WTF24- Everyone's tear

32 2 0
                                    

Sophia's POV

*BANG!*

Napatigil ako sa pagtakbo.. Ang sakit...

Napaupo ako kaya inalalayan ako ni Luke..

"Sophia..." Yumuko ako. "No... Come on Love.." Pinilit kong tumayo.

*BANG*

"HINDI TINAMAAN! HABULIN NIYO YUNG BABAE!" Tumakbo ako agad palapit sa kambal. Nagdatingan na yung mga pulis. Wala na muna kong pakielam kay Brina.

"Strong ka.... Sabay tayo magg-grow diba? Pag big na tayo gagayahin mo pa si Daddy. Wag ka magsleep. Wake up na.." Napaluhod ako at humagulgol.

"Mimi... Daddy.. Tell me po.. Diba magwe-wake up pa si Zion?" Hindi ko siya sinagot.

Hindi ko alam yung gagawin ko.. Inangat ko yung ulo ni Zion at nilagay sa mga hita ko.

"Baby? Zion... Wake up.." Sabi ko. Tinignan ko yung kabuuan niya.

Namumula at may sugat yung hita at tuhod niya. May... May tama siya sa gawing tagliran.

"Zion..." Niyakap ko siya. Bakit kailangan kay Zion pa? Bakit sa kanya pa?

"Mimi!!" Narandaman ko yung pagyakap ni Kia at biglang paghagulgol niya.

"Let's go.. Let's bring Zion to the Hospital." Kinuha sa kin ni Luke si Zion at binuhat papunta sa kotse.

Hinawakan ko na lang si Saskia at inakay siya dahil nga iika ika pa kong lumakad.

"Bilisan mo Luke.." Sabi ko pagkasakay ng sasakyan.

Nasa passenger seat si Kia at kandong ko si Zion sa likod.

Tahimik lang akong umiiyak habang yakap yakap si Zion. Si Luke todo patahan din kay Saskia na humahagulgol pa din.

"Shhhh.. Kia tahan na.." Pagpapakalma ko. Ayokong magpakiga ng kahinaan sa mga anak ko. Kailangan kong maging matapang para sa kanila.

"Mimi.. Zion will wake up pa diba po? Wake up pa po siya eh..." Umiiyak na sabi niya.

Ngumiti ako at tumango.

"Gigising siya. Tired lang si Zion." Sagot ko kahit na alam kong aware siya sa sitwasyon ng kakambal niya.

"No! He got shot po ng gun ni Tita Brina! He's not only sleeping!" At mas lumakas pa yung iyak niya.

Pigil na pigil ko na yung luha ko. Mas binilisan ni Luke yung pagpapatakbo jaya mabilis din kaming nakarating sa hospital.

Bumaba ako agad at may sumalubong na stretcher kaya hiniga ko na agad si Zion dun.

Nakasunod lang ako habang tinutulak nila yung sketcher. Naiiyak na naman ako. Bakit kailangang magkaganito?

"Sorry ma'am. Bawal na pong pumasok sa loob." Pigil sa kin ng isang nurse.

Napaupo ako sa isang bench. Yung luhang pinigilan ko, tumulo na talaga. Hindi ko na kasi kaya eh.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext sila Mama at Shenthal. Hindi ko kayang alagaan ngayon si Saskia. Ayokong makita niya kong ganito.

Yumuko ako at pinatong yung mga braso ko sa hita saka tinakpan yung mukha ko.

"Mimi...." Napatingin ako kay Saskia na humawak sa braso ko.

Pinilit kong ngumiti at niyakap siya. Bigla na naman siyang umiyak.

"Shhhh.. He will be okay baby.." Hinagod ko yung likod niya.

Naramdaman ko yung paghaplos ni Luke sa ulo ko. Napaisip ako bigla.

Way to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon