chapter 4: meet the siblings

1K 27 1
                                        

******

HEROINE's POV

"Hah?! Ano? Sarrreh! Can't hear ya!!" Then I hanged up on her as I pretended not to hear everything that she said.

Sino yun? Si Liera, asawa ni papa.. Bakit tumawag? May business trip sila abroad.. Anong gusto nya mangyari? gusto nyang magstay sa apartment ko yung mga anak nila! But hell no! Ayoko nga! Ano tingin nila sa apartment ko?! Daycare center? Bahay bata 163?! Squatter?!!

"Mai" napahakbang ako paatras dahil medyo nagulat ako sa pagsulpot nya sa bintana ng classroom kung saan ako nakapwesto.. Sino pa nga ba? Of course yung aso

"Ano ka ba naman!?" Sigaw ko sakanya habang umuupo

"Bat mag-isa ka jan?" Tanong nya kasabay ang pag ikot ng mata nya sa walang taong classroom namin

"Wala, library hours eh.. Kaya nasa library silang lahat. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"Break time namin"

Sige, aaminin ko, nitong mga nakaraang araw, since that night na nakwento ko sakanya yung talambuhay ko.. Nasanay na kong mag open sa kanya ..kahit papaano..

Kaya sa ngayon, naikwento ko sa kanya yung tungkol sa balak nila papa at Leira na sakin patuluyin yung step-brother and step-stepsisters ko (may word bang ganun??) ..well actually, kaya naman na nung step bro kong si Red yung pag aalaga kila Ciara at Serrah eh.. Bakit, idadamay pa yung precious apartment ko ?

"Kaya ayun... binabaan ko na lang sya ng phone..." Kwento ko

"Oh, ano balak mo?"

" wala, hindi naman sila makakapasok dun dahil wala silang susi."

"Sus ako nga nakapasok eh.." Bulong nya

"Hoy, hindi lang kasi nakalock nun, ngayon ni-lock ko na yun!"

Bigla namang tumunog ang bell para sa next subject

"Nga pala.. Hindi ako makakasabay umuwi mamaya, baka hindi na rin ako makapunta sa apartment mo mamaya"

"Geh, kaya ko na to.." Ngumiti lang sya sakin at saka tumakbo papuntang classroom nya

Wait-what?? Did I just agree?? Hay, yaan ko na nga minsan lang naman.. Masyado na kong umaasa sa kanya which is a bad habit .. Makukunsensya lang ako pag namatay yan dahil sakin..

---

Naglalakad ako pauwi bitbit yung mga pinamili ko galing grocery para sa hapunan mamaya. Mabilis ang oras,

Hindi ko na napansin na nasa pintuan na ko ng apartment ko.

Nagpalinga linga muna ako para icheck kung dumating yung mga anak ni papa.. Pero , wala..

"Baka hindi sila natuloy? Well, I should partey!! " yep! It's friday din kasi kaya magpapakaenjoy muna ako.

Kung dadating pa man sila, hindi ko sila pagbubuksan, mabulok sila dito.

Sinusian ko ito at binuksan ang pintuan.. Pero bago ko pa man maihakbang ang paa ko may lumilipad na unan ang sumalubong sakin..

Napatigil naman sila Ciara at Serrah sa paglalaro.. Oh, I mean pagrarumble "welcome home ate!" Then tinuloy na nila yung rumble

Nganga naman ako sa nakikita ko.. Ang gulo.. Sobrang gulo.. Kalat ang mga gamit ..hindi na matatawag na kwarto ngayon to dahil feel ko nasa ibang dimension na ko

Napaface palm nalang ako

"Oy, Mai, anjan ka na pala"

Napatingin ako kay Red sa harap ko na may hawak hawak na isang bowl ng chips.

Ms. Arrogant's Mr. PerfectMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon