-------
Cayden's POV
"Ano bang sinasabi mo?" Natatawang tanong ko kay Cliff..
Lumuwag naman yung pagkakahawak nya sa kwelyo ko at bumalik sa pwesto nya
"Sorry, I shouldn't have done that.." sabi lang nya saka sya huminga ng malalim
Nakatingin lang ako sa kanya
"All I'm saying is.. Alam kong may pagtingin ka kay Heroine at ganun din sya sayo.. Pero bakit? Bakit wala kang ginagawa para sa inyong dalawa?"
"Gusto mo rin naman si Heroine di ba? Bakit hindi ka rin gumawa ng paraan?"
"Iba yung issue mo, iba yung sakin.. Pero mas gusto kong maging masaya si Heroine kaya nga sinasabi ko to sayo.. Ano bang kinakatakot mo? Hinihintay mo pa rin ba si Zoe? Tch.... Hindi na babalik yun.. At kung bumalik man sya, hindi mo na sya ubligasyon .. Matagal na kayong tapos simula pa lang nung iwan ka nya... At isa pa, si Heroine.. Hindi sya yung tipo ng babaeng na one in a million , sya yung tipong once in a lifetime mo lang makikilala.. Papalagpasin mo pa ba yung pagkakataon?"
Sa dami ng sinabi nya, talagang wala na rin akong masabi.. Ngumiti lang sya sakin at may inabot.
"Cellphone..?" -ako
"Pakisoli sa kanya.. nagawa ko na yung part ko para magpaliwanag sayo. The next step is up to you" nakangiting sabi nya
Inunlock ko yung phone at nagulat ako sa nakita ko
"Is this...?"
"Yeah, it's you.. she likes you more than you ever know kahit mukha kang tanga minsan " sagot sakin ni Cliff, nangiti naman ako sa nakikita ko sa wallpaper..
It's me with drawings all over my face.. I wonder kung kailan ako pinicturan ni Heroine ng puro drawing sa mukha? (Refer to ch.9)
"Baliw talaga yun" bulong ko without knowing that I was smiling like an idiot
"Hurry up and find her.." sabi ni Cliff , tumango ako sa kanya.
tumayo ako at tumakbo pero bago pa ko makalabas ng kwarto bigla nyang tinawag yung pangalan ko
"Jax Cayden!" Kaya huminto ako at tumingin sa kanya
"Ito lang yung chance na ibibigay ko sayo, hindi na kita pagbibigyan sa susunod" sarcastic na sabi nya kaya ngumiti ako sakanya
Tinuloy ko na ang pagtakbo ko para hanapin si Heroine .....
****
Cliff's POV
Pagkaalis ni Cayden , binagsak ko yung sarili ko sa kama
"I was... really stupid..." bulong ko
Tinakpan ko ng unan yung mukha ko saka ko sumigaw ng malakas
"AAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!"
So, there I have it..
I just told Cayden everything
Alam ko naman kasi na gusto din nya si Heroine even before I've started to like her
Noong una ko syang nakita, akala ko talaga baliw sya dahil sa pagpukpok nya ng sapatos nya sa kotse ko ..
Nasa isip ko, ayoko na ulit makasalubong ng babaeng ganun, pero...
Nagulat ako dahil sa ikalawang pagkakataon, nagkita ulit kami, hindi ko ineexpect yun at hindi ko rin ineexpect na maaalala nya ko..
BINABASA MO ANG
Ms. Arrogant's Mr. Perfect
RomanceWhen A rebel found her match, magbabago na ang magulong mundo nya. (consists 2 endings. )
