Chapter 36: The final decision

52 1 1
                                    

Darren's

Nandito ako ngayon sa simbahan. Nagbabakasakaling siya ang makakatulong sakin. Lumuhod ako. Umiiyak. Nakikiusap na sana, pagalingin niya si Jillian, yung babaeng mahal ko.

"Oh god! Alam kong malaki yung nagawa ko kay Jillian, mahal na mahal ko po siya. Pagalingin niyo po siya parang awa niyo na!"

"Hindi ko po kayang mawala siya. Gagawin ko po ang lahat, mapagaling niyo lang po siya! Lahat lahat po!" Sinasabi ko yan habang umiiyak ako. Di ko kayang mawala si Jillian! Mahal na mahal ko siya!

"Gagawin mo ang lahat?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likod. Humarap ako sa kanya, Si.. Si Tito Dennis.

"Gusto kong layuan mo na si Jillian." Parang gumuho ang mundo ko sa mga sinabi niyang yon. Lalayuan? Bakit?

"Lalayuan po? Pero--"

"Wala ng pero pero Darren. Alam kong masasaktan mo lang ulit si Jillian."

"Mahal ko po si Jillian!! Hinding hindi ko na po siya sasaktan, nagmamakaawa po ako sa inyo! Parang awa niyo na po!!!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Lumuhod ako sa harapan niya. Di ko kayang layuan si Jillian! Mahal na mahal ko siya!

"Tigilan mo na siya!! Masasaktan mo lang siya! Kung talagang mahal mo siya, lalayo at lalayo ka! Kapakanan lang ni Jillian ang iniisip ko! At alam kong gusto mong maging masaya si Jillian. Kaya tigilan mo na siya! Dahil kapag hindi mo siya tinigilan, hinding hindi mo na siya makikita pa. At sisiguraduhin kong malulugi ang kompanya niyo!" At umalis na si tito Dennis. Para akong nastock sa kinatatayuan ko. A-ano 'to? Bakit kailangan kong lumayo? Eh mahal na mahal ko si Jillian. Pero gusto ko siyang sumaya. Ayokong masasaktan siya ng dahil sakin.

"LALAYO AKO! PARA KAY JILLIAN!!! HINDI DAHIL AYAW KONG MALUGI ANG KOMPANYA NAMIN, KUNDI DAHIL MAHAL KO SI JILLIAN!!" Sabi ko sa kanila na hindi pa nakakalayo. Kahit labag sa loob ko. Tandaan mo Jillian, mahal na mahal kita! Sobra sobra!!

**

Dennis'

"LALAYO AKO! PARA KAY JILLIAN!!! HINDI DAHIL AYAW KONG MALUGI ANG KOMPANYA NAMIN, KUNDI DAHIL MAHAL KO SI JILLIAN!!" Salitang narinig ko,mula kay Darren. Tama lang yan Darren. Layuan mo ang prinsesa ko. Ayokong nasasaktan siya.

"Tigilan mo na 'tong kalokohan na 'to!!" Cammille said.

"Anong ibig mong sabihin Cammille?"

"Dennis, di natin 'to kailangan gawin kay Darren. Mahihirapan lang ang mga bata. Pati na din si Jillian. Hindi siya sasaya na wala si Darren." Sabi ni Cammille.

"Tapos ano? Hahayaan ko lang masaktan si Jillian dahil diyan sa Darren na yan? Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang prinsesa ko!" Hinding hindi ko hahayaan na masaktan siya. Kung kailangan kong ilayo pa si Jillian, gagawin ko.

"At hindi ko din kayang makitang nalulungkot si Jillian ng dahil wala si Darren sa tabi niya. Isipin mo naman ang mararamdaman ni Jillian, Dennis." -- Cammille.

"Buo na ang desisyon ko. Ilalayo ko si Jillian kay Darren. Sa ayaw at sa gusto mo! Dadalin ko si Jillian sa States. Tapos ang usapan." Umalis ako at pinuntahan si Jillian. Hinawakan ko ang kamay niya. Sana magising na siya. Wag kang mag-alala Jillian, di na kita hahayaang masaktan pa ni Darren. I love you Princess! Para sayo din naman 'tong ginagawa ko. Para di ka na masaktan pa.

**

Jamin's

Bravo, bravo, bravo! Nagtagumpay ang mga plano ko! HAHAHA! Sa totoo lang, di ko naman talaga inexpect ang mga nangyari. But it was sooo great!!! Sayang nga lang at hindi natuloy yung kanina. Epal kasi ni Jillian eh. Yan tuloy, nasagasaan pa. >:) Pero okay na yon noh! Sana nga lang hindi na maalala ni Jillian si Darren para naman nas maging madali ang pag-aagaw ko kay Darren.

"Poor Jillian." Nasabi ko na lang habang umiinom ng wine at naglalakad lakad habang ngumingiti ng wagas!

"Sa wakas, Darren is mine now! Don't worry Jillian, mamahalin at aalagaan ko si Darren, papasayahin ko siya. Sisiguraduhin kong ako ulit ang mamahalin ni Darren! HAHAHA!" This night is so wonderful! Let's celebrate! Ikaw? Gusto mong sumali sa gagawin kong celebration? Pagdiriwang sa paghihiwalay ni Jillian at Darren at sa pagbabalikan namin ni Darren! Let's PARTY, PARTY!!! HAHAHA!!! >:)

Love Story With My Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon