Chapter 5: trouble?

808 23 4
                                    

A/n: helloooo readers! Thank you for reading my story and bearing with it. Hahaha.
8k reads in just a month :) thank you! Thank you!

------

Cayden's POV

"Princey! Princey! Yeheeey!!!" Sabay na sabi nila Ciara at Serrah.. nakasakay kasi si Ciara sa batok ko at si serrah sa batok ni Red

Nasa park kami.. Nagtataka ba kayo? Well , di ko rin sure kung bakit kasama namin ni Heroine ang siblings nya..

--** flashback

Kumatok ako sa pintuan ng apartment ni Heroine, nagulat na lang ako kung sino yung nagbukas ng Pinto.. Dalawang bata, tingin ko kambal, sila siguro yung siblings ni Heroine.

"Nasaan si ate Heroine nyo?" Tanong ko sa kanila pero imbes na sagutin nila ko ay tumakbo sila sakin at sumabit sa binti ko "waaah!! Prince!!"

Tuwang tuwa silang naghihiyawan .. Ako? Prince? patuloy pa rin ang pagsigaw nila nung dumating si Heroine ..

"Hoy, b1 ,b2? Anong problema nyo jan?? Ang ingay -- oh, Cayden?" Mga 5 sec din kaming nagtitigan.. Nakapajama pa rin kasi sya.. Nakalimutan nya siguro na may lakad kami ngayon ..

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya

"May lakad tayo??" Sagot ko naman tapos bigla syang nagulat at nagfacepalm "ay! Sht!! 00 nga pala!!" Nagtatakbo naman sya sa kwarto nya para mag ayos ng sarili

Pambihira naman.. Wag daw ako malelate tapos...haaay, cute nya rin eh.

Naupo ako sa sofa nila para hintayin si Heroine nang may batang lalaking lumabas galing kusina..

"Maai, masaan yung corn flak--! Wah! May lalake dito?!" Gulat na sigaw nya na ikinagulat ko rin.. Ano problema nun?

Patakbo syang sumampa sa sofa sa tabi ko at tumingin sa mukha ko.. What's with him??

"Pinatulan mo si Mai?!!" Pasigaw nya..

"Huh??"

"Wahh! Boyfriend ka ni ate Mai! May prinsipeng boyfriend si ate!! Yehey! May kuya na tayong prinsipe!! " pumapalakpak na sigaw nung kambal

"Teka-teka?? Hindi ako boyfriend ni Heroine" paliwanag ko

"Ay ganun? Haha, buti naman...pasensya na sa inasal ko.. Nga pala ako si Red, yung kambal naman sina Ciara at Serrah, si Ciara yung nakaheadband at yung nakaclip si Serrah" pakilala nya tapos tuloy-tuloy na syang nagsalita

"Buti na lang talaga! Haha!! Papatayin ka lang ni Mai! Buti na lang matalino ka at hindi pumatol sa k---" hindi na nya natuloy yung sinasabi nya matapos syang matamaan ng lumilipad na bag

"Aray naman! Ano bang problema mo?!" Sigaw nya kay Heroine

"Anong sinasabi mo kay Cayden?!"

"Sabi ko matalino sya kasi hindi pumatol say--" hindi nanaman nya natuloy yung sinasabi nya matapos ulit syang hampasin ni Heroine ng bag.. Sadista talaga tong babaeng to

"Wah! Ate! Be a princess naman sa pagkilos" sabi ni Serrah

" baka maturn off si kuya prince sayo at hindi matuloy ang 'date' nyo" sabi naman ni Ciara

"A-anong date?! Hindi ah!"

"So pwede kaming sumama??" Singit ni Red

"Hindi pwede!" Sigaw ni Heroine

"May date sila kuya! Wag ka magulo!" Sigaw din nung kambal

"Ano ba! Hindi nga to date!"

"So, pwede kami sumama??" Pag uulit ni Red

Ms. Arrogant's Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon