Sophia's POV
Kasalukuyan akong naga-ayos ng mga prutas at pagkain dito sa Kwarto ni Zion. Hindi pa din siya nagigising.
Nagtext sa kin kagabi si Mama na kinuha daw ni Luke si Saskia. Hinayaan ko na lang, atleast isa man lang sa min ng daddy niya makasama niya.
Si Shenthal pinauwi ko na lang muna. Kaya ko naman mag-isa dito.
Nang matapos ako sa paga-ayos, lumapit ako sa upuan sa gilid ng kama ni Zion.
Hinawakan ko yung kamay niya at hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha mula sa mata ko.
"Zion.. Anak.. Please wake up na. Mommy's waiting for you, si Saskia, diba you promised her that you will both grow up? Baby don't leave us this early okay? We still need you. Marami pa tayong gagawin kapag nakalabas ka na dito. Please baby.."
Biglang nag-flashback sa isip ko yung nakangiting mukha ni Zion, yung kakulitan at kalokohan niya.
Lahat ng nangyayari ngayon, hindi ko naisip na mangyayari pala sa buhay ko.
Akala ko sasaya na kami, pero may mga susubok pa pala. Ano bang kasalanan ko at napaparusahan ako ng ganito? Of all people, bakit anak ko pa?
Sa kakaiyak at kakaisip ko kay Zion, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.
*****
"Ate Sophia?" Napaangat ang ulo ko nung may tumawag sa kin. Si Shenthal pala."Oh? Bakit Shen?" Tanong ko.
"Ahm.. Nasa labas yung mga Police... Hawak na nila si Brina." Napatayo ako bigla at lumabas ng kwarto.
Nakita ko siyang naka-upo sa bench habang may posas. Nakayuko lang siya.
"IKAW YUNG MAY KASALAN NITO EH!" Sigaw ko at lumapit sa kanya para sabunutan siya.
"MAMATAY KA NG WALANGHIYA KA! MAMATAY KA NA!!!" Pinipigilan na ko ng mga pulis pero patuloy pa din ako sa pagsabunot sa kanya.
"PATI YUNG ANAK KONG WALANG KASALANAN DINAMAY MO! HINDI KA PA NAKUNTENTO AT GUSTO MO PANG PATAYIN! WALANGHIYA KANG DEMONYO KA! MAMATAY KA NAAAAA!!" Nagwawala na ko dito. Hindi na din ako maawat ng nga pulis.
"UNA PA LANG HINDI NA MAGANDA ANG PAKIRAMDAM KO SAYO! NAPAKA-DESPERADA MO! BAKIT KA PA BA NABUHAY SA MUNDONG TO HAHH!" punong puno na ng galit ang puso ko.
"Ate Soph tama na.."
"BITAWAN NIYO KO!" Sigaw ko sa mga pulis. "SANA IKAW NA LANG YUNG NANDITO SA HOSPITAL! SANA IKAW NA LANG YUNG NABARIL! SANA IKAW NA LANG ANG MAMATAY! SANA IKAW NA LANG ANG MAPAHAMAK!!!" Ang sakit na ng lalamunan ko kakasigaw. Pero okay lang. As long as maulabas ko ang galit ko.
Sinampal ko siya ng paulit ulit. "LAHAT YAN OARA SA PANGGUGULO MO SA BUHAY NAMIN! KULANG PA ANG SAKIT NA YAN PARA MARAMDAMAN MO ANG PAKIRAMDAM KO!" Gigil na gigil ko siyang sinabunutan at pinaulanan ng sampal.
"HINDI KA KASI INA KAYA WALA KANG ALAM SA NARARAMDAMAN KO! KAPAG MAY NANGYARI PANG MASAMA SA MGA ANAK KO, AKO NA MISMO ANG PAPATAY SA'YO DEMONYO KA!!" Sinabunutan ko ulit siya.
"MAMATAY KA NA WALANG HIYA KA! WALA KANG PUSO! PANIRA KA SA BUHAY NAMING---" naramdaman kong may yumakap sa kin mula sa likod. "LAHAT!" Nailayo ako sa kanya pero pumapalag ako sa nakayakap sa kin.
Gustong gusto kong saktan si Brina. Gusto kong iparamdam sa kanya yung mga pagpapahirap niya.
"Tama na Sophia...." Naranig kong bulong niya kaya medyo himinahon ako.
Nagsimulang magbaksakan ang mga luha ko.
"Brina ano bang kasalanan ko? Bakit ba napakalaking oarusa ng ginagawa mo? Gusto ko lang mabigyan ng kumpletong pamilya ang mga anak ko. Sana naman ipaubaya mo na sa kin yon." She looked at me.
BINABASA MO ANG
Way to Forever
RomanceOne night of mistake, her life changed. She promised to herself that she won't fall in love again. She told herself that she will give her full attention to her Children. But, what if the father of the children enter the picture? Will they fight f...