WTF4- Daddy

56 5 0
                                    

Sophia's POV

"Tell me more about the Twin.."
Salubong niya sa kin pagkalabas ko.

Huminga ako ng malalim at naglakad. Sinundan naman niya ko.

"Hey Sophia. I'm talking to you." He said at hinawakan ang braso ko para iharap sa kanya.

"Look sir---"

"Luke. Call me Luke when we are not in the building." Putol niya sa sinasabi ko.

Napairap na lang ako sa isip ko. Ayokong tarayan siya dahil kahut anong mangyari, he's still my boss.

"Fine. Luke, can you just stay away from us? Please lang. Just pretend that you don't know about us. Act like we are nothing to you."

"Act like what? Sophia for your information, I am their father. Wether you like it or not, kikilalanin ko sila bilang mga anak ko." Alam kong pareho lang kaming nagtitimpi dito. Mabuti at habang binabantayan ko ang mga bata ay nilagay niya na sa kotse niya ang mga pinamili ko.

"Yes they are yours, and I'm not going to take away your rights as their father. Ipapakilala kita sa kanila. What I am pointing out is, just pretend that you don't know us kapag nasa public tayo. O kahit ako lang, I don't want to be link to you and..." Napa-iwas ako ng tingin. "You have a girlfriend."

"F*ck Sophia! Hindi maiiwasan yun! We are working at the same building and whatever we do mahahalata ng iba na may koneksyon tayo. Ina ka ng mga anak ko tandaan mo yan!"

"Ina lang ako Luke. Labas na ko sa buhay mo. You can meet them, they can sleep with you if they want, you can spend your time with them. But please, count me out sa lahat ng plano mo."

"What? Are you crazy? Paanong hindi ka masasali sa plano kung ilalabas ko man ang mga bata? Hindi sila papayag sumama sa kin nang wala ka!" Oh alam ko na talaga kung kanino nagmana si Zion.

"Luke, calm down will you? Let's talk calmly. Baka nakakalimutan mong nasa mall tayo?" Mahinahon pa din ako. Tumingin siya sandali sa gilid at nagbuntong hininga.

"Okay. Let's talk." Naglakad siya papunta sa katabing restaurant ng nilalaruan nila Saskia. Umorder lang siya ng wine at ako naman ay Lemon juice.

Tahimik lang akong umiinom at hindi siya pinapasadahan ng tingin. Hindi ako natatakot sa mga pwedeng mangyari, natatakot lang ako na baka may gawing hindi maganda ang girlfriend niya sa min ng mga anak ko.

Seeing her earlier makes me feel uneasy, parang everytime na magtatama ang tingin namin ay may balak siyang patayin ako.

"Kung hindi tayo magkakasundo sa simpleng usapan, kukunin ko na lang ang mga bata." Hindi na ako nagulat sa biglang pagsalita niya at sa sinabi niya. This is what am I expecting.

Humigop akong muli sa Juice ko at tumingin sa kanya.

"Well, if you can get them from me." I smirked. "To remind you Mr. Montianez, the twins are using my surname, and walang pangalan ng tatay nila na nakasulat sa birth certificate nila. Now tell me, anong laban mo dun?"

Nakita ko ang pagtangis ng bagang niya at pagpikit niya ng mariin. Malamang alam niyang hindi pa niya mapapatunayan na siya ang biological father ng kambal. Nang tumingin siya sa kin ay bigla ulit siyang pumikit at umiling. Tinignan niya na ulit ako ng seryoso.

"Fine. I lost. Hindi ko sila kukunin because I know in the first place that they won't allow me. Sa'yo sila lumaki at mahihirapan silang hindi ka kasama." Seryosong sabi niya. Uy ano 'to? Older version ng Zion ko? Or mini version niya talaga si Zion?

The way they look when they are serious. They have the same angelic face at masasabi kong nakuha ng kambal ang Caramel color ng eyes niya. I sighed and I intertwined my fingers. I looked at him.

Way to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon