I'm Cayden, a boy who thought that I already knew everything, until nakilala ko si Heroine..
Since the day na naging kaibigan ko sya, my everyday seems different. I realized that there are things that I still don't know.
She taught me how to smile,
Hindi naman ako palangiting tao,
Ayoko ring nakikisama sa iba..
Pero humanga ako sa kanya,
Unti-unti.. nagkagusto ako sa kanya..
Pero, bago ko pa man yun masabi sa kanya,
Nalaman ko na lumipat na sila sa ibang lugar dahil sa trabaho ng daddy nya..
Hinanap ko sya,
Pero hindi ko na sya nakita..
Nung 3rd year highschool na ko,
Nagsarili na ko at humiwalay kila papa..
Yung bahay na tinitirhan ko, bahay yun ng mama ko..
Wala na si mama,
Namatay sya nung mabaliw baliw sya dahil kinuha ako ni papa sa kanya..
Anak lang naman kasi ako sa labas at dahil kumalat ang issue na yun kaya nagdesisyon si papa na kunin ako para linisin ang pangalan nya..
****
Sa paglipat ko ng bahay, binago ko rin ang buhay ko..
Iniwan ang lahat sa nakaraan..
Sa paglipas ng panahon, nakilala ko si Zoe..
Anak rin sya sa labas kagaya ko, naintindihan ko lahat ng pinagdadaanan nya kaya ako ang naging sandalan nya..
Hindi nagtagal, naging kaming dalawa na..
Gusto ko rin naman sya,
Isa rin sya sa patunay na ito na yung bago kong buhay pero hindi rin kami nagtagal..
Model kasi sya at maraming nalilink sa kanya, kumalat din ang balitang may iba sya at isang araw na lang, wala na kaming communication.. hindi ko alam kung kami pa ba o hindi na
****
Buwan ang lumipas nang may isang transfery student ang dumating sa eskwelahan..
Kilala ko sya,
Yung mata na yun, yung ilong, labi.. lahat.. pamilyar sya..
Nakaramdam ako ng tuwa lalo na nung narinig ko yung pangalan nya
"Ako si Mary Heroine Salvador, kung nagtataka kayo kung bakit ako nagtransfer, sige sasabihin ko... drinop ako ng dati kong school dahil sinuntok ko yung teacher.. binarayan ni papa ang school na to para tanggapin ako " pakilala nya
Hindi ako makapaniwala na nakita ko ulit sya..
Pero may kakaiba sa kanya. Hindi na sya ngumingiti gaya ng dati..
Iba na rin yung mga kilos nya, kahit yung mga tingin ng mata nya
Nung lunch time, lumapit ako sa kanya pero inirapan lang nya ko saka nilayasan, sinubukan kong magpakilala pero hindi pa rin nya ko kinausap..
Nagtaka ko, nakalimutan na nya kaya ako?
Hindi sya yung kilala kong Heroine. Ibang tao na sya.
"Hindi mo ba ko natatandaan?"
"Bakit naman kila kailangang kilalanin? Tigilan mo na ko" yan ang lagi nyang isasagot sa tanong ko..
Aroganteng arogante, hindi man lang ngumingiti.. namimiss ko na yung mga ngiti nya

BINABASA MO ANG
Ms. Arrogant's Mr. Perfect
RomanceWhen A rebel found her match, magbabago na ang magulong mundo nya. (consists 2 endings. )