---------
Heroine's POV
Natatawa na lang ako kung paano ako batukan nila Stella at Kairi after nung nangyari.
Grabe mag-alala sakin tong mga to.
Si Terra, umiyak pa pala kaya ayun to the rescue naman sila Zayne, Cliff, Kurt at Cayden..
"..."
Napahawak ako sa dibdib ko nung naalala ko kung paano ako yakapin ni Cayden .. sobrang higpit na halos ayaw na nya kong pakawalan..
Pakiramdam ko, nararamdaman ko pa rin yung init nung katawan nya hanggang ngayon.
Teka, ano ba tong iniisip ko.
Bigla akong napasampal sa sarili ko.
"Oh? Bakit sinapak mo sarili mo?" Tanong sakin ni Kurt na medyo naweweirdohang nakatingin sakin
"Nakulangan ka pa yata ng sapak dun sa mga ugok kaya pati sarili mo sinasapak mo" natatawang pagbibiro ni Zayne
Tumawa naman sila..
pauwi kami ngayon at plinano nilang samahan muna ako para masiguradong okay na ang safety ko.
"Buti nakayanan mo silang lahat" bilib na sabi ni Stella
"Oo nga! Paano mong ginawa yun?" Tanong ni Kairi
"Maybe because, I learned Aikido?" Sagot ko
"Pero, kahit na. Andami nila ha."
"Well.... kasi......nagdilim yung paningin ko nung hinawakan nya yung dibdib ko at..at.." nahihiyang sabi ko
"At tapos??" Sabay sabay na tanong nila habang nakatingin sakin at inaantay yung susunod na ikekwento ko
"At, sinabi nyang flat ako kaya akala ng mga nakahawak sakin lalaki ako kaya binitawan nila ako..tapos yun... pinagtatatadyakan ko sila.." para bang may disappointment sa tono ko.
Tumingin ako sa dibdib ko at nagdefense ng side ko
"may laman naman ah! Di ba?!"
Hindi naman na nakapagsalita tong mga kasama ko
(" -________-) --ganyan yung mga itsura nila.
Tumawa si Zayne na mukhanh nagpigil ng tawa
"Grabe! The power of flats.."
Hindi man lang nila sinagot yung tanong ko
"Dahil sa pagiging arogante ni Heroine, naligtas nya yung sarili nya" sabi lang ni Kurt kaya nagtawanan sila
Anong ibig nyang sabihin dun?!
"Uh, Heroine , okay ka pa ba?" Concern na tanong ni Terra
"Syempre naman.."
Tumingin sya sakin ng may halong lungkot sa mga mata nya.
"No, I mean, about dun kay Zoe.. they're back together"
Natigilan ako at hindi agad nakasagot sa kanya. Yun pala ang tinatanong nya.
Ako? Hindi ko alam. Siguro nga, okay ako. Pero hindi ako sigurado.
Hindi ko alam ang isasagot ko kay Terra at nanatiling tahimik.
"Bakit kasi bumalik pa yung babaeng yun!" Sabi naman ni Stella
"Since anak sya sa labas, hindi siguro mapakali sa kanila" paliwanag ni Kairi
"Huh? Anak sa labas si Zoe?" Tanong ko
"Yeah.. actually pareho sila ng pinagdadaanan ni Cayden.. nung una, dun din sya nakatira sa totoong nanay nya pero kinuha sya ng daddy nya.. " sagot ni Kairi
BINABASA MO ANG
Ms. Arrogant's Mr. Perfect
RomanceWhen A rebel found her match, magbabago na ang magulong mundo nya. (consists 2 endings. )
