Sophia's POV
It's been a week... Pero hindi pa din nagigising si Zion.
In that week, wala akog ibang ginawa kundi ipagtabuyan si Luke. Ayokong makita isa lang sa kanila ni Brina.
Minsan naiisip ko nang tumakas sa mga problemang 'to. Napapagod na ko.
Pero naiisip ko yung dalawang anak ko. Hindi ko pala kaya.
"Anak..." Napalingon ako sa tumawag sa kin. Si mama.
"Ma..." Lumapit siya sa kin at niyakap ako.
"Look at you, ang payat payat mo na. Zion will not like that kapag nagising siya."
Tinignan ko si Zion na parang mahimbing lang na natutulog. Hinawakan ko yung kamay niya.
"Minsan naiisip kong takasan na lang lahat ng 'to. Pero kailangan ako ng mga anak ko. Ma... Natatakot ako." Pinilit kong pigilan yung luhang babagsak na mula sa mata ko. "Habang lumilipas ang araw na hindi gumigising si Zion, nakakatakot. Hindi ko alam kung lumalaban pa ba siya o hinihintay na lang niyang pasukuin natin siya." At dun na ko napaiyak.
"Lumalaban si Zion, Sophia. Alam kong hindi niya kayo iiwan, lalo ka na. Lakasan mo lang ang loob mo."
Tumango ako at hinalikan ang kamay ni Zion. Tumayo ako at niyakap si Mama.
"Nasan po pala si Papa?" Tanong ko.
"Kasama siya ni Luke sa labas." Nag-init na naman ang ulo ko. Ano na namang ginagawa niya dito?
"Bakit nandito na naman siya?" Tanong ko.
"Sophia wag mong idamay sa galit mo si Luke. Wala siyang kasalanan dito." Sabi ni Mama.
Tinignan ko muna si Zion bago binalik kay mama.
"Ma naman. Siya ang dahilan ng bawat paninira ni Brina sa buhay namin. Kaya siya ang may kasalanan. Siya ang puno't dulo ng gulong 'to."
"Pero hindi niyo mararanasan makumpleto kung hindi siya dumating sa buhay niyo. Malaki rin naman ang sinakripisyo ni Luke para sa inyo."
"Pero mas malaki ang sinasakripisyo ngayon ni Zion. Hindi sana siya nakahiga sa hospital bed na yan kung hindi ko pinairal yung puso ko. Kung sana bumalik na lang siya kay Brina, walang ganito."
"Sophia---" pinutol ko yung sasabihin niya.
"Tama na ma.. Sarado ang puso't isip ko para sa mga paliwanag niyo. Hindi ako makakapag-isip ng maayos hangga't hindi nagigising ang anak ko."
Naglakad ako palabas ng kwarto. Nakita ko sa gilid si Papa at si Luke.
I just looked at him coldy at lumapit kay papa.
"Pa.." Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
"San ka pupunta?"
"Magpapahangin lang po ako sa rooftop. Kayo na po muna ang magbantay kay Zion." Ngumiti ako at umalis nang hindi siya tinitignan.
Pumunta ako sa rooftop. Napatitig ako sa railings. Bakit kaya ganito kahirap mabuhay?
Nakakabilib yung mga taong nalalabanan kahit ano mang hirap ng buhay. Yung mga taong nakukuha pa ding ngumiti kahit nasa bingit na ng kamatayan.
Lumakad ako palapit sa railings. Humawak ako dun.
Ang lakas ng hangin, ang sarap sa pakiramdam. Nakaka-relax.
Pumikit ako at dinama ang bawat pagdampi ng hangin sa balat ko.
Naramdaman kong may yumakap sa kin sa likod. Napadilat ako at tinulak ko siya.
"Anong ginagawa mo dito?" I said coldly.
"Sophia hanggang ngayon ba galit ka pa din?" Mahinahong tanong niya.
Hindi ako sumagot. Ayokong mag-away kami.
"Fine.. I'm sorry. I know you are blaming me here but please Sophia. Let me be with---"
"Hindi kita kailangan." Tumingin ako sa ibang direksyon.
"Soph...." I looked at him.
"Ilang beses ko pa ba kailangang ipagtabuyan ka hah Luke? Hindi ka ba napapagod kakasuyo? Pwede ba umalis ka na lang kasi hindi ka na namin kailangan. Kaya naming mabuhay ng wala ka. Please lang Luke lumayo ka na. Kalimutan mong nakilala mo ko pati ang mga anak ko." Kalmadong sabi ko.
"They are mine too Sophia. Do you think ganun lang kadali s aking kalimutan kayo? Because of you I love again. Because of you I became contented. Umiikot na sa inyong tatlo ang mundo ko then now you are telling me to just forget the three of you? The hell Sophia!"
"Hindi ko kasalanan na dinepende mo sa min ang buhay mo!" Nagsisimula na kong mainis.
"But I want to!"
"Then that's your choice Luke! Ikaw ang pumi---"
"BECAUSE I WANT TO GIVE MY ALL TO YOU! AYOKONG ISIPIN NIYO NA IIWAN KO KAYO!"
Nakipagtitigan lang ako sa kanya. I know he's mad. Pero galit din ako.
Umiling ako at nagsimula ng maglakad.
"Walang patutunguhan 'to. Just let go of us." Sabi ko nang hindi humihinto sa paglalakad.
"I won't..."
"But I want you to leave us now." Huling sinabi ko bago bumalik sa room ni Zion.
*****
Pagkatapos ng away namin ni Luke, hindi ko na siya nakitang pumasok sa kwarto ni Zion.Umalis na din sila mama kaya ako na lang mag-isa sa kwarto. Buong araw lang akong nakabantay.
Nandun yung matutulala na lang ako, tapos biglang iiyak.
Kung may makakakita lang sa kin for sure iisipin nilang nababaliw na ko.
Well, being in this kind of situation makes me like crazy. My longing and the feeling of being empty makes me insane.
Sa totoo lang miss na miss ko na din si Saskia. Pero ano bang magagawa ko, hindi ko pwedeng iwanan si Zion.
I want to be the first person na makikita niya kapag nagising na siya. I know I am being unfair to my daughter but Zion needs me more than she do now. Nandiyan naman yung daddy niya para sa kanya.
I just really can't take care of them together. Tama nga talaga, we can't serve two masters at the same time.
Siguro may mga magsasabi na kaya ko namang pagsabayin silang dalawa. I mean, pwede ko namang dalhin dito si Saskia.
Zion is now traumatize of that incident and I don't want Saskia to be in there too. Kung kayo din ang nasa kalagayan ko, sapat nang isa na lang sa dalawang anak niyo ang mahirapan. But of course, I don't want any one of them to suffer. Kahit sana ako na alng.
But you can't have a choice when you were in this kind of traumatic experience and a very big problem.
Hindi naman natin kasalanan na mahirapan tayo sa buhay. This is what He gave us. I know this is just a challenge and to make us, people, stronger than we were before.
Si Kia pumapasok muna sa school nila. Ang plano ko kapag nagising na si Zion, sa bahay na lang muna siya turuan ng teacher niya ng lessons na na-miss niya. Para naman hindi na sila umulit next year.
Matatalino naman sila kaya alam kong mapi-pick up nila agad yung lessons.
Sana lang talaga gumising na siya...
Last 3 chapters na lang po...
BINABASA MO ANG
Way to Forever
RomanceOne night of mistake, her life changed. She promised to herself that she won't fall in love again. She told herself that she will give her full attention to her Children. But, what if the father of the children enter the picture? Will they fight f...