chapter 22: His Choice

436 19 3
                                    

----

Cayden's POV

Umiiyak si Terra habang naghihisterical pa rin

"Si Heroine! Si Heroine!! Please, tulungan nyo sya!!" Sabi nya habang hawak ko sya

Patakbong lumapit na rin sa amin sila Stella para pakalmahin. Pinainom sya ni Kairi ng tubig

"Anong nangyari ?" Mahinahong tanong ni Kairi

"K-kasi, may mga nakapasok sa school na delinquents.. K-kasama sila nung sinita ni Heroine dati at..at..may..may ggawin sila kay Heroine.." Nanginginig na sabi nya na diretso pa ri ang pag-iyak

"Kasalanan ko.. Kasalanan ko... Sorry.. Sorry talaga.." Pag-uulit ni Terra

"Terra, wala kang kasalanan" sabi ko para mapakalma sya

"Nasaan sya?" Tanong ni Zayne

"Sa washroom sya dinala nung mga lalake.." pagkasabi nya , nagmadali agad kaming mga lalake papunta kay Heroine at nag-stay yung mga babae kay Terra

Sinasabi ko na nga ba, may masamang nangyari

Bigla ko lang naramdaman na pinigilan ako ni Zoe habang hawak yung damit ko

"Will you go too?" Tanong nya sakin

"I have to" sagot ko saka ko inalis yung pagkakahawak nya sa akin at tumakbo para sumunod kila Cliff

-------

Cliff's POV

Nakarating kami agad sa washroom at tinulak yung pinto

"Nakalock!" Sabi ni Kurt

"Heroine! Anjan ka ba??" Sigaw ko

Nagulat na lang kami nang biglang banggain ni Cayden yung pintuan para masira at makapasok kami..

Nang tuluyan nang masira yung pinto. Nagulat kami sa naabutan namin..


Mukhang okay naman si Heroine ...

Naabutan namin na napataob na nya yung mga lalake.. actually, yung isa hawak pa nya sa kwelyo..

Napatingin sya sa amin

"oh, bat nandito kayo?" Tanong nya samin

Humupa yung kaba ko nung makita syang okay, though may mga galos sya sa katawan..

Papalapit pa lang ako sa kanya pero..
Nagulat na lang kami nung batukan sya ni Cayden

"Hoy aso!! Ano bang problema mo?!!" Sigaw nya kay Cayden, hindi naman sya sinagot nito ..

instead, inakap sya ni Cayden kaya hindi na rin sya nakapagsalita.

"Thanked God" bulong ni Cayden

Nagkatinginan kaming tatlo nila Kurt
"wala na yata tayong gagawin dito eh"

"Oo nga.." pagsang ayon ni Zayne sa amin

"Tara na??"

"Teka, ayokong masayang pagpunta natin dito.. " tumingin kami ni Kurt kay Zayne saka nagngitian at nilapitan yung mga binubog ni Heroine para bugbugin for the second time saka namin dinala sa office at ipinaliwanag ang nangyari..

Idinaan naman namin ni Cayden si Heroine sa Infirmary para ipa-treat yung galos nya sa buong katawan

Napansin ko yung leeg nya na may galos din..

"Anong ginawa nila sayo? Bakit may sugat ka sa leeg?" Seryosong tanong ko

Napahawak sya sa leeg nya "hindi ko na naramdaman to. Baka nung lumaban na ko nadaplis yung kutsilyo"

"Kutsilyo?! Next time kapag ganun wag ka ngang lumaban!" Sabi ko.

"Eh kasi! Ano eh! Kasi..." Nag-iisip pa sya ng irarason nya..

Si Cayden tahimik pa rin at nakayuko sa sulok..

Sakto namang dumating yung nurse kasabay sila Zayne at Kurt

***

Bumalik na kami sa auditorium para i-check kung ano nang nangyari sa play after namin manggaling sa infirmary

Nagsubstitute na pala si Kairi bilang Romeo kaya mukhang okay pa rin naman. Pumunta kami sa backstage at pagkakita sa amin ni Terra patakbo nyang sinalubong si Heroine ng akap at gayundin si Zoe na agad lumapit kay Cayden

Teka, andito na pala si Zoe?? Hindi ko sya agad napansin.

"Waaaah!!! HEROINE!! buti okay ka lang!" Umiiyak pa rin si Terra pero mukhang relieved na yung tono nya

"To naman! Grabe kang mag-alala ah.. syempre, kaya ko naman sila eh..Aikido master ata to" confident na sabi nya

"Teka, puro ka sugat.. "tinuro ni Terra yung marka sa malapit sa leeg ni Heroine

"Ah eto?? Nakuha ko to nung nanlaban ako.. kailangan eh, pero mas okay na na nakuha ko to kaysa makuha nila yung isang bagay sakin noh" pagbibiro nya

Sa nakikita ko, talagang okay lang si Heroine kahit may mga sugat..

Haaay, iba talaga tong babaeng to..

Lumabas na ko doon para magpahangin. Pumunta ako sa rooftop habang umiinom ng soda. Napansin ko na nandun si Cayden at Zoe

"So this is it? We're going to end it like this?"

"I'm sorry Zoe"

Hinawakan ni Zoe yung kamay ni Cayden

"Hindi mo na ba ko mahal? Sabi mo hihintayin mo ko!"

Yumuko lang si Cayden sa tanong ni Zoe. Halata mong nalilito sya at hindi alam ang isasagot. Nag-umpisang humikbi si Zoe

"Please , wag muna.. Eto na oh.. Bumalik na ko.."

"Pero, Zoe"

"Please Cayden.. please.. I need you." Desperate na umiiyak si Zoe

Hindi sumagot si Cayden

****

Naiwan kaming dalawa ni Cayden sa student council room nung hapon.

Magkakasabay na umuwi sila Heroine at yung iba. Si Zoe, sinundo na rin ng service nya.

At kami ni Cayden, andito pa rin . Sinadya ko na magpaiwan dahil gusto ko syang kausapin

"So, you're back with her?" Tanong ko

"Huh? Uh... yeah.. "

"Tch.. pero iniwan ka nya noon"

"Dahil nga Trabaho nya.. model nga sya di ba? Busy lang talaga"

"Eh paano na si Heroine?" Tumingin sya sakin saka napayuko

"Bakit sya nasama dito?"

"Di ba gusto mo sya?"

"Paano naman si Zoe ?"

"Ano bang sagot yan?!"

"..." hindi na sya nagsalita

"Dahil lang bumalik si Zoe kaya hahayaan mo na ulit si Heroine? Ganun ba yun?" Medyo nagtataas na yung boses ko. Hindi sya nakasagot

"I'm dating Zoe right now. She needs me"

"G*go! Tigilan mo ko sa ganyan. " natahimik kaming dalawa. Huminga ako ng malalim

"Sigurado ka na ba?" Tanong ko na sinagot ni Cayden ng pagtango

"Okay, fine.. you had your decision.. " sabi ko lang saka iniwan dun si Cayden

Matino akong kausap.

Binigyan ko sya ng chance kay Heroine, pero dumating lang si Zoe, nagbago nanaman ang isip nya

Cayden, I wont lose this time

Ms. Arrogant's Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon