Heroine's POV
nagising ako at napansin si Cayden na nasa tabi ko..
Parang nakuryente ako sa gulat at mabilis na umalis sa pwesto ko
"A-anong meron? Bakit andito to?" Tanong ko sa sarili ko, saka ko naalala...
Oo nga pala..
He was here last night para samahan ako.Ngumiti ako nang maalala ang nangyari kaya lumapit ako at ikinunit sa kanya ang nalaglag na blanket na nakakumot sakin kanina.
napatingin ako sa bintana, maaraw na. wala na kong dapat ipag-alala.
napatingin ako sa tulog na si Cayden tapos natawa na lang ako kasi mukha pala kaming tanga dun sa Cabinet.
but besides that, he looks so comfortable.
Just look at that sleeping face of his.
kumuha ako ng marker at nagsulat sa mukha nya tapos pinicturan ko habang pinipigil ko yung pagtawa ko.
napansin ko ang oras, 8:30 na ng umaga , hindi pa kami nag-aagahan..
ako na lang kaya magluto?? kaso baka lason naman yung kalabasan..
pero, I'll never know unless I Try, right?
naglakad ako papunta sa kitchen at binuksan ang fridge.
nahilo naman ako sa dami ng ingredients.. grabe, nakakalito, pano naman ako makakapagluto kung nalilito ako kung paano gamitin tong mga to? pambihira!
naghanap ako ng cookbook pero wala akong nakita -_- what the? paano sya natuto magluto ??
naalala ko na baka si Ate Steff nya meron kaya naghanap ako ,
naghanap ako ng cookbook pero wala pa rin..sa kwarto kaya ni Aso??
nagpatuloy ako sa paglalakad at pumasok sa kwarto nya, saka ako naghalungkat..
marami syang books na plain color lang yung cover kaya yung iba binuklat ko pa para icheck kung cookbook ba yun..
suddenly may nalaglag dun sa isang binuklat ko..
pinulot ko at tinignan kung ano yun..
"picture??" nagulat ako nang mapansin kong si Cayden yung nandun , ang bata pa nyang tingnan dito, nakakatuwa naman. pero, sino tong kasama nya dito?
inaanalyze ko pa rin yung picture nang may nagdoorbell kaya ibinulsa ko muna yung picture at bumaba para tingnan kung sino yung nagdodoorbell
pagbukas ko, nakita ko yung student council at... isang bata??
"sino ka?" tanong sakin nung bata na parang kasing taon lang ni Red o mas bata?? hindi agad ako nakapagsalita dahil si Cayden gising na pala ay biglang sumingit
"waaaahhh! Heir! binisita mo si Kuya?? na-miss kita!" parang batang sabi nya sabay akap kay Heir na walang expression
"kuya, may mga bisita ka rin pala.."
tumingin naman si Cayden dun sa student council.. sure ako na sila yung student council kasi kasama nila si Terra na member .
"yo/Goodmorning" sabay sabay nilang sabi tapos napatakip sa bibig yung dalawang lalaki na halata mong natatawa kaya pasimple silang siniko nung mga babae na halata mong nagpipigil din ng tawa
"ano ba kayo.." bulong ni Terra
"Kuya, napano yang mukha mo??" tanong ni Heir
"hah bakit?"
BINABASA MO ANG
Ms. Arrogant's Mr. Perfect
RomansaWhen A rebel found her match, magbabago na ang magulong mundo nya. (consists 2 endings. )