WTF28-Surprise

38 1 1
                                    

Sophia's POV

4 days.... Nakalabas na nung isang araw si Zion sa hospital. Isang araw ko ng hindi nakakasama ang mga anak ko. Yes. I am all alone here.

Tulala lang ako. Kulang sa tulog, hindi kumakain, at lagi lang akong nasa kwarto ng Kambal.

He take them away from me. Gustong-gusto kong magalit pero narealize ko, kasalanan ko naman eh. Bakit ko pa nga ba siya pinalayo kung wala naman ng Brina na manggugulo sa amin?

Humiga ako sa kama ni Zion at pumikit. Mas masakit pa 'to sa first heartbreak ko.

Aside from being left by him, wala din sa kin ang mga anak ko na mas nakadagdag sa sakit at pangungulila.

Kaya kong mawala lahat sa kin. Wag lang yung kambal. Anak ko sila, ako ang nagdala sa kanila sa loob ng siyam na buwan, ako ang nagpalaki at nag-alaga sa kanila, ako ang nagmahal sa kanila hindi pa man nila nasisilatan ang mundong ibabaw.

Miss na miss ko na sila. Sobra..... Sinubukan kong tawagan si Luke pero di niya sinasagot. Pumunta ako sa bahay nila pero tinaboy lang ako ng guard.

Tinawagan ko na din sila Mommy Tess pero nagsorry lang sila sa kin dahil kahit sa kanila daw, ayaw pabantayan ni Luke ang kambal.

Humingi na din ako ng tulong kala Mama pero wala din silang magawa. Si Mir and Shenthal nowhere to be found again. Hindi ko alam pero nung araw daw na mawala si Shen, nun din nawala si Mir.

Sa kakaisip ko sa kanila, hindi ko namalayan na nakatulog na pa ako.

Nagising ako dahil nakaramdaman ako ng gutom. Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko.

Kumuha ako ng maikling short at spaghetti strap na sando saka underware at naligo na.

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Mukha na kong panda. Punayat na din yung pisngi ko.

At dahil medyo nababaliw na siguro ko. Kumuba ako ng gunting.

Tinignan ko ulit yung sarili ko sa salamin. Naka-tapis na ako ng tuwalya.

Sinuklay ko yung buhok ko. Hanggang bewang ko na siya. Hmmm.. Nilagay ko sa harap ko yun at ginupit hanggang dibdib ko.

Naglagay din ako ng konting buhok sa harap at pinantay yun. Saka ko ginupit na hanggang ilalim ng kilay.

Napangiti ako sa itsura ko. Alam ko na. Papasyal na lang ako. Ayokong magmukmok dito. Alam kong mami-miss ako ng mga anak ko at magmamakaawa yun sa daddy nila na makita ako. Siyempre Luke as a father, di niya matitiis yung dalawa.

Yun na lang ang inisip ko habang nagbibihis ako.

Nagsuot ako ng high waisted black short at blue longsleeve blouse na tiniklop ko hanggang siko.

Nagsuot ako ng black wedge shoes at humarap sa full leng mirror.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Way to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon