Chapter 2: a day with Him

1.8K 34 3
                                    

Heroine Salvador

"Remember this notebook"

"Hey.. I've never seen you smile."

"I trust you.."

THOSE UNKNOWN voices again..

Hindi ko alam kung bakit madalas kong marinig yun sa panaginip ko.. baka kasama sa kadramahang naiisip nung author. Or...
Maybe it's something that happened bago ako magkaamnesia..

Maybe it is a memory that I used to treasure..

sa kalagitnaan ng tulog ko, may biglang nagbukas ng bintana ko, the moment na matamaan ng rays ng araw ang mukha ko, dahan-dahan kong ibinukas ang kanang mata ko para aninagin kung sino ang naghawi sa kurtina.

Ah, yung Student Council President lang pala, mabuti pa, ituloy ko na muna ang tukog ko dahil masyado pang maaga

Pagkapikit ko, mga limang segundo muna bago ako tuluyang dumilat.

teka! si Cayden?!!

Agad akong napatayo at binalot ang sarili ko sa kumot na parang isang cocoon dahil nakapantulog pa ko at walang suot na brassiere. Well, ganun talaga ako matulog para komportable. Most of the girls do it. Duh!

"hoy hinayupak ka, paano ka nakapasok sa apartment ko!? Wait- let me rephrase that, --sa MAGANDANG apartment ko!"

"Good morning rin" yan ang sagot nya sakin habang may mahinahong ngiti sa mukha

"Walang good sa morning kung mukha mo lang rin ang bubungad sakin.." inirapan ko yung ungas.

"Hindi nga kasi nakalock tong 'magandang' apartment mo kaya ako nakapasok.."

Pagrarason nya  na may halong sarcasm pero di ko na pinakinggan dahil inaantok pa ko.

papabangon na sana ako kaso hindi ko na tinuloy at muling nahiga sa kama. TINATAMAD AKOOO.

"hoy!" sabay hila nya sa kumot kong nakapulupot sakin kaya pati ako nahila nya at nalaglag ako mula kama pababa sa sahig

"Sh*t! Ano ba?!"

"maligo ka na nga muna, 7 ang klase di ba?" Paalala nya na parang isang nanay bago lumabas ng kwarto ko.

pakamot ulo akong tumayo sa asar at naglakad kasunod nya palabas papuntang banyo para hindi na nya ko guluhin.

Nagpalinga linga ako sa paligid dahil maaliwalas sa pakiramdam, napansin kong malinis. Mukhang naglinis sya.

Yung totoo? Andito sya as Guardian o katulong?

Tatanungin ko sana sya pero busy na syang nagluluto sa kusina kaya hindi na ko nagsalita.

Matapos kong maligo at magbihis , naupo na ko dun sa dining table.. ready na dun yung pagkain.

Wow... For the first time in my life.. Nakakita ako ng disenteng breakfast..

Bacon, eggs, toasted bread and butter and a hot chocolate. Sa sobtang disente, pwede na syang pang-instagram.

"Dahan dahan sa pagkain, baka gusto mo munang magthank you sa pagkain" muntik akong mabulunan sa sinabi nya sakin, natatawa kasi ako

"Sinasabi mo ba na dapat magdasal ako bago kumain?" I asked out of sarcasm and he only smiled so I smiled back bago ako sumigaw

"SA LAHAT NG MGA DIYOS DIYOSAN DYAN O KUNG ANO PA MAN! SALAMAT SA PAGKAIN!" nagulat siguro si Cayden sa ginawa ko kasi nakanganga lang sya sakin matapos kong mag'dasal'

Ms. Arrogant's Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon