chapter 18: a woman's tears

489 21 6
                                    

-----

Cayden's POV

Naglalakad ako sa hallway papuntang meeting, pag-akyat ko ng hagdanan, nagcontact yung mata namin ni Heroine

"H-hi" bati ko habang pilit na  nakangiti pero yumuko lang sya at hindi ako pinansin

"Hi Heroine" -Kairi

"Hi.."

Agad akong napalingon sa likod ko, teka, bakit si Kairi lang yung pinansin? Mas nauna akong bumati ah..

"She's been like that since she went back dun sa cabin that night.. did something happen between you?" Tanong sakin ni Kairi na mukhang paakyat din ng hagdanan kasunod ko.

Napayuko na lang ako dahil hindi ko rin alam ang paliwanag na gagawin ko tungkol sa nangyari nung gabing yun

"Ewan ko.." sabi ko lang saka dumiretso na ko ng lakad paakyat

Since nung gabing yun, nung dumating ako sa resthouse, sinabi nila na umalis na si Heroine,

hindi na ulit kami nag-uusap until now

Pinipilit kong magpaka-natural ang kilos pero, patuloy ang pagbagabag sakin ng sinabi nya

Since kailan pa nya ko nagustuhan?

Bakit ngayon nya pa sinabi kung kailan kumplikado ang lahat.
-----

"pagmemeetingan natin yung gaganapin para sa foundation celebration natin by next week, per years kailangan may activities na gawin, so ang kailangan nating gawin ay idivide lahat ng activities na pwede sa bawat year"  paliwanag ko sa kanila

"Booths para sa foods ang gagawin ng 1st years" sabi ni Terra

"2nd years na ang gagawa ng mga props para sa school" sabi ni Zayne

"3rd years para sa shows, ako na bahala sa pagmamanage" Stella

"Huy teka! Wala nang gagawin ang 4th years!" Singit ni Kirt

"Kung shows na lang din? Tutal kailangan din ng bgm , director, character, dancing, singing, bands, and drama dun sa shows eh.." -Stella

"Well, I think, 3rd years sa mga pampasiglang bilang at gumawa na lang ng play yung 4th years"-Kairi

"Pwede.. pero, anong play?"-ako

"Romeo and Juliet!" Sigaw ni Stella ng may pagniningning sa mata

"Ang boring naman!" Reklami ni Zayne

"Hoy hindi boring yun!"-Stella

"Kung ibahin na lang natin yung plot? Parw may twist?" -request ni Terra

And so, ayun.. sila na yung nagplano.. wala rin kasi ako sa mood ko ngayon

"Wala ka nanaman sa sarili mo" bulong sakin ni Kirt..

"Hah? Hindi ah" sagot ko sa kanya

"Okay, magnominate na tayo ng characters!" Sabi ni Kairi

"Tingin ko bagay kay Heroine yung Juliet!"-Zayne

"Hah? Joke ba yan? Tingin nyo papayag si Heroine?" Tanong ko

"Eh di ba nga po iniba yung plot, may matapang na personality ang Juliet dahil warrior sya. So kailangan natin ng fierce na babae from 4th years.. hay, litang talaga" pailing iling na sabi ni Kirt sakin

"Kailan ba naging warrior si Juliet?" Tanong ko pero napaface palm na lang silang lahat sakin

"Iniba nga yung plot!!" Sigaw na sakin ni Stella at Zayne na nakukulitan sakin

Biglang nagtaas ng kamay si Kairi at nagsalita

"So, finalize ko lang na si Heroine ang Juliet at si Cayden ang gaganap na Romeo."

Hah?!

"Joke ba yan?!"  Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko

Tiningnan nila kong lahat ng masama

****

In the end, hindi ko alam kung bakit ako ang napiling Romeo at si Heroine naman si Juliet..

Pinagtritripan ata nila ko eh

Sa ngayon, hinahanap ko si Heroine para sabihin sa kanya yung sinabi ni Stella na sya si Juliet..

Ako ang president pero ako naging utusan nila as penalty dahil hindi ako nakikinig nung meeting

"Heroine!" Lumingon naman sya sakin pero obvious na nagdadalawang isip syang kausapin ako..

Patakbo akong lumapit sa kanya

"B-Bakit?" Tanong nya

"Ah... ano, kasi, may gaganaping play sa foundation at... at Romeo and Juliet yun... at napagmeetingan na...ikaw yung gaganap na Juliet sa play.."

Nag-eexpect ako na magrereact sya ng malakas at magtatatalak kagaya ng usual pero...

"Ayoko" lang ang sinabi nya sakin habang nakayuko saka sya nagsimulang maglakad kaya hinabol ko sya at hinarang

"please?" Sabi ko

"Hindi ako interesado sa mga kag*guhang yan, wag nyo na ko idamay jan" naaasar na tono nya na mukhang hindi naman nya sinasadya..

Napakamao yung kamay ko sa sinabi nya.

"Ano ba Heroine?! Ano bang problema mo?! Bat ka ba nagkakaganyan?!" Hindi ko sinasadyang sigawan sya. I guess, I was being stupid dahil tinatanong ko pa rin sa kanya to kahit alam ko ang sagot.

Nagkakaganito sya dahil gusto nya kong iwasan..

Halos mapatingin sa amin ang lahat ng years sa paligid..

Yumuko sya at nag-attempt na mag-apologize pero hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo ko..
"Sorr--"

"Sige! hindi na kita pipilitin, hindi ka naman ganun kahalaga.. hindi ka rin kawalan sa play na to!! Pwede ba tigilan mo na yang drama mo kasi ang sakit sa ulo!! Nakakaasar! sabagay, ang alam mo lang naman ay pasakitin ang ulo ng lahat ng tao sa paligid mo! Gusto mo ikaw lagi ang tama! WALA KANG KWENT--" natigil ako sa pagsasalita nang bigla akong sinampal ni Heroine

"ALAM KO! KUHA KO NA! WALA AKONG KWENTA!! SORRY NA NGA DI BA?!" Malakas na sigaw nya sakin

Hindi ako makakilos

Masyadong malakas yung pagkakasampal nya

Kahit ako naiinis sa sarili ko dahil sa mga salitang binitawan ko..

Well... I needed that slap, that's for sure..

Napansin ko rin yung mata nya na maluha luha at yung nanginginig na boses nya dahil sa mga sinabi ko kaya mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko..

Agad namang lumakad palayo si Heroine at iniwan ako dun mag-isa

I made her shout at me and slap me..

...but I didn't mean to make her cry like that..

"

Cayden!" Tumatakbo papunta sakin si Kairi kasama si Stella na may concern sa mga mukha nila. They probably saw what happened.

"Sorry, dapat hindi na natin sya pinilit"-Stella

"I'm fine.." sabi ko lang saka lumakad sa kabilang direksyon ng nilakaran ni Heroine

Nagagalit ako..

Galit na galit ako..

Hindi kay Heroine kundi sa sarili ko..

I'm so mad at myself knowing that I just hurt her again.

Ako yung walang kwenta..

Ms. Arrogant's Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon