chapter 29: indirect confession

558 20 2
                                        

Heroine's POV

Nagising ako sa ingay na narinig ko sa kwarto kaya dinilat ko yung mata ko.

Laking gulat ko nung mukha nung kambal kong step(-step?) siblings ang nakita ko kaya napabalikwas ako ng bangon

"Wah! Anong ginagawa nyo dito?!" Nagkatinginan lang sila saka ngumiti sa akin.

"Good morning ate!"

"Goodmorning kayo jan! Paano kayo nakapasok dito?!" Biglaan kasi to. Ni hindi ko nga alam kung paano sila nakarating dito eh

"Umalis sila mama at papa papuntang switzerland, they say that they needed to work there kaya iniwan nila kami kay kuya" sagot ni B1 sa akin

"Oh, eh nasaan si Kupal na kuya nyo?"

"Umalis na po pagkahatid sa amin dito, sabi nya busy daw sya ngayon at hindi kami mababantayan" nakangiting sabi naman ni B2

Napa-face palm na lang ako dahil alam ko namang magpapakasarap lang sa gala yung magaling kong step brother.. tch.

Biglang nagtaas ng kamay si B2 "ate Mai, I have a question"

"Ano yun?"

"What does 'kupal' mean?" She asked as she tilted her head

"Malalaman mo rin yun after 15 years"

I'm not really in the mood para magpaliwanag pa sa kanila kasi for sure magkaka-idea na sila kung ano ibig sabihin nun paglaki nila -_-

"Ate! May tanong din ako!" Nagtaas din ng kamay si B1

"Oh, ano namang problema mo?"

"Nasaan si kuya Princey? Hindi ba kayo magde-date ngayon?" Bigla ko syang binatukan

"Hoy, bata ka! Andami mong alam ah" sabi ko saka bumalik sa pagkakahiga ko para matulog ulit

"Ate Mai, I want to see kuya princey!" Sabi ni B2 habang inaalog ako

"No"

"Please!"

"Me too!" Singit naman nung isa at nakisali na rin sa pag-aalog sakin

"No!"

"Ate please!"

"Please! I want to play with him!"

"No!!"

"Ateeeee!"

"Can't you understand what 'no' means?!"

"Pleeeeeeease!!!" Then they looked at me with those puppy eyes.

"Aaaargh!"

Napakamot na lang ako ng ulo sa irita sa kanila saka bumangon para magdial sa phone ko nang biglang tumunog yung doorbell kaya pinuntahan ko muna para icheck kung sino yun

"C-Cayden?!"

"Oh ba't parang nagulat ka? Aren't you the one who wanted me to be be here?"

How the heck did he know?!

"Ah! It's kuya pirncey!! Wow! He's fast!" Sigaw ni B2 sabay takbo kay Cayden kasunod si B1

"Hey Princesses" bati ni Cayden sa dalawa kasabay ang pag abot ng dunkin donuts sa kanila.

"Teka! Eh hindi ko pa nga nadadial yung number mo eh!" Sabi ko

"Si Red ang nagsabi sa akin na kailangan mo daw ng katulong kila Serrah at Ciara, busy ka daw kasi kaya sya na ang tumawag sa akin at sinabi nyang pumunta ako dito"

Sheesh! Red is reaally stuupid!!! Why make decisions on his own?! Tapos ginamit pa nya yung magandang pangalan ko sa kalokohan nya >_< that stupid step brother of mine!

Ms. Arrogant's Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon