---
Heroine's POV
Nagising na lang akong nakahiga sa isang kama ,
Nasaan ako? Resthouse?
Bumangon ako kasabay ang pagkalaglag ng bimpo sa ulo ko,
Wala na kong matandaan,
Ang naaalala ko na lang, kasama ko si Cayden kanina habang naghihintay sa waiting shade, then sinabi ko na umidlit muna sya tapos..ano nang nangyari?"Herooooiiine! Thanked God you're okay na!!" Pagsigaw ni Stella habang palundag na nagpunta sa tabi ko mula sa kabilang kama nang mapansing gising na ko
"Wha-?! Sunog?!" Gulat na sabi ni Terra na nagising sa sigaw ni Stella
"Terra, ate Kairi , look! Gising na si Heroine! " excited na tono ni Stella, si Tera naman agad na kinapa yung salamin nya sa table sa side ng kama nya kahit half asleep pa sya,
si Kairi tumabi sa akin sabay kapa sa noo ko "mukhang okay ka na. Tulog lang pala kailangan mo."
"Anong meron?" Tanong ko tapos bigla akong hinampas hampas ni Stella
"Aray! Bakit ba?!"
"Kaw babae ka! Pinag-alala mo kami..sobra !"
"Gabi na kasi kayong dumating ni Cayden dito kagabi tapos wala ka pang malay kaya buhat ka nya, kala namin kung ano nangyari sayo eh" paliwanag ni Terra habang nagtitirintas ng buhok ,
Binuhat ako ni Cayden ?
Lumapit si Terra samin tapos hinawakan nya yung noo ko "oo nga, bumaba na yung temperature mo.. pwede na tayong magswimming sa beach after mo makapagpahinga pa ng konti" Nakangiting sabi nya
"Nag-aalala ba kayo sakin?" Tanong ko sa kanilang tatlo kaya nagkatinginan sila , ngumiti sakin si Stella "syempre, kaibigan ka namin, malamang mag-aalala kami"
Ngumiti lang din ako sa kanila,
wow.. it's really nice to have friends like them..
"nga pala, magpahinga ka muna para makasama ka sa pagluluto ng s'mores" nakangiting sabi ni Kairi
Tumango lang ako sa kanila
"Alas syete na rin pala ng umaga.. maybe we should start cooking breakfast" sabi ni Kairi na nakatingin sa relo nya. Umagree naman yung dalawa.
"Get well!" Sabi ni Stella bago sila lumabas
S'mores huh?
Naeexcite na ko.. pero kailangan ko munang magpahinga para hindi ko na maspoil pa yung pagpunta namin dito.
Papahiga na ko nang naramdaman ko yung pagbukas ng pinto, medyo nadisappoint lang ako dahil ibang tao yung nagbukas
"Good morning"
"Oh, Cliff.."
"Chinecheck ko lang kung okay ka na.. para ka kasing lantang gulay kagabi.." pang-aasar nya
"Nandito ka ba para asarin ako?"
"Not really.. nag-alala lang talaga ko sayo kahapon.. " pumasok sya na may dalang cereals for brekfast para sakin
Nag-alala? Sya? Kanino? Sakin? Seryoso?
"Breakfast." Nakangiting sabi nya saka pinatong sa table yung pagkain
"Thanks"
"Gusto mong subuan kita?" Pag-ooffer nya
"Hah? Hindi, okay lang.."
"Susubuan na kita.. say 'aaaah'" halata sa mukha nyang pinagtritripan ako na para bang isa akong bata
"Cliff!"

BINABASA MO ANG
Ms. Arrogant's Mr. Perfect
RomanceWhen A rebel found her match, magbabago na ang magulong mundo nya. (consists 2 endings. )