chapter 16: heartbeats

565 18 3
                                    

Heroine's POV

"Please! CAYDEN!" Para kong nagdadasal sa poon dahil sa ginagawa ko ngayon.

"Ayoko -_-" mabilis na sagot naman sakin ni Aso

Inaaya ko kasi syang pumunta sa beach para dun magpalipas ng sembreak

"Eh ano naman kasing gagawin ko dun? Magswiswimming sa dagat? "

"Anong gusto mo? Sa lupa magswimming??" Pamimilosopo ko sa kanya kaya tinaasan nya ko ng kilay

"Joooke" nginitian ko sya pero hindi pa rin sya ngumingiti

Naiintindihan ko naman kung bakit medyo masungit sya sakin ngayong umaga.

Actually, nasa kwarto nya kami at literal na kagigising nya lang dahil ginising ko sya para lang magpasama.

Paano ako nakapasok you ask? Well, I have his spare key at yun nga, dire-diretso na kong pumasok hanggang dito sa kwarto nya

Bumuntong hininga sya kasabay ang pagkamot sa ulo nya


"Sino ba mga kasama ?"

"Si...sila Terra, Kairi, Stella, Zayne, Kirt, aaaat si Cli--"

"Oo na, sama na ko" sagot nya na parang walang pag-aalinlangan

"Talaga?!" Masayang sabi ko

"Parang ayaw mo ah! Sige wag na pa--"

"Hindi! Wala nang bawian! Pag binawi mo yun sabog yang nguso mo!" Pagbabanta ko sakanya

"Oh, magbihis ka na" utos ko

"Hah? Bakit?"

"Ngayon ang alis natin" nakangiting sabi ko pero tumitig lang sya sakin na para vang hopeless case na ko
****

CAYDEN'S POV

Nakatingin ako kay Heroine dahil sa pagkabigla.

"N-ngayon?"

"Ya" sabi nya na para bang dapat ineexpect ko na yun.

Nakangiti sya pero her eyes says otherwise na para bang kapag binawi ko yung sagot ko eh humanda na ko.

Seriously Mai, you're really one hell of a girl

"Ahh.. sige sige, sunod na ko.. maliligo lang ako"
Bumangon ako sa kama ko at pumunta na sa banyo dahil wala na kong ibang magagawa kundi sumunod

"Take your tiiiime~"

she's so persistent.

Actually, ayoko naman talagang sumama eh..

Pero, kasama kasi si Cliff..

Not sure for the reason why..

Actually, napapaisip ako.
Di ko alam kung anong nagustuhan ni Cliff kay Heroine..

I mean...Ang alam ko kasi, iba ang type ni Cliff sa babae,

yung mahinhin, tahimik, mahiyain, mabait, sensitive at inosente.. anghel ang tipo nya sa babae.. kaya nagulat din ako nung sinabi nya sakin na gusto nya si Heroine, eh halos kabaligtran ni Heroine ang lahat ng yun

Kasi si Heroine, parang speaker yun kapag naiinis, masungit, matapang, malakas kumain, nananapak, parang mangangain na dragon kapag galit, walang kinakatakutan , wala ding pakialam sa mundo yun at.... nasabi ko na bang matakaw?

Napakamot ako ng ulo habang yun ang tumatakbo sa isip ko

kung magiging sila man..... Bahala na..

Ms. Arrogant's Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon