Sophia's POV
Nagising ako dahil sa alarm. 8:00 am. Pinatay ko yun at tumayo na ng kama.
Pumasok muna ako sa CR para maghilamos at toothbrush. Tapos pumunta ako sa kwarto ng kambal.
Tulog pa sila. Lumapit ako at kiniss sila sa noo. Buti di nagising.
Pumunta ako sa kusina at nagsimula ng magluto. Kumuha ako ng Itlog sa ref. Sunny-side up yung ginawa kong luto. Sunod kong sinangag yung kanin.
Naglagay na ako ng apat na plato sa lamesa at inayos yung pagkain, like I always do, dahil gusto ng kambal yung style ng kanin sa Jollibee, kinumpol ko sa mangkok yung fried rice saka tinaktak sa plato para may shape. Pinatong ko dun yung sunny-side up egg at naglagay ako ng tig-dalawang oreo cookie sa gilid.
Kumuha ulit ako ng apat na tasa. Nagtimpla ako ng dalawang gatas at dalawang kape. Habang naghahalo ako, nakarinig ako ng mga paang nagtatakbuhan.
"Mimi! Ang bango!"
"Mama I'm Hungry!!" Sabay na sabi ng kambal.
"Good morning babies." Lumapit sila sa kin kaya lumuhod ako. Hinalikan nila ako pareho sa pisngi at niyakap.
"Oh, kain na kayo.." Inalalayan ko silang umupo.
Napatingin naman ako kay Luke na nakatingin lang sa min.
"Aren't you going to eat?" Umiling siya.
"Nope. Not until you put food on my plate." Eto may pagka-isip bata din eh. Imbis na matulungan akong asikasuhin yung mga bata, dagdag pa siya sa aasikasuhin ko. Hayyy naku! Pasalamat siya mahal ko siya.
Nilagay ko muna sa lamesa yung mga tasa bago ko ipagsalin ng pagkain si Luke sa plato niya.
"You? Are you not going to eat?" Tanong niya nang nagsimulang sumubo.
"Kakain na." Sabi ko at naglagay na din sa plato ko.
Binilisan ko na yung pagkain ko. Tumayo ako at inilagay yun sa lababo saka ko kinuha yung Cheese sa ref. Kumuha ako ng slice at pinalamanan yun.
Inabot ko sa cabinet yung lunch box ng kambal at nilagay dun yung slice na pinalamanan ko. Sunod akong nagtimpla ng orange juice at sinalin sa tumbler nila.
Tapos na din silang kumain at pinauna ko na sa CR. At pagtapos ko sa paghahanda ng mirienda nila, pumunta ako sa kwarto at inayos yung uniform ng kambal.
"Kia! Zion! Di pa kayo tapos?" Pumasok ako sa CR na may dalang twalya.
Si Zion ay nagbabanlaw ba habang si Saskia naman ay nagsasabon pa.
"Zion, come na." Aya ko kaya lumapit siya sa kin at binalutan ko na ng twalya. "Done na magtoothbrush?" Tanong ko.
"Opo!" Sagot niya kaya inakay ko na palabas.
"Wait lang, kukunin ko munaa si Kia." Sabi ko at bumalik sa CR. Patapos na din magbanlaw si Saskia kaya hinintay ko na at binalutan din ng twalya.
Una kong binihisan si Zion then si Saskia. Inayos ko muna yung mga gamit nila at chineck kung may assignment ba sila na hindi nagaw.
Maayos naman lahat kaya lumabas na kaming tatlo, pumunta silang kusina para akunin ang lunch box nila habang ako, pumunta sa kwarto para tignan si Luke.
Nakatayo na siya sa harap ng full length mirror at inaayos yung tie niya. Kinuha niy yung brush ko at sinuklay pataas yung buhok niya.
Lumapit siya sa vanity mirror ko at kinuha naman yung Bench na pabango saka in-spray sa kanya.
BINABASA MO ANG
Way to Forever
RomanceOne night of mistake, her life changed. She promised to herself that she won't fall in love again. She told herself that she will give her full attention to her Children. But, what if the father of the children enter the picture? Will they fight f...