"Heroine.."
Bumalik sa realidad ang utak ko at tumingin sa likod ko
nakita ko si Cliff dun na dakay yung motor nya.
Agad akong nagpunas ng luha ko.. di nya naman siguro nahalatang umiiyak ako dahil madilim na.
"Bat andito ka pa?" Tanong ko sa kanya pero nakatulala pa rin sya sakin pero natauhan din agad .
"h-hah?? Ano.. ah... teka! Di ba dapat ako yung nagtatanong nyan sayo? "
Inistand nya yung motor nya at naglakad palapit sakin
"bakit di ka pa umuwi? Kamusta si Cayden?"
"Uh?" Nagkamot muna ako ng ulo para mag isip ng sasabihin
"okay naman sya..siguro" nakayuko ako
tumango tango naman sya na hindi mo maintindihan kung nasatisfy ba sa sagot kong walang kwenta
"Hey" tawag nya pero hindi sya nakatingin sakin "wanna go somewhere?" He asked
*****
Naka-angkas ako sa motor nya at ako naman nakahawak sa likod ng jacket nya
"San tayo pupunta?"
"Kahit saan" sagot nya saka mas pinabilis ang takbo ng motor..
Naalala ko bigla si Cayden..
Geez, bakit kailangan ko syang alalahanin?
Dinukdok ko yung ulo ko sa likod ni Cliff, ambigat kasi ng pakiramdam ko. How am I able to face him tomorrow kung nagkakaganito ako?
It hurts...
****
Huminto kami ni Cliff sa isang lugar na hindi familiar sakin
Inalis nya yung helmet sa ulo ko
"Follow me" his voice was husky, malamang dahil sa lamig..
whatever he's thinking, I have no Idea but I followed him anyway,
Few minutes, marahan nya kong siniko
"Hm?" Tumingin ako sa kanya
"Wag ka ngang nakayuko lang, tumingin ka sa harap"
At sumunod ako at tumingin paharap and then...
I was mezmerized.
"Fireflies...?" amazed na sabi ko ,
Pakiramdam ko nanatili lang akong nakanganga .. bigla kong nakalimutan yung bigat ng pakiramdam ko kanina
"Nasaan tayo?"
"Secret" he replied smiling boyishly at me,
tapos hinila nya yung kamay ko at nagpunta kami sa iba pang bahagi ng lugar na iyonHindi ko alam kung nasaan kami pero ang alam ko na lang, may inaakyat kami kasabay yung mga alitaptap hanggang sa makarating kami sa tuktok at mas na-amaze pa ko nang makita ko yung pagkaaliwalas ng langit..
Sobrang aliwalas ng langit at kitang kita rin ang ilang meteor showers..
"Just like what they said.. there'll be meteor showers tonight" confident na sabi nya
"It should have been just me be tonight pero dahil mabait ako, pasalamat ka at sinama kita" pagbibiro nya. Probably to cheer me up
Napakagat-labi ako at biglang tumulo yung luha ko..
Tumingin sya sakin at ngumiti. Hindi na sya nagulat, obviously, he knew I was going to cry
"I'm sorry.., hindi ko na lang talaga mapigilan.." Sabi ko. Napatakip ako ng bibig ko at tuluyan nang umiyak.

BINABASA MO ANG
Ms. Arrogant's Mr. Perfect
RomanceWhen A rebel found her match, magbabago na ang magulong mundo nya. (consists 2 endings. )