asar na asar ako habang nagliligpit ng gamit ko.
Ngayong gabi na kasi ang alis ko sa bahay ni Cayden..
bakit ako naaasar?! hay! itanong nyo dun sa walang kwentang aso!
-----Flashback
"I'll be moving out tonight, hindi mo ba ko mamimiss?" pagbibiro ko kay Cayden habang naglalakad kami pauwi.. I want to hear that he'll miss me kahit konti ..
tumawa sya "bakit naman kita mamimiss?eh magkikita pa naman tayo sa school di ba?"
----end
g*go talaga yun! okay lang sana na sabihin nyang hindi nya ko mamimiss pero yung tawanan nya yung tanong ko?? nakakabwisit lang!!
"oh, ano, ayos ka na jan? tumawag sakin papa mo, di mo daw kasi sinasagot cellphone mo, malapit na daw sya" sabi ni Cayden na kapapasok lang sa kwarto
tiningnan ko ng masama si Cayden
"oh? problema mo?" Nagtatakang taning nya sakin
"wala" malamig na sagot ko at tinuloy lang ang ginagawa ko.
"ah, sige.. tuloy mo na yan" sabi lang nya at lumabas ulit ng kwarto
tumingin ako sa pintuang dinaan ni Cayden tapos binalik yung tingin ko sa mga gamit ko na inaayos ko at napabuntong-hininga.
Sabagay, bakit nga naman nya ko mamimiss?
Di ba?
---Cayden's POV
pumunta ako kay Heroine para sabihin sa kanya na tumawag sakin ang papa nya para sunduin sya, busy kasi sya ngayon na ayusin yung gamit nya
"oh, ano? ayos ka na jan? tumawag sakin papa mo, di mo daw kasi sinasagot cellphone mo,malapit na daw sya" sabi ko
nagulat na lang ako nung tingnan nya ko ng masama.
Ne? Problema neto?
"oh? problema mo?"
"wala"
"ah, sige.. tuloy mo na yan" sabi ko na lang bago lumabas ng kwarto
pagkalabas ko, nakahinga ako ng maluwag
...
Grabe...
.. nakakatakot naman kasi yung tingin nya sakin kanina, kala mo papatay eh!
medyo inawang ko yung pinto nya at sinilip sya..
medyo worried din ako sa kanya kasi iba ang aura nya simula pa kaninang hapon ...
matapos ko syang silipin, lumakad na ko papunta sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili ko sa kama
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kisame
I'm gonna miss her..
-----back to Heroine's POV
katatapos ko lang mag-ayos ng gamit kaya nahiga na muna ko..
ugh, I'm bored..
kinuha ko yung bag ko at nagbuklat ng notes tapos may bumagsak na nalaglag mula doon..
"This is...."
It's my old diary.
lagi ko syang dala dahil gusto ko syang basahin pag kaya ko nang kilalanin at alamin kung sino si 'Mary Heroine' noon bago sya magkaAMNESIA,
yun nga lang natatakot ako na baka hindi ko makilala yung sarili ko noon dahil may sarili na kong buhay ngayon..
huminga ako ng malalim bago buksan yung diary ko

BINABASA MO ANG
Ms. Arrogant's Mr. Perfect
RomanceWhen A rebel found her match, magbabago na ang magulong mundo nya. (consists 2 endings. )