Heroine's POV
Tumatakbo ako sa hallway dahil sa pagmamadali.
Nasa gate kasi si Cliff at nagplano kami na magpunta sa kung saan.. ewan ko..basta sabi nya may mga musical instruments daw dun ..
Sa pagmamadali ko, muntik kong mabangga sa Cayden na kasalubong ko sa pagliko sa bandang hagdanan
"sakto! Pahiram nga ng ballpen, meron ka ba?" Tanong nya sakin..
Agad ko namang kinapkap sa bulsa ko yung ballpen ko at iniabot sa kanya. Sya naman, may mga inayos sa records na hawak nya at may pinirmahan
Actually, surprised ako na nahahandle ko yung mga situation na ganito ng hindi na naaawkward.
So , congrats sakin dahil gumagana na yung utak ko
"Di ka pa tapos?" Halata sa boses ko ang pagmamadali
"Wait lang, nawawala kasi ballpen ko kaya hindi ko agad to napirmahan, pero since may ballpen ka , kailangan ko na ring pirmahan to para pagdaan ko sa office, maipass ko na rin" sabi nya -_-
Anong klaseng esudyante ba to? Walang ballpen
"Nagmamadali ka ba?" Tanong nya sakin
"Oo eh, pupunta kaming music studio"
"Kasama mo sila Terra?"
"Si Cliff kasama ko.. oh sya, una na ko! Sayo na yang ballpen ko. Babye!" Itutuloy ko na sana yung pagtakbo ko pero nagulat ako nung hawakan ni Cayden yung braso ko
Bakit ba bigla na lang nya kong hinawakan?
"Bakit?" Tanong ko, nakatingin lang sya sakin
"P-paano tong ballpen mo??"
"Tss.. hindi na, sayo na yan! Sige na, mauuna na ko" sabi ko pero hindi pa rin nya ko binibitawan
"Bitawan mo na kaya ako"
"Hindi, huntayin mo na rin"
"Hindi na.. kung gusto mong isoli, bukas na lang.. magkikita pa naman tayo" hindi pa rin sya bumibitaw
"Huy! Ano ba? Cayden??" Parang natauhan sya bigla at dahan dahan akong binitawan
"B-bawal kasi tumakbo kapag nasa hagdanan" sabi nya pero hindi sya nakatingin sakin
"Sus! Hindi ko alam yung rule na yun eh! Ge!" Pagpapaalam ko habang tumatakbo na para bang walang narinig.
Pagkarating ko sa gate, binatukan pa ko nung siraulong Cliff kaya ayun, binatukan ko rin sya.. quotang quota na eh!
--**
Pagdating sa studio. Sobrang tuwa ko dun sa mga musical instruments
"Wooooo! Heaven!" Sigaw ko habang tumatakbo .. first time ko kasi nakapasok sa ganito
"Kung makapagsabi ka ng heaven, kala mo marunong tumugt--" natigil sa pagsasalita si Cliff nung pinatugtog ko yung organ. Nagulat ata sya.
"Marunong ka pala?" Gulat na tanong nya
"Bilib ka no?" Confident na sabi ko matapos patugtugin yung unang part ng Fur Elise ni Beethoven
Napagtripan ko yung drums kaso, dun ako hindi marunong kaya tinuktukan ako nung isa nung muntik ko nang mabutas yung drum sa lakas ng palo ko
Pinakealaman ko rin yung violin pero hinawakan ko lang.
"Cliff!" Initsa ko sakanya yung cellphone ko
" Picturan mo ko dali!" Sabi ko saka nagpeace-sign
"Ang panget!" Natatawang sabi nya.
Sinubukan kong patunugin yung violin pero ang sakit pala sa tenga kapag hindi ka marunong..

BINABASA MO ANG
Ms. Arrogant's Mr. Perfect
RomanceWhen A rebel found her match, magbabago na ang magulong mundo nya. (consists 2 endings. )