WTF20-Threat

36 2 0
                                    

Luke's POV

We went to their terrace.

"What's your name again?' He asked when he faced me.

He is looking at me seriously. As a man loving his daughter, may kaunting kaba akong nararamdaman.

"Good evening again sir. I'm Luke.... Luke Zion Montianez." This is the first time I introduce myself with my second name. He nodded his head.

"Luke....." Then silence. A long silence before he speak. "Do you love my daughter? Or you are just here because of my grandchildren?"

Sh*t! Kinakabahan talaga ko. Ghad. I really do have a lot of new experience because of her. And I'm loving it.

"Yes sir. I love Sophia. I love her as her. And I love her more for being the best mother to our children."

"Seryoso ka ba sa anak ko?" Another drum beat in my chest.

"Yes." I answered.

"Ako na ang magsasabi sayo iho, ang panganay ko ay ang tipo ng babae na mas iniisip ang kapakanan ng ibang tao kesa sa sarili niya. Siya ang tipo ng babae, na gugustuhing mahalin ng mga lalaki." I smiled.

"I know sir. And I am lucky that she loves me too."

He point the chair in front of him telling me to sit there. So I did.

"Malaki ang naging hirap ni Sophia para sa amin at sa mga anak niya. Maliliit pa lamang ang mga anak ko ay napilitan na silang magtrabaho. Mahirap ang buhay namin noon iho. Si Sophia ang nagparaya, walong taon pa lamang siya ay suma-sideline na siya para lang may pambaon. Nang mag-high school naman ay siya na ang nagpa-aral sa sarili niya kaya si Kiara na lang ang gastos namin. Pagtungtong ng koleheyo, malayo dito sa amin ay nakakuha siya ng scholar kaya nakapagtapos siya." Kwento niya.

I didn't know how hard was Sophia's life before. But I'm so proud of her for being really independent.

"Walong taon na ang nakararaan."

"That was the year before we met..." I said out of nowhere.

"Yes. 8 years ago, nang maka-graduate si Sophia, nakapagpundar ang biyenan kong lalaki ng pondo at inumpisahan niya sa amaliit na negosyo. Lumago ito at nakapagpatayo siya ng kompanya sa New York. Kung saan kami ngayon namamalagi ng asawa ko. Yun ang naging daan namin para umayos ang pamumuhay. Hanggang sa mamatay ang biyenan ko at kami ang namahala noon."

"I'm sorry to hear that sir." Yumuko ako.

"It's okay.. Gaya ng sabi ko, kami ang namahala sa kompanya at naiwan dito ang mga anak ko. Isang taon ang nakalipas nang mabalitaan kong..... Buntis si Sophia." And with that, I look at him again.

"I'm really sorry sir. I didn't mean that to happened. But I'm not regretting to have them in mu life now."

"Malaki ang naging galit ko sa kung sino man ang ama ng dinadala ni Sophia, maging sa kanya ay nagalit ako. May tiwala ako sa anak ko pero nasira iyon dahil sa pagkakamaling hindi na mababago. Pero pinatunayan niya na kaya niyang buhayin ang mga anak niyo kahit siya lang mag-isa. Ngunit gaya ng ibang magulang, hindi namin siya natiis at tuluyan ng lumambot ang puso ko at napatawad siya nang makita ko ang mga apo ko. Natanggap kong muli ang anak ko, at hiniling kong may lalaking dumating sa buhay niya na tutulungan siya sa pagtaguyod sa mga bata. And I'm glad that the real father of my grandchildren came back." He smiled so I smiled back.

"Thank you sir. I really love Sophia, Saskia and Zion. I love them more than anything else. They are my life now. Sa kanila na umiikot ang mundo ko."

He smile again ang pat my shoulder.

"I trust you Luke. I know you will take good care of my daughter and your children. Maraming salamat at mapapanatag na ang loob kong bumalik sa New York."

Way to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon