chapter 24: is this the right decision?

479 16 2
                                        

---

Heroine's POV

"Heroine Salvadooooooooor" pagtatawag ni Stella sa atensyon ko na lumulutang. Nasa cafeteria kami ngayon at naglalunch

Napatingin kaming lahat kay Stella ng sabay-sabay.

"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot,

instead, tinanong nya rin ako nang may grin sa mukha

"Nanliligaw na sayo si Cliff??" Nakangiti at excited na tanong nya. Napanganga kaming lahat sa kanya.

This time, all eyes are on me.

Paano nya nalaman?!

"May gusto sayo si CLIFF?!!!!" pagdumog sakin nila Kurt, Zayne, at Kairi na may kakaibang expression ng pagkagulat

"O...o??".. priceless yung mga itsura nila sa sinagot ko

"Hindi nyo alam?" Tanong ni Stella

"Palibhasa kasi may 6th sense ka, kaya lahat napapansin mo eh" sabi lang sa kanya ni Kairi saka sumubo ng pagkain

"so, ano balak mo?" tanong nya sakin habang nakangiti. Kita rin sa mata nya ang excitement

"Hindi ko pa alam.. biglaan naman kasi" sagot ko

"Uy te! Pag-isipan mong mabuti yan.. " sabi ni Stella

Instead na magsalita pa ko, isinubo ko na lang ng pagkain.

"Hi guys!" Nagulat kaming lahat sa pagsulpot ni Zoe na muntik pa kong mabulunan sa gula

"nasan si Cayden?" Tanong nito

"Nasa klase pa.. bat napadaan ka dito?" Malamig na tanong ni Kairi

"Aww.. usapan kasi namin na sabay kaming maglalunch"

"Hindi ka ba pumapasok sa school?" Tanong ni Zayne

Oo nga no? Hindi ba to pumapasok sa school?!

"Nah.. I have my private teacher at home, pero tinawagan ko na sya na wag muna kaming magklase for today.. I wanted to make it up for Cayden kasi eh"

"Whatever" mahinang sabi ni Stella

"Oh? Heroine! Anong balita sa date nyo ni Cliff?" Tanong sakin ni Zoe and this time, nabulunan na talaga ko sa tinanong nya

"Nag'date' kayo?!" Pagrereact nung iba

"Yeah, yun ang sabi nila sa amin. Nagkita kasi kami sa mall at naabutan namin silang lovey-dovey ni Cliff tapos--"

Sinagot ko yung tinanong nya sakin para maputol na yung kadaldalan nya

"Yeah it went well.. nga pala, I gotta go na rin at kailangan kong magreview eh..sige guys, bye" pagpapaalam ko at iniwan na sila dun. Ayoko kasi na nanghihimasok sya sa business ng iba

Nung makarating ako sa classroom, saka ko narealize na naiwan ko yung bag ko dun sa pinepwestuhan ko kanina

"Aaargh!" Naaasar na tono ko kaya napatingin pa sakin yung mga kaklase ko

****

Pagbalik ko doon, napansin ko na nandun na si Cayden kasama nila.

Huminga ako ng malalim at kinausap ang sarili ko

"okey, Mai.. kukunin mo lang yung bag mo dun .. walang awkward dun, okay??" Nagrelease ulit ako ng deep sigh saka tumuloy sa loob ng cafeteria

"Oh, Heroine?" Pag-aapproach ni Kurt

"Nakalimutan ko yung bag ko" sabi ko. Hindi ako makatingin kila Zoe at Cayden.

"Dinala na nila Kairi dun.." paliwanag nya kaya medyo napahiya pa ko

I'm sure na mukha akong weirdo.

"So, kamusta pala ang date nyo ni Cliff?" Nagulat ako dahil parang bumalik na yung Cayden na palangiti .. himala din at nawala na ang sapi nya, namamansin na ulit eh

"Ah...eh...."

"Mukhang nagkakasundo kayo ah.." nakangiting sabi lang nya na sinagot ko na lang rin ng pagngiti

Bakit ganun? Sumikip nanaman yung paghinga ko? Pero at the same time, I felt all the butterflies sa tummy ko na parang sumabog nung kausapin nya ko

Nakaramdam ako ng pag-init sa mukha ko nung makita ko na ulit na ngumiti si Cayden kaya agad akong nagpaalam na at umalis

****
After school

Cayden's POV

Kausap ako nila Kurt at Zayne. Nasa bahay na kami ngayon

"Ano na balak mo?"-Zayne

"Nauunahan ka na ni Cliff ah"-Kurt

"Ano bang sinasabi nyo?" Tanong ko sa kanila habang nakahigang nagsusulat sa notebook ko

"Okay lang sayo na maging si Heroine at si Cliff?"-Kurt

"Eh bakit naman hindi? Okay naman sila diba? "

"We know.. you love her" mahinang sabi ni Kurt

Natigilan ako sa pagsusulat ko.

"Cayden.. obvious ka kaya...matagal na.. actually, kahit kanina.. Kasi nung una talaga, seryoso ka eh, nung nasa cafeteria tayo?? Mukha ka ngang wala sa sarili mo eh, tapos nagulat na lang kami na bigla kang nakitawa na akala mo gets yung pinag-uusapan namin... nun pala, nakita mo lang si Heroine and you're just showing off. Para ka talagang ewan"-Zayne

"Ako? Mukhang ewan? "

"Sus! Tingnan mo nga yang lagay mo!" Hinila ni Kurt yung notebook na sinusulatan ko "kung hindi ka affected, bakit mo pa sinusulat yung pangalan ni Heroine sa notebook mo ng paulit ulit?!" Sabi ni Kurt habang tinuturo yung pangalan ni Heroine sa notebook ko

Hindi ako nakasagot

"Eh, ano balak mo kay Zoe?"-Zayne

"Bakit dinadamay nyo si Zoe?" Kumunit ang noo ko

"Cayden, Cayden.. hindi mo naman na talaga mahal si Zoe di ba?"-Kurt

Hindi agad ako nakasagot at napayuko muna bago nakapagsalita

"Hindi ko sya pwedeng iwan, nangako na ko  sa kanya"

"Ikaw yung mismong lumilito sa isip mo, kasi hindi mo alam ang pagkakaiba ng priority sa responsibility" Zayne

"Cayden, makinig ka.. bakit hinayaan mong bumalik sayo si Zoe? Dahil lang ba naaawa ka kasi alam mo yung lagay nya? Dahil pareho kayo? "-Kurt

Inagaw ko sa kanila yung notebook ko at nahiga sa sofa

"Hayaan nyo na nga ako"

"Hayaan? Eh obvious din sayo na namimiss mo na si Heroine" -Zayne

"Eh bakit mo nga ba namimiss ang isang tao?"-tanong ni Kurt na sinagot ni Zayne

"dahil gusto mo! Gusto mo sya!!"

"May girlfriend ako mga dude. Tigilan nyo na ko"

"Ex girlfriend na hindi maiwan" -kurt

"Girlfriend" paglilinaw ko

"Masaya ka ba jan sa pinasok mo?" -Kurt

Hindi ko sila sinagot. Honestly, hindi ko alam ang isasagot ko.

"Okay, fine! Basta kami, nililinaw lang namin ah.. kapag naging si Cliff at si Heroine, wag kang magsisisi..ikaw pumili ng desisyon mo..hindi ka na namin pipigilan"-Zayne

Nagpaalam na silang dalawa kaya naiwan naman akong nag-iisip..

Hindi ko na rin alam..

Pero tama naman sila..

Hindi ko nalang maiwanan si Zoe dahil nga nangako ako na magiging karamay nya ko. Dahil alam ko ang nararamdaman nya, alam ko ang pinagdadaanan nya.

Bahala na kung anong consequences ang harapin ko..

But I'm not so sure of myself..
Am I even doing it right?

Ms. Arrogant's Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon