nga ang curve ko ngayon.
Dati kasi, para akong bamboo sa payat at walang curve ang katawan ko. Pero nung manganak ako, nagkalaman ako at mas nagka-curve ang katawan ko. Umumbok din ang balakang ko tapos lumaki ng konti ang cup ng breast ko.
I am wearing a black fitted sando tapos highwaist na pantalon. Nakablack wedge rubber shoes din ako. Nagdoble ako ng Jacket kasi baka lamigin ako mamaya sa mall. Pinusod ko ng isahan ang buhok ko na wavy at nagladlad ng konting bangs sa gilid. Polbo at lipgloss na lang and okay na. Haha!
"Mimi pag-grow ko gusto ko same tayo." Humarap ako kay Saskia.
I smiled when I saw her wearing a yellow dress na nagpa-angat sa maputing balat niya. Nakasuot siya ng Flat sandals na color white at yung mahaba at kulot niyang buhok ay pinusod ko ng dalawa saka ko inipitan ng Bulaklak.
"I can't be like you mama. But I want to marry a girl like you someday." Tumatalon na sabi ni Zion sa gilid ng kama.
He is wearing a yellow Tshirt and a red shorts. Nakasuot siya ng rubber shoes na color black.
"You can babies. Pero pag big na kayo saka niyo na lang isipin yam. Basta ngayon, play and study na lang muna ah?" Tumango sila pareho.
Kinuha ko ang brown shoulder bag ko at sinukbit na. Tapos sinukbit na ni Zion yung bagpack niya na may laman lang na bote at gatas.
"Ready na?"
"Opo!"
Hinawakan ko sila pareho sa kamay at lumabas na ng kwarto.
"Ay wait. Close ko muna lahat ng naka-plug na appliances natin okay?" Tumango sila. Inabot ko na lang yung susi para makapasok na sila ng sasakyan tapos binunot ko muna lahat ng nakasaksak at sinara ang mga bintana.
"Okay.. Let's go na.." Pinaandar ko ang kotse at nagsimula ng magdrive.
"~Three little ducks that I once knew. Short ones, fat ones, skinny ones too."
Napangiti ako nang kumanta si Kia. Haha. Yan lang yata alam nilang kanta eh."~But the one little duck with the feather on his back. He lead the others with a quack, quack, quack."
Paulit ulit lang kinanta ni Saskia ang Three little ducks at sumasabay naman minsan si Zion. Ganun lang sila hanggang makarating kami ng mall.
Hayy, di na naman natulog sa sasakyan yung dalawa. Pahirapan na naman sa pagbubuhat mamaya.
"Mimi play na po tayo?" Hawak ko sila pareho sa mga kamay. Medyo maraming tao ngayon dahil weekend kaya kailangan secure ang kambal. Baka mawala sila.
"Wait muna anak, magg-grocery muna si Mommy." Lumakad na ako papunta sa Supermarket ng Mall.
Kumuha ako ng isang cart. Pinahawak ko sila sa gilid para maitulak ko ng maayos yung cart.
"Zion, get that one." Tinuro ko yung katabi ni Zion na Cornflakes. Kinuha naman niya agad at nilagay sa Cart.
Naglakad pa ko at yung kambal panay ang tingin sa mga pagkain. Ang dami ngang pinagtuturo eh. May pinayagan akong bilhin nila pero yung iba bawal na.
Kumuha na ko ng Yogurt, Fresh Milk. Pancake mix, at iba pang stocks sa bahay.
"Zion, Kia, ayun yung chocolates oh. Kuha na kayo ng gusto niyo. Wag lang madami okay? Sasakit yung teeth niyo. Wait ko kayo dito." Tumango sila at tumakbo na. Madali lang silang makita dahil sa part na 'to, walang gaanong tao.
BINABASA MO ANG
Way to Forever
RomanceOne night of mistake, her life changed. She promised to herself that she won't fall in love again. She told herself that she will give her full attention to her Children. But, what if the father of the children enter the picture? Will they fight f...