Heroine's POV
"Wow, Heroine! Congrats, you made it on top 100 ! " natutuwang sabi ni Stella habang hinihila ako papunta sa bulletin board kung saan nakalagay ang top 100 students sa kabuuan ng Seniors
Let's say , among 7 sections with 50 students each.. kukuha lang sila ng top 100 para sa overall ranks.. so I guess I wasn't that bad
"Look! Top 42 ka!"
Kahit ako hindi ko ineexpect na nasama ako sa top ..
Running for top isn't my thing but it seems like, I DID change a lot .. dahil sa tulong ni Cayden
Bigla akong nakaramdam ng pagkadown nung naalala ko yung mga oras na magkasama pa kami.. nakakamiss din..
Biglang dumating si Zayne na inakbayan ako at nakitingin na rin sa bulletin
"Wow! Heroine! Totoo bang nakapasok ka sa top 50?! Congrats! Ikaw Stella? Nasa top 47 ako napadpad eh"
"Ako? Hmp! Ewan ko ba kung bakit Top 34 ako.. top 5 si ate Kairi at top 7 naman natin si Kurt... " sagot ni Stella
"Eh si Terra at Cayden?" Tanong ko naman kaya napatingin sila sa akin na parang nagulat
"Hindi ka talaga updated noon noh? Hahaha! " pagbibiro ni Zayne saka pinanggigilan yung ilong ko
"Aray! Eh hindi ko pa naman kayo kilala noon eh! Ano pake ko noon?"
"Sila ang magkalaban sa top 1 at top 2.. pero this time. Si Terra ang naging 1.. 2 si Cayden"
"Wow, they really did a good job.." amaze na sabi ko saka binalik yung tingin ko sa bulletin
Looking at this thing, I remembered ... graduation is near.. and I did a good job too.. thanks to him
*****
"So, anong plano para sa future? Gusto kong magpiloto" Tanong ni Kurt
Sabay sabay kaming naglalunch, ako, Stella, Kairi, Terra, Kurt, at Zayne.. wala si Cayden dahil for sure busy na sya para sa Graduation ng Seniors, at dahil sya nga ang president, hindi na ko magtataka kung sa buong buwam na to eh hindi kami magkita..
Last time ata na pagkikita namin yung pagbisita nya sa bahay nung huling bisita nung banana twins eh..
"Kukuha ako ng Criminology .. " sagot ni Kairi
"Police huh? Ako, Gusto kong magteacher, so I could teach kids how to read and write" nakangiti pa si Terra habang nagsasalita
"Ako , hindi ko pa sigurado eh.. I think, magnunurse ako" sabi ni Stella na parang hindi pa sigurado sa sagot nya
"Makakapatay ka lang kapag nag-nurse ka" pagbibiro ni Zayne sa kanya kaya nagtawanan kami
"Grabe! Bakit? Ikaw ba? Anong course?" Tanong ni Stella kay Zayne
"Kahit anong course na lang sakin sa college.." tamad na sagot ni Zayne
"Ikaw, Heroine?" Tanong ni Kurt kaya napaisip na rin ako
"I don't really have plans.."
"Eh ano ba yung gustung-gusto mong ginagawa?" Naglean pa si Kurt habang nag-iinterview
"Mambully" sabi ko kaya nagulat sakin si Kairi at napareact ang lahat ng gulat ng wala sa oras habang nakatingin sakin kaya tinawanan ko sya
"It was a Joke, wala pa talaga akong alam na gusto ko" dagdag ko
"Geez, Heroine.. you should decide soon." sabi sakin ni Stella
Ngumiti lang ako, but I was really bothered , hindi dahil sa wala pa kong plano sa college pero.. naalala ko, may mga sarili kaming buhay ..

BINABASA MO ANG
Ms. Arrogant's Mr. Perfect
RomanceWhen A rebel found her match, magbabago na ang magulong mundo nya. (consists 2 endings. )