Sophia's POV
Kasalukuyan akong nasa office ko at nagta-trabaho. Nagtambak ang mga paper works. Ang dami kasing events eh.
Naisip ko yung nararamdaman ko para kay Luke. Masaya akong kasama siya, masaya akong nakikita siya kasama sila Kia at Zion. Hindi ko maexplain yung saya kapag kasama ko silang tatlo.
Feeling ko, mawala lang yung isa sa kanila, mababaliw na ko. Yes. Including Luke. Ayoko nang mahiwalay sa kanya.
Oo natatakot pa ko, natatakot akong magmahal ulit. Pero ayoko ding pagsisihan kapag dumating yung panahon na, mawala na yung takot ko at masabi ko na sa kanya 'tong nararamdaman ko, pero huli na. Masaya na siya sa iba.
Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yung feelings ni Luke. Lahat ng sinasabi niya, alam kong totoo. Natatakot lang talaga ko kaya hindi ako nagpapahalata.
Isa pa, hindi pa ko sigurado kasi hindi naman namin nao-open ang topic tungkol sa love.
Nakatulala na yata ako sa inuupuan ko nang magring yung phone ko.
Luke calling.....
"Hello Luke."
[Hey. Good morning. Can you come here?]
"What for?" I asked.
[Do I need to have a reason? Just go here.] Napairap na lang ako. Ang bossy talaga ng Montianez na 'to.
"Tss. Nandyan na po sir." Sabi ko at tumayo na sa upuan ko.
[I think, love would be better than Sir.] Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan yung kilig ko. Nakakainis talaga siya, napaka-hilig magpakilig.
"Che! Pupunta na ko diyan." Binaba ko agad yung tawag and now I can imagine him smirking. Tss.
Naglakad na ko papunta sa office niya. Hindi pa din namin pinapaalam sa iba ang tungkol sa kambal, I mean, na siya yung ama ng kambal.
"Good morning Ms. Cauzon." Bati sa kin ng bagong secretary niya.
"Good morning too, Mrs. Castro." Ngumiti ako.
Si Mrs. Castro ay nasa mid 40 na at may tatlong anak. Naging close na din kami ni Mrs. Castro at alam niya ang tungkol sa kambal.
Kahit one week pa pang siya dito, sobrang gaan na ng loob ko sa kanya, bukod kasi sa madaling pakisamahan, masaya din kausap.
"You may come in ma'am. Kanina ka pa hinihintay ni Sir Luke." Nangiti na lang ako at pumasok na sa loob.
There I saw Luke smirking luke an Evil to me. Napairap na lang ulit ako.
"Bakit ba?"
"I miss you too Miss. Gandang bati." Tumayo siya at sumenyas na lumapit ako sa kanya.
So I did, I walked towards him. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Can you stay here? Then let's eat a lunch together later?" Napakunot yung noo ko. Problema ba ng lalaki na 'to?
"May sakit ka ba? Sinapian ka? Anyare sa'yo?" Tanong ko.
"Tss. Ewan ko sa'yo." Binitawan niya ko at tumalikod sa kin. Napangiti naman ako.
Sumpungin din pala 'to? Hahaha.
"Haha. Oo na po. Sumpungin mo naman." Nakangiting sabi ko at nagcross arm.
"Tss." Sumandal siya sa swivel chair niya at nagcross arm din. Hindi siya nakatingin sa kin.
Mas lalo akong napangiti at tumayo ng maayos.
"Oo na, dito na ko. Kukunin ko lang po muna yung mga papers sa office ko okay?" Malambing na sabi ko. Bigla naman siyang tumingin sa kin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Way to Forever
RomanceOne night of mistake, her life changed. She promised to herself that she won't fall in love again. She told herself that she will give her full attention to her Children. But, what if the father of the children enter the picture? Will they fight f...