Sophia's POV
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako mapakali dito sa kwarto.
Para lang akong makikipag-date for the first time dahil hirap ako sa pagpili ng damit na isusuot.
"Mimi! Hindi ka pa po tapos?" Rinig kong tanong ni Kia habang kumakatok sa pinto.
Yes. Ngayon ang dinner namin with Luke's parent. Hindi naman dapat ako sasama kaso yung huling text niya, napasama na ko.
"Matagal pa naman yung daddy niyo. Magplay muna kayo diyan." Nabihisan ko na yung kambal kaya ako na lang talaga ang kulang.
Ang hirap kasi. Kinakabahan ako. Ano layang sasabihin sa kin ng magulang niya? Baka isipin nila na malandi at pakawala ako dahil nabuntis ako at the young age. Pero pwede ding magustuhan nila ko at tanggapin na ina ako ng mga apo nila.
So in the end, I just pick the high neck dress. Dark blue yung upper part and the lower part is black na hanggang tuhod. Nag-apply ako ng light make up then sinuot ko na yung black flats ko. Kinuha ko yung silver na shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.
It took me 30 minutes before I went out of the room.
Pagdating ko sa sala ay napatingin sa kin si Luke. Oh? Nandito na pala siya?
"Kids look, your mom look so gorgeous tonight, right?" Sabi ni Luke still staring at me. Namula naman yata ako kaya tumingin ako sa kambal na nagniningning ang mata habang nakatitig din sa kin.
Nakalugay lang naman ang buhok ko tapos nilagyan ko ng clip yung gawing may bangs.
"Mimi is pretty! Come on! Come on!" Hinila ni Saskia yung daddy niya kaya sumunod na kami ni Zion.
"Ay teka lang." Binunot ko muna lahat ng naka-plug saka sinara yung pinto.
Sumakay na ako sa front seat. Kaso nilamig naman ako dahil malakas yung aircon plus ganito lang yung suot ko.
"Here." Nakita kong inabot sa kin ni Luke yung Jacket niya. Kinuha ko na lang yun dahil giniginaw talaga ko.
"Thanks." Pinatong ko lang yun sa kin tapos nagdrive na si Luke.
"Dad." Napalingon ako kay Zion.
"Yes little boy?" Nakangiting tanong ni Luke.
"Someday.. I want to marry a girl like mama." Napangiti ako bigla. Seryoso si Zion habang sinasabi yun at nakatingin siya sa daddy niya.
Napatingin naman ako kay Luke na sumulyap sa kin tapos binalik yung tingin sa daan.
"You should Zion. Cause your mommy is the best." Arghh! Bakit ba ang galing magpakilig ng lalaki na 'to? Simpleng compliments naapektuhan na ako.
Huy heart be careful, ayoko muna ma-inlove ulit. Ayoko. Ayoko. Ayoko.
"Me too daddy!" Nakataas ang kamay na sabi ni Saskia.
"Huh? Marry ka din ng girl like mama?" Nakakunot ang noo na tanong ni Zion kaya natawa kami.
"Nooo! What I mean is, I want to be like mimi someday. Zion di naman ako boy eh." Nagpout pa si Kia.
"Said mo kasi, you too. Edi you want what I want too."
"Ehh... Mimi si Zion oh bully ako!"
"Hey you two, stop. Enjoy being kids muna okay? Kasi I want to take care of you. Kapag big na kayo, di na kayo kailangan alagan ni mommy kasi you can do whatever you want na."
I feel sad just by thinking of them, being adult. Nakakalungkot na dadating yung panahon at magkakaroon na sila ng sariling pamilya at maiiwan na ko.
BINABASA MO ANG
Way to Forever
RomanceOne night of mistake, her life changed. She promised to herself that she won't fall in love again. She told herself that she will give her full attention to her Children. But, what if the father of the children enter the picture? Will they fight f...